Nakakapagod. Katatapos lang ng exam namin. Sa wakas, bakasyon na rin. Pwede nang mag-unwind. Bawi-bawi rin ng tulog at walang kasawaang kain. Syempre, pangarap kong tumaba. Nagtataka nga sila kung ba't gusto ko yun. Eh bakit nga ba? HAHA. Wala lang, trip ko lang. Yung tipong para di na ko sasabihang payat. HAHA. Hanbeyen, napagod ako masyado kanina. Hayyy. Pati sa byahe, traffic. GRABE. Na-stress pa ko sa exam na yun. NGANGA EH. Major pa naman. SDRFTGBREC2. Wala akong masabi, haha.
Pagkarating ko sa bahay, actually, unit pala. Kumain na 'ko. Tapos internet hanggang sa niyakap ako ni ANTOK at ayun! Bingo, nakahiga na 'ko. Nagbabasa pa sana ako sa wattpad pero suko na rin si mata kaya nag headset na 'ko at umidlip...
Tulungan mo ako! Parang awa mo na!
Ano daw? Tulungan? Bumangon ako. Nagulat ako at tumingin sa paligid.
"Tsk. Wala naman.Istorbo."
Humiga ulit ako.
I have died everyday waiting for you
Darling don't be afraid I have loved you
For a thousand years..
I'll love you for a thousand more..
Ate, tulong! Ateeeeeee!
Totoo ba ung narinig ko? A thousand years tapos may bata? Kanina matanda ah..
Pinagpawisan na 'ko. Diko alam ang gagawin ko. May kakaibang sensasyong inihahatid ang lamig na dumampi sa 'king katawan.
Humiga ulit ako. Pero this time, tinanggal ko na ang headset ko.
Past 2AM nang magising ako. Nagulat kasi ako sa bumubulong sa'kin. At nanlamig ako sa mga narinig ko.
Ibalik mo ako sa totoong may-ari nito. Dahil kung hindi, mamamatay ka!
Natakot na ko. Oo, may third eye ako pero grabe, ito na ang pinaka nakakatakot na nangyari sakin. Yung binulungan ako. At ang pinaka -- talaga is NASA TENGA KO YUNG HEADSET. How come na nasa tenga ko eh tandang tanda ko na tinanggal ko yung dahil nung nagsalita ang bata, natakot na 'ko.
___________________________________________________________________________
Panu napunta sa tenga nya ang headset? ....
Actually, dapat one shot lang 'to kaso may pupuntahan pala kami. Kaya ayun, next time nalang! :)