LOVE LABEL 12

5 0 0
                                    

..............

Nag-unat muna ako saglit ng mga kamay matapos ko tapusin lahat ng papers works ko , sa wakas at natapos na din namin , pero may isang problema lang bumaba yung sales namin sa baguio kaya importanteng ma inform ko agad ito kay Sir Jared baka kase hindi nya pa ito napansin dahil din sa dami ng trabaho nya bigla ko na naman na isip yung mga sinabi nya nakaraang araw hayst ! 'Seryoso kaya sya dun sa mga sinabi nya o baka pinaprank nya lang ako ,aahhh , ano ba ayoko ng isipin yun ,'

"Po ? Ang alin po?"

"Ay palaka ka"

Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat , nawala kase talaga ako sa sarili ko saglit sa sobrang pag-iisip dun sa  mga sinabi nya , hindi na tuloy ako masyado makapag concentrate sa ginagawa ko , lage nlng ako nalulutang gaya nlng ngayon

"Sorry po Miss Cruz kanina pa po kase ako kumakatok hindi nman po kayo sumasagot kaya pumasok nlng ako baka sakaling nkatulog po kayo"

"Ay ganun ba Monic?! Pasensya kana rin kung hindi kita narinig madami lng kase akung iniisip tungkol sa trabaho, "

Pagsisinungaling ko nlng sa kanya,

"Ayos lng po,halata din po sa mga mata nyo na wala po kayo masyadong maayos na tulog"

"Kaya nga eh , Nga pala may kailangan ka?"

Pag-iiba ko nlng sa usapan ,

"Ahmm , meron po sana"

"Sige sabihin mo ,ano ba yun?"

"Kung ayos lng nman po , pero kung hindi ayos lang di nman po"

"Ano ba sana yun? Sabihin mo lang wag kang mahiya alam mo namang parang mga kapatid lang yung turing ko sa inyong lahat dito eh , kaya wag kang mag-alangan magsalita kung may gusto kang sabihin saken "

"Maraming salamat po"

"No problem Monic , so ano yun?"

"Gusto ko po sanang mag leave nang isang linggo po"

"Ah ganun ba? Kailan nman yun?"

"Nextmonth po sana"

"Sige walang problema dun ako nlng muna yung gagawa sa trabaho mo dito , di ko nlng din itatanong kung bakit , kase privacy mo yan , basta siguraduhin mo lang na babalik ka ah?"

"Maraming salamat po talaga Miss Cruz"

"My pleasure Monic, gumawa ka nlng ng vacation leave , para kung sakaling mapunta dito si Sir Jared at magtanong tungkol sayo eh may maipakita ako "

"Sige po Miss Cruz, maraming salamat po ulit"

Ngumiti lamang ako bilang tugon sa pasasalamat nya, nagpasalamat ulit sya bago lumabas ng office ko , halos mapunit na yung ngiti nya sa sobrang tuwa , natawa nlng tuloy ako sa batang yun.

.................

Nag-aabang na ako ng taxi ng may biglang huminto na sasakyan sa kinatatayuan ko,'Sino ba to?' 

Tapos ay nagbukas yung bintana ng sasakyan,

"Hi Miss Machine Gun? How are you?Did you miss me?"

At lumabas na eto sa sasakyan nya , nandito na naman yung balahubas na lageng naninira ng araw ko ,

Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala sya,

"Ang ganda mo talaga pagnunugulat"

"Ano na naman kailangan mo? Itabi mo nga yang sasakyan mo hindi ako maka para ng taxi eh"

"I'm actually here to pick you up"

"Isa"

"Bakit ba ang init lage ng ulo mo saken?"

Tanong nya pa na para lang nang-aasar

"dalawa"

"Pag-umabot ng tatlo yang bilang mo kakargahin kita papasok ng sasakyan ko"

"Ano? Wala ka ba talagang magawa sa buhay pati ako ginugulo mo ?"

"Sa totoo lang ngayon lang ulit ako nagkarun ng interist sa isang babae eh,ewan ko nga ba kung bakit , di ko rin alam eh ,"

Hindi ako nakapag react sa sinabi nya parang biglang may naramdaman akung hindi ko maipaliwanag , nakatitig lamang ako sa kanya ng bigla nyang hinawakan yung kamay ko at hinila ako ng madahan papunta sa saksakyan nya , pumasok na lamang ako at hindi na nagprotesta , pumasok na rin sya at umupo nagulat ako ng lumapit sya saken akala ko kung anong gagawin nya, inabot nya lang pala yung seatbelt at nilagay saken  napapikit pa ako, Ayyysssh nakakahiya talaga,

"Don't be to excited Aysha"

Sambit nya pa habang nakangiti nang nakakaloko ,upakan kita dyan eh , inirapan ko nlng sya at binaling ko nlng yung tingin ko sa labas,parang uulan ata ah 

"Buti naman hindi kana nagprotesta"

Basag nya sa katahimikan sa loob ng sasakyan , 

"Pagod ako"

"Kaya nman pala , nag dinner ka na ba?"

"Sa bahay na"

"Ako din , hindi pa ako kumakain ,makikikain nlng ako ulit sa inyo huh?"

Dun na ako napatingin sa kanya,

"Ano? i'isturbuhin nmo na nman  mama ko?"

"Masarap kase magluto mama mo , ikaw ba masarap kaba magluto?"

'Mas masarap ako kesa sa luto ni mama noh' Ops ! Kung ano2 nlng talaga naiisip ko nababaliw na ata ako , pinalo ko pa yung ulo ko para matauhan ako ,

"Ano yung binubulong mo ? Parinig mo nman saken"

"Wala kana dun , manahimik ka nlng at magdrive ng maayos , wag mo kung kausapin di namn tayo friends , "

"Ayaw kita maging friend eh"

"Bakit sa tingin mo ba gusto din kita maging friend? Asa ka"

"Hindi ko alam kung anong gusto ko ,yung kaibiganin ka  or maybe kung liligawan ba kita"

"Ano ba pinagsasabi mo?Manahimik ka na nga lang  ang ingay mo masyado"

Tumawa lamang sya at hindi na ulit nagsalita.

Hindi pa nga ako nakamove'on dun sa sinabi ni Sir Jared dumagdag oa tong balahubas natu ,mas lalo tuloy nagulo yung utak ko , pero iba yung kabog ng dibdib ko sa sinabi netung lalaki natu , hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko , parang nai'excite ako na kinakabahan , nababahala na tuloy ako dito sa nararamdam ko , hindi ko to dapat maramdaman sa kanya, kung sakali mang mainlove ako wag nman sana sa balahubas natu , at isa pa may girlfriend natu kung sakali mang totoo yung sinasabi ng lalaking to ,dapat ko na iwasan yung lalaking to habang maaga pa ayokong maging dahilan na may relasyon na masisira dahil saken , pero bakit parang kabaliktaran yung gusto ng utak ko at ng puso ko , napabuntonghininga nlng ako sa mga pinag-iisip ko .

"We're here"

Pagkahinto plng ng sasakyan ay agad akong lumabas , 

"Thank you"

Sabi ko sa kanya bago ko isara yung pinto ng sasakyan nya at naglakad na ako paputang gate , pero bago ko pa mabuksan eto ay nakasunod na din sya saken ,

"Di ba sabi ko makikikain ako?  Ang damot mo talaga"

Huminga mo na ako ng malalim at seryoso yung mukha ko ng harapin sya

"Alam mo hindi ko alam kung anong klaseng laro yang ginagawa mo , pero hindi ko gusto , tahimik yung buhay ko , kaya please lang wag mo subukang guluhin , at isa pa may girlfriend kana ano nlng yung mararamdaman nya kung sakaling malaman nya tung pinaggagawa mo? Akala mo ba natutuwa ako? Akala mo ba okay lang saken tung pinagagawa mo? Pwede ba wag ka na magpakita saken , sana nman maintindihan mo , bye"

Hindi ko na sya hinintay na magsalita , tinalikuran ko na sya at pumasok na sa loob , sinara ko na yung gate ngunit hindi na muna ako pumasok nakatayo lamang ako at hinihintay syang umalis, bakit parang kumikirot yung dibdib ko ,bakit nasasaktan ako sa mga sinabi ko? Pero tama laamang yung ginawa ko , naghintay muna ako nga  ilan pang minuto maya2 ay narinig ko nang umandar na yung sasakyan nya at umalis na , inayos ko muna yung ayos ng mukha ko bago ako pumasok sa loob ng bahay.

LOVE LABELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon