"Ano papanuodin natin kuya Migs?" tanong ni Jam kay Miguel
Andito kami ngaun sa Sm at napagdesisyunan nila na manuod muna ng sine bago mag gala,
"Cheska, ikaw ano ba gusto mo?" tanong naman nya sakin
Namimili kami ngaun ng Papanoodin at pagpipilian namin ay Amazing spiderman, maria leonora teresa at annabelle,
"Amazing spiderman na lang," sagot ko
"Ayaw mo ng annabelle o kaya maria leonora teresa?" tanong ni Miguel
Umiling ako
"Ano po ba un kuya?" Tanong ni Jam
"Horror un jam" sagot ni Miguel
"Ay kaya pala!, Sige ate Cheska at kuya Migs amazIng spiderman na lang"
"Bakit jam anong kaya pla" tanong ni Miguel
Sasawayin ko sana na sumagot kaso hindi nya ako tinitignan asar nman tong batang to!
"Hindi manonood si ate Cheska ng horror takot kasi yan manood kawawa magiging katabi panay palo at kapit po angvgagawin nyAn kaya wag mo ng subukan papanoodin sakanya yan kuya" sagot ni jam
Pinanlakihan ko sya ng mata dahil sa sinabi nya
"Ah okay lang yan andito naman ako para kapitan ni ate mo eh hehehe" at ngumiti ng nakakalokong ngiti
"Ay un!! manananching ka kay ate, cge po amazing spiderman na lang, dalawa kami isa ka lang po," napangiti ko sa sagot ni Jam
"Hay oo na po, tsk." Nakanguso nyang sbi, napangiti naman ako ang cute ni Miguel pag nagpopout sya,
Bumuli na kami ng ticket na sagot ni Miguel at ako naman sa pagkain namin ayaw nya dahil sya daw nagaya at date daw namin to pero sa huli napilit ko din,
Mga 5 mins. na lang magstart na ang movie kaya pumasok na kami after namin bumili ng popcorn. madami na ding tao nanoood kaya sa may bandang kaliwa sa bandang taas kami Nakahanap upuan sa gilid sa dulo kaya nkidaan pa kami sa mga nakaupo. bigla umupo si Jam sa katabi na bata din, tapos ako at sa dulo na si Miguel ayaw kasi ni Jam sa dulo at gusto daw nya ako katabi kaya ako ang na sa gitna nilang dalawa.
Tahimik na kaming nanoood ng movie. kumukuha ako sa popcorn ng biglang kumuha din si Miguel.
"Oi ano ba kumuha ka nga dyAn sayo" sbi ko
"Eh ubos na yung akin sige na huh" sabay kuha ulit kaso ang nkuha nya ay ang kamay ko. npatigil kaming dalawa at kinuha nya ang kamay ko at nilagay nya skanya
"Oi ano ba" habang binabawi ko ang kamay ko
"Sssssshhhh.... ano ba ate Cess hindi ko maintndhan, english kaya to. kaya maya na kau magkulitan ni kuya, kuya tahimik muna" saway samin ni Jam
Tinignan ko si Miguel na deretchong nakatingin sa screen at ngitingiti habang hawak ang kamay ko ng dalawa nyang kamay, ngunit binabawi ko pa din.
"Sssshhh wag kana maingay bka mgalit si aling maliit, hindi na ako kukuha sa pop corn mo nkuha ko na ung mas gusto ko, hehehe paexperience lang saglit ah babalik ko din." bulong skin ni Miguel
Umupo sya ng maayos at inayos din nya ang paghawak sa kamay ko, inalis na nya ang isang kamay na hanggang braso ko ata nkhawak, kaya ngaun holding hands na ang peg namaing dalawa pinagsiklop nya, at ngumiti sya
"Hay sarap manood ng movie" sambit ni n Miguel.
Napangiti na lang ako at ginaya ko na lang ginwa nya sinarado ko ang kamay ko sa kamay nya, nakita ko nagulat sya at napangiti naman ako. sa gulat nya ay bigla nya niluwagan ang pagkakahawak sa kamay ko at tinignan ako
BINABASA MO ANG
A Good Love
RomanceBuong buhay ko isa lang naman ang hinihiling ko.Ang mahalin ako ng mga taong mahal ko. Ang maramdaman ko kung paano ako pahalagahan ng mga taong pinapahalagahan ko.May dadating pa ba na magpaparamdam sakin na totoo ang pag-ibig? Na maipaparamdam din...