Fight me 26

11 1 0
                                    

FIGHT ME 26

FLASHBACK

"Bakit ba kasi kailangan mong manalo pa sa kanya? Aren't you happy that you're physically strong? Hindi mo man matatapatan ang kanyang lakas pero at least malakas ka, Floyd," mababakas sa tono ng pananalita ngayon ni Phia ang inis dahil kay Floyd. Kasalukuyan siyang nakatayo ngayon malapit kay Floyd na ngayon ay nag eensayo sa boxing.

Samantalang nakaupo ako sa 'di kalayuan sa kanila kaya rinig na rinig ko ang usapan nilang dalawa.

Phia rolled her eyes when she got no response from Floyd.

"Fine! Gawin mo kung ano ang gusto mo!" sigaw ni Phia bago niya iniwan ang kapatid ko na tila hindi naririnig si Phia.

I watch her walk towards my direction. Nakapamaywang siyang huminto sa harapan ko. "How about you, John? If ever you will meet someone in your life who is stronger than you, are you going to do everything to be stronger than her?"

"Are you stronger than me, Phia?" I ask her.

She rolled again her eyes when I said those things to her. Because she knows I still like her.

"You're already my ex and I have already Floyd. Baka nakakalimutan mo," pagpapaalala niya sa akin kaya napatawa nalang ako sa kanya bago itinuon ang pansin sa hawak kong laptop. I continue reading the case I am holding while the two of them are having training since early this morning. Nadatnan ko nalang silang dalawa rito na nagtratraining hanggang sa kausapin ni Phia si Floyd pero hindi siya pinapansin ni Floyd.

"Then, sa tingin ko ay hindi na ako makahanap ng babaeng mas malakas sa akin," dagdag ko pa.

I am not taking about physically strong. But rather, I am pertaining to something more than physical.

Phia is already my ex but it doesn't affect the way how we treat each other. Bumalik lang kami bilang magkaibigan matapos ang relasyon namin at tanggap ko nang si Floyd na ang kanyang mahal.

Nakanguso siyang umupo tabi ko at pinagcross ang kanyang kamay. Ramdam ko ang paninitig niya sa screen ng laptop na hawak ko.

"After the graduation in high school, you ask me what will be the course I am going to take but I told you that I don't have one," nilingon ko siya dahil sa kanyang sinabi. I still remember how she told me that she doesn't have any dream for herself. Ni hindi niya nakikita ang kanyang sarili sa kahit na anong larangan. "I told you that I wanted to be a criminal, John."

"Kaya hindi ka na nagcollege at ipinursigi mong maging criminal nga," sagot ko sa kanya. Natawa siya at tumitig sa akin.

"Kung tutuusin ay maaari niyo na kong pakulong dahil sa dami ng krimen na ang aking nagawa. I am a killer, kidnapper, carnapper, theft and many more. What I mean is... you being a lawyer and Floyd being a police officer. Parehas kayong alagad ng bansa na nagpapanatili ng kaayusan sa paligid."

"You think we're stupid to put you in jail?" I ask her. Nakatanggap siya ng batok mula sa akin kaya natawa kaming dalawa.

Ito nanaman siya sa isipin niyang iyon. Ni hindi niya naisip na prinoprotektahan namin siya.

Ilang minuto pa ang lumipas nang magpaalam siya lalabas muna ng headquarter ng mga Alcapone. I continued reading while Floyd is still training himself for unknown reason. Ilang oras ang lumipas nang mapagpasyahan kong umalis na ng training area. I stayed in mini library to concentrate what I am doing.

"Lumabas ba si Floyd?" I heard Phia's voice in the door.

Nilingon ko siya bago umiling. "Nasa training area siya diba?" I ask her. Kaninang umalis ako ng training area ay naroon si Floyd na nag-eensayo. Pero halos isang oras na ata ang lumipas nang umalis ako 'dun

Fight me, Attorney(COMPLETED✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon