Sa isang may kalumaan na "bar" nagpunta sina Seth kasama sina Rauke at mga kaibigan nitong sina Lucas at Carlos at mukhang kilala na ang mga iyun sa lugar na iyun. Matagal man siyang natira sa Villacenco ay hindi pa siya nagagawi sa lugar na iyun, dahil sa noon ay wala pa silang pamabayad para bumili ng beer sa mga bar maliit man o malaki noong mga bata pa sila. Tinitipid kasi nila ni Bobby ang pera nila noon pang-ipon para sa pag-aaral nila kaya naman kung iinom sila ay bibili lang sila ng isang bote ng beer at paghahatian nila iyung dalawa ni Bobby. Ganun kahigpit ang pera sa kanila noon.
Kaya naman pagpasok nila sa loob ay isang bagong lugar sa Villacenco ang bumungad sa kanya. Agad na nakakuha sila ng lamesa para pwestuhan nilang apat. At maya-maya pa ay napuno na ang lamesa nila ng mga bote ng beer at lambanog. Sumama siya sa mga ito hindi lang dahil sa niyaya siya ng mga ito,kundi na rin sa pakikisama niya at gusto rin naman niyang maging kaibigan ang mga ito at alam niyang malapit si Gabriellla sa mga ito.
Hindi hard drinker si Seth, at mababa ang alcohol tolerance niya kaya naman ilang bote lang talaga ng beer ang kaya niyang ikonsumo. Pero dahil na rin sa masayang usapan ay hindi na napansin ni Seth na marami na pala siyang nainom , at nagsisimula na siyang makaramdam ng panghihilo at bumabaligtad na rin ang kanyang sikmura.
"Bibigyan mo ba talaga kami Seth ng bagong model mong motorsiklo? Yung ibinibenta mo na sa ibang bansa?" ang tanong ni Carlos kay Seth. Nakapatong na ang kanyang mga braso sa lamesa at umiikot na ang kanyang mga mata pero, maayos pa rin naman ang pandinig niya at ang pag-iisip niya.
"OO naman, mga kaibigan ko na kayo hindi ba? Siyempre yung kay Rauke ang pinakamahal kasi kapatid ito ng misis ko" ang mariin niyang sagot na ikinahaba naman ng nguso ni Lucas.
Itinaas ni Rauke ang mga kamay nito sabay angat ng mga balikat na tila ba nagyayabang sa mga kaibigan.
"Sorry guys, brother-in-law ng may ari ng nag-iisang Filipino brand at manufacurer ng motorsiklo na acclaimed internationally" ang mayabang na pahayag pa nito, at mga singasing ang narinig kina Carlos at Lucas.
"Ano ba kasing nakita sa iyo ni Gab? Eh mas pogi naman ako sa iyo?" ang kunwaring inis na sagot na tanong ni Lucas.
"Huh, sinong gwapo? Pihikan yun si Gabriella hindi iyun papatol sa iyo Lu-kas," ang lasing nang sagot ni Seth kay Lucas, na humaba ang nguso sa kanyang sinabi.
"Nakuu, patulan ko na kaya yan," ang bulong ni Lucas kay Rauke na nanghahaba ang mga nguso.
"Tanga ,totoo sinasabi ni Seth," ang natatawang sagot ni Rauke sa kaibigan na dumampot ng mani at binato sa mukha si Rauke na mas lalo pang tumawa ng malakas.
"Seth okay ka lang?" ang alalang tanong ni Carlos kay Seth dahil sa sumubasob na ang mukha nito sa ibabaw ng lamesa, at literal na nakangudngod ang mukha nito sa kahoy na lamesa.
"Ughh," ang tanging sambit niya dahil sa umiikot na ang kanyang paningin at ramdam niya na nasusuka na siya.
"Umuungol na, wala pa nga si Gab," ang natatawang sambit ni Rauke habang pinagmamasdan siya.
"Bastusan talaga" ang sambit ni Lucas at dinampot nito ang sariling shot glass na may lamang puro na lambanog.
Hinawakan niya ang kanyang sikmura, nanlalambot na ang kanyang kalamnan at ang bigat na ng mga talukap ng kanyang mga mata. At mula sa pagkakasubsob ay inayos niya ang kanyang ulo at inilapat niya ang kanan niyang pisngi sa lamesa na ginawa na niyang unan. Inaantok na siya , kaya naman hinayaan na lang niyang magsalita ang mga ito at wala na siyang lakas para magsalita at nanatili na lang siyang nakapikit habang nakalapat ang kanyang pisngi sa ibabaw ng lamesa.
"Ang bilis palang malasing niyan," ang saad ni Carlos sabay tungga ng beer habang nakatingin ang mga mata nit okay Seth.
"Sandali lang may ideya ako para naman gumandang lalaki si Seth, pagkakataon ko na itong makaganti," ang malokong sabi ni Lucas sabay tayo nito at pinagmasdan na lang ng mga magkaibigan ang gagawin nito. May nilapitan itong babae mula sa kabilang lamesa at maya-maya pa ay bumalik na ito at napansin nilang may hawak ito sa mga kamay.
BINABASA MO ANG
The Bribe To Be - Gabriella Kirkland - Kirkland Series (completed)
RomansaStrictly for mature readers only 18 and up. Please be guided. Her family has deeply hurt him from the past, and now, it's time for retribution, and she's going to be the payment that he has always wanted. Completed February 2, 2021 © Cacai1981