TUNAY NA KAYAMANAN -supladito

51 3 3
                                    

Nang mapasama ako sa barkadang mga gwapo

Di ko namalayan aking pagbabago

Dating malungkutin, ngayo’y masiyahin

Di na rin ako masyadong mahiyain

Barkada nami’y puno ng kalokohan

Na nagiging pundasyon ng matibay naming samahan

Kung gusto mo sumama di ka mahihirapan

Pagkat sa samahan, bawal lang ay plastikan

Dumating ang araw, biglang nagkatampuhan

Labasan ng hinanakit, hampasan ng unan

Di rin naiwasang magkasulutan

Ngunit dahil magkakaibigan, natutong magpatawaran

Problema man sa barkada’y di maiwasan

Kasiyahan naman nami’y walang katapusan

Kaya barkada nami’y wag huhusgahan

Kahit meron ka pang sapat na pinag-aralan

Handa ‘kong utangin ang bawat minuto

Basta’t kapalit nito’y makasama ko kayo

Samahan ng barkada’y wala sanang hangganan

Pagkat tanging kayo lang ang aking kayamanan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TUNAY NA KAYAMANAN -supladitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon