Chapter 57

36 5 0
                                    

Heon P.O.V.

Habang namamasyal sa malapit sa dagat ay pinalapit ko ang babaeng nagbabantay saakin

" Kailan ka pa nagtratrabaho dito?" Takang tanong ko

" Simula po ng kabataan ko Sir" Sagot niya

" Kung ganon ay taga dito ka?" tanong ko

" Nung oras na tinulungan ako ng pamilyang Prism ay dito na po ako namalagi at nagaral dito narin ako nagtrabaho bilang kabayaran sa kabutihan nila"

" Kung ganon kilala mo na sila Dime simula ng kabataan niya?" Takang tanong ko

" Kung di niyo mamasamain nais ko po sanang malaman kung kaano ano kayo ni Ms Dime?" Tanong nito

" Hindi ko alam" Nakangising saad ko

" Paanong nangyari iyon?" Takang tanong niya

" Hindi kami magkaibigan at mas lalong di kami magkasundo ayoko sa kanya at ayaw ko sa ugaling meron siya" Explena ko

" Kung gaanon ay bakit niya kayo dinala dito?" Takang tanong nito

" Minsan ay abnormal ang taong iyon minsan ay may sinasabi siyang nakakatulong saakin pero minsan ay sinusundan niya rin ng kayabangan kaya di mo masasabi na maayos ang closeness na meron kami" Pahayag ko habang patuloy parin sa paglalakad

" Kung ganon ay bakit kayo napadpad dito kung hindi naman pala kayo magkasundo?" Takang tanong niya

" Nagaway kami ng girlfriend ko at sinabi niya saakin na sumama ako sa kanya para makapagisip ako" Saad ko

" Hindi po ba magagalit ang girlfriend niyo? Babae ang kasama niyo sa isla at hindi kayo magkasundo"

" Sa totoo ay galit sila sa isa't isa ayaw sa kanya ng girlfriend ko at ayaw ko sa kanya " Nakangising saad ko

" Napakagulo naman pala ng relasyong meron kayo ni Ms Dime" Nakangiting saad nito

" Ikaw? Nakakasundo mo ba ang babaeng iyon?" Takang tanong ko

" Nung bata pa si Ms Dime ay hindi ko pa siya nakita " Pahayag nito

" Paanong nangyari yon?" Takang tanong ko

" Minsan ay nagsisipunta ang mga kapatid niya sa lugar na ito pero ang batang si Ms Dime ay di napadpad ni minsan dito at ang unang pagkikita namin ay ng lunes kaya wala akong alam sa kanya" Saad nito

" Napakamisteryoso naman kung ganoon" Saad ko saka linabas ang cellphone upang makakuha ng litrato

" Hindi kayo maaring kumuha ng litrato Sir Hindi po ito katulad ng islang napapasukan niyo pinapunta ka po dito ni Ms. Dime ng walang imbitasyon kaya ipinagbabawal namin ang kahit anong litrato" Saad nito kaya napabuntong hininga na lang ako saka naupo sa gitna ng buhangin

" Kung di niyo mamarapatin nais kong makatulong saiyong problema" Biglang pangaagaw na pansin nito

" Ang problemang kinakaharap ko ay hindi kasing dali ng iniisip mo" Saad ko

" Pero hindi niyo pa po nasusubukan " Nakangiting pahayag nito habang nakatayo

" Ayaw mo bang umupo?" Takang tanong ko

" Nandito po ako para bantayan kayo kaya ang paguusap na ito ay itago niyo na lamang" Nakangiting pahayag niya

" Hindi ako ang may kasalanan sa away namin pero sa tingin ko ay meron parin" Seryosong saad ko

Trapped into Bad Girl's Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon