Chapter 15

1.4K 63 8
                                    

Chapter 15

"Have you heard about what happened kagabi?" bulong ng isang babaeng may pink na buhok sa gilid ng locker

"Saan? 'Yung tungkol sa party ni Kiana and Queenie? Disaster daw 'yung nagyari!" sagot naman ng kausap niyang babae na may piercing sa dila

"Yup, at ang pagkakarinig ko 'e nagpakalat daw ng daga at ipis si Queenie sa party ni Kiana kasi nga lahat ng aattend sana ng party ni Queenie ay umattend sa party ni Kiana," wika ng babaeng may pink na buhok

"Wala naman akong paki sakanila, pare-parehas silang mga bitches," sagot naman ng isa

Late ng pumasok ang tatlo sa school dahil sa pagod pa sila at puyat sa party. Si Bianca nakailang patong ng concealer sakanyang eyebags, si Sabrina naman ay nakashades na kahit naglalakad sila sa hallway at si Kiana naman ay nakailang patong din ng concealer sa eyebags.

"Pinag uusapan ba tayo ng mga goth na 'yun?" tanong ni Bianca sabay nguso sa dalawang babaeng nasa gilid ng locker

Napatingin naman sila Kiana at Sabrina sa dalawang babae at 'yung dalawang babae naman ay biglang tumakbo palayo sa tatlo.

"Mga duwag," wika ni Sabrina sabay hair flip, "Anyway, meron daw meeting."

"Meeting saan?" tanong ni Kiana, "Argh! Hindi ko na talaga kaya gusto ko na matulog," sabi ni Kiana sa pacute na boses

"Meeting sa pageant tungkol sa Valentine's Ball, grabe ang sakit ng ulo ko sa antok," sabi ni Bianca

Naglakad sila patungo sa Auditorium. Sa kanang bahagi ng auditorium nakaupo ang mga female candidates at sa kaliwang bahagi naman ay ang mga male candidates. Inagaw ni Elliot ang pansin ng tatlo ng kumaway ito mula sa kinauupuan niya.

"OMG! Si Elliot!" sabi ni Kiana na mukhang excited na excited pa at kinikilig, "By the way girls, kami na ulit ni Elliot, he explained everything to me."

Napanganga naman ang dalawa sa sinabi ni Kiana, "Kailan pa?!" sabay na tanong ng dalawa

"Kagabi...?" pangiti ngiting sagot ni Kiana, "Tara na umupo na tayo."

"Kiana, Bianca and Sabrina! Sa tabi na kayo ni Queenie umupo," announce bigla ng M.C

"The hell?!" shouted Sabrina

Napabuntong hininga ang M.C sa tapat ng mic at nagsalita, "Pasalamat nga kayo at talagang nagreserve pa si Queenie ng upuan para sa inyong tatlo 'e,"

"So, kailangan pa pala nating magpasalamat kay Queenie," bulong ni Bianca kay Kiana

"Gosh, I hate her so much! Tingnan mo 'yung ngiti niyang napakaplastic!" sabi ni Sabrina kay Bianca

Naglakad na sila papunta sa upuan na nireserve ni Queenie, "Hello Kiana, Sabrina and Bianca," bati ni Queenie pagkaupo ng tatlo sakanyang tabi

"Shut up Bitch," sabi agad ni Sabrina which is katabi ni Queenie

Ngumiti ngiti naman si Queenie at naghair flip sakto namang natamaan si Sabrina sa mukha, "Watch it bitch! Umayos ka! Napakawar-freak mo!"

"Oops, sorry," pangisi ngising sagot ni Queenie

Nagsimula ng magsalita ang M.C, tungkol lang naman ito sa mga anu-anong preparasyon ang gagawin sa Valentine's Ball at bilang candidate ay kailangan nilang tumulong.

"Hindi ba pwedeng mag utos na lang tayo kesa sa tayo pa ang tumulong? Jusko ha, ayoko ngang pagpawisan sa mga gawaing 'yan," reklamo ni Kiana

"Ano ka ba? Hindi tayo pwedeng mag-utos! Dagdag points din kaya 'yun para manalo tayo sa pageant," hirit ni Bianca ng nakasimangot

Don't Touch Us We're Famous (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon