Hello!! First time po namin gumawa ng story dito sa wattpad!! :) PAGBIGYAN!! Sana po magustuhan nyo tong true to life ng pinsan kong story ☺
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Tuwing makikita mo si Beth lagi siyang nakangiti. Kaya napakadaming kaibigan nya at halos sya ang ginagawang leader sa halos lahat ng group project. Ilang beses na rin syang nanalo ng awards para sakanyang magandang itsura. Maganda ang hubog ng kanyang katawan, pinakamagandang asset nya ay ang kulay ng kanyang mata, itim na itim na bumabagay sa kulay ng kanyang balat na maputing maputi.
Pumasok sya ng classroom ng 6:00 ng umaga, unang araw nya sa second year sa pamantasan. Sya palang ang tao sa building, sarado pa ang ibang mga silid at animo ghostown ang corridor. Naupo sya sa sahig habang iniintay ang janitor na buksan ang mga pinto. Dahil sa puyat halos makatulog na siya sa dingding na kanyang sinasandalan.
Bigla siyang nagising sa malakas na pag sarado ng isa sa mga pinto, tumayo sya at pinagpag ang kanyang palda, sinundan nya ang nagbubukas sara na pinto para tawagin ang janitor na unahin ang kanyang silid.
Pagdating nya sa room 307, pinihit nya ang door knob pero naka-lock ito. "BANG!!!" sinundan nya ulit ang sumunod na pinto, 324 naman. Pinihit nya ulit kaya lang naka-lock rin ito, lumingon sya at napansin na ang 310 ay pasara na ang pinto, tumakbo sya at naabutan nya itong bukas. Pagsilip nya, nakita nya ang isang estudyante na nakatalikod sa bintana. Nilapitan nya ito at hinawakan sa balikat at ng humarap ito sa kanya, WALA ITONG MUKHA!!
Blanko. Parang ulo na binalutan mo ng stockings puro bakat lang ng ilong at lalim ng mata ang makikita. Halos hindi nya malaman kung ano ang gagawin nya sa nakita, hindi sya makakilos o makasigaw man lang na para bang ang buo nyang katawan ay nabalot ng takot.Hinawakan ng babae ang kanyang kamay na nakapako na sa balikat nya at hinila ito at tinapat sa blanko nyang mukha.Bigla nalang, nagdilim ang paligid ni Beth.
Nagising nalang sya na nasa upuan na sya ng kanyang clasroom. Hindi nya alam paaano sya nakarating doon. Paulit ulit nyang inisip yon. Buong hapon hanggang sa paguwi nya sa bahay.
Kinabukasan maaga ulit pumasok si Beth ng eskwelahan. Umupo rin sya sa corridor. Narinig nya muli ang pagbagsak ng mga pinto at tumapat sya sa harapan ng 310. Pagbukas ng pinto nakita nya muli ang babae na nakaharap sa bintana. Pumasok sya at bago pa lamang nya ipatong ang kamay nya sa balikat nito, humarap ito at biglang sumigaw ng sobrang tining at lakas na halos dumugo ang mga tenga ni Beth. Tinatakpan nya ng kamay ang mga tenga nya pero pumapasok parin ang boses ng babae. Ilang saglit lang, nawalan ng malay si beth. Pagbukas nya ng kanyang mga mata nakita nya na nasa loob sya ng clinic.