Chapter 4: Awkward
Sofia's POV
Ilang oras din akong nag-stay sa Comfort Room at umiyak. Kaya eto, maga mata. Hindi na nga ako nakahabol sa klase eh.
Sumagi sa isip ko kanina ung sinabi ni Cedrick kahapon. Tutal kailangan niya ang tulong ko at mukhang kailangan ko na din ng tulong niya ngayon, mas mabuti siguro kung pumayag na lang ako sa gusto niya. Ayoko pang magpakasal, lalo na sa taong hindi ko kilala. For the mean time, kailangan muna namin magpanggap as couple. Ako, para mapigilan ang kasal at siya, ewan ko sa kanya kung anong dahilan niya. Basta ako, gagawin ko to para sa sarili ko at hindi para sa kanya.
Paglabas ko ng comfort room, natanaw ko agad si Cedrick. Tinawag ko siya pero mukhang hindi niya yata narinig. Mahina nga kasi ang boses ko tapos mejo nanginginig at humihikbi pa ako. Lumapit pa ako ng konti then I cleared my throat, tinawag ko ulit siya, "CEDRICK!"
This time lumingon na siya tapos lumapit siya sakin.
"Sofia, nandito ka pa pala. Kanina pa kita hinaha—" then biglang kumunot ung noo niya, "Sandali, umiyak ka ba?"
"Pumapayag na 'ko, girlfriend mo na ko."
Nakita kong nanlaki ang mga mata niya at napangiti siya, "Talaga? Seryoso? Payag ka na?"
"Oo. Pero di ko to ginagawa dahil sayo. May sarili akong dahilan."
"Whatever. Basta pumayag ka na. Girlfriend na kita, fake nga lang. Wala ng atrasan to ah.... Akina cellphone mo."
Tapos sabay kuha ng bag ko at kinuha dun ang cellphone ko. Alam na alam kung san nakalagay. Magnanakaw ata to eh.
"Oh eto. Nilagay ko na dyan yung number ko at kinuha ko na din ung number mo. Tatawagan na lang kita pag may kailangan ako. Sige, ba-bye na, my Fake Girlfriend :)"
Bahala siya kung anong gusto niyang itawag sakin ngayon. Wala ako sa mood makipag-usap sa kanya ngayon at wala akong pakialam sa kanya.
***
Cedrick's POV
Ubod talaga ng taray yung babaeng yun. Ngayon ko lang nalaman.
Kaninang umaga pa nagsusungit yun ah.
PMS?!! Well, I don't think so. Parang may problema eh. Mukha kasi siyang umiyak.
Pero di ko na problema yun. Basta pumayag na siya sa gusto ko. Solve na :D
Tawagan ko kaya ngayon yun? Tutal bored na rin naman ako dito sa bahay.
*riiing riiing riiing riiing*
Aba ayaw sagutin ah. Isa pa.
*riiing riiing riiing riiing*
Problema nun? Hindi pwede to. Dapat lagi niyang sinasagot ang mga tawag ko. Para pag may emergency alam niya agad. Tsk tsk tsk. Text ko na lang.
"Oi Sofia, bakit hindi mo sinasagot yung tawag ko? Dapat pag tumatawag ako sayo sinasagot mo. Malay mo emergency pala to. Pano kung kailangan kita ngayon bilang girlfriend? Tapos hindi mo sinagot ung phone mo? Patay ako neto. Sagutin mo lagi ang mga tawag at text ko ah. TANDAAN MO YAN." -- To: Sofia.
Lagot sakin to bukas.
***
'Hi Sofia', ay hindi masyadong sweet. 'Hoy Sofia', ay wag masyadong sarcastic. 'Sofia'... much better.
BINABASA MO ANG
Fake to REAL Couple (On-Going)
Teen FictionPara makatakas sa plano ng kanyang mga magulang na ipakasal siya sa isang taong hindi niya kilala at hindi niya mahal, naghanap siya ng taong magpapanggap na lover niya. Pero what if yung taong kailangan magpanggap para sa kanya is the same person n...