My Spot # 8

10 0 0
                                    

Naglalakad sa hallway ng kanilang building si Nene. Umiiyak siya dahil kakabreak lang nila ng syota niyang si Popoy. May nakita siyang bakanteng space sa gilid ng isang room at doon niya pinagpatuloy ang pag-eemo.

Dami daming lalaki dyan, doon ka pa na-inlove kasi sa ugok na yun. Eh mukha namang dinaanan ng sixteen-wheeler yung mukha nun eh. Lakas pa ng loob na mambabae kala mo naman kung sinong gwapo! UGH BADTRIP TALAGA MGA LALAKI SA MUNDO MAGSASAMA KAYO!!! sigaw ni Nene sa kanyang isipan habang patuloy na dumudaloy sa kanyang pisngi ang kanyang mga luha at sipon. 

Hindi namalayan ni Nene na may padadating na lalaki, patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Ang dumating na lalaki ay si Totoy. Si Totoy ang number one emo sa school nila. May dala dala itong pagkain papunta sa kanyang nakasanayang pwesto. Ang spot # 8.

Natakot siya nang nakita niyang may babaeng umiiyak doon. Mukha naman kasing multo si Nene dahil nakaputi pa ito at nakatalukbong ang mukha para sa dramatic effect. Kaya binato nya ito ng pagkaing dala dala niya. Sakto namang pag-angat ng ulo ni Nene kaya sumakto ang hotdog sa bibig niya. Lalong natakot si Totoy nung nakita niya ang mukha ni Nene, kumalat na kasi ang make-up nito at mukha na talagang multo at galit na galit pa ito dahil sa hotdog na nakasupalpal sa bibig niya.

"Hehehehehe sige multong emo, sayo na yang hotdog ko. Hehehe wag ka manakot ah byebye!" sabi ni Totoy sabay takbo. 

Umiyak na naman si Nene dahil iniwan na naman siya ng isa pang lalaki. WALANG KWENTA TALAGA MGA LALAKI SA MUNDO!!!! MAGBIBIGAY NA LANG NG HOTDOG, YUNG LOCAL PA ANO BA NAMANG KAMALASAN TO!!!

Samantala, si Nunoy ay may nakitang papel habang siya'y naglalakad papunta sa canteen. Pinulot niya ito at binasa. Let's see each other every TTh 10:30-11:30 AM spot # 8. Sakto magt10:30 na kaya pumunta muna siya sa Spot #8. Na-curious kasi siya kung ano makikita niya sa Spot #8. Nakasalubong niya si Totoy at nabangga pa siya nito. 

"T*&%*@* naman Totoy! Natatakpan na kasi niyang bangs mo yang mata mo, ayos naman!" sigaw ni Nunoy kay Totoy. Tinitigan lamang siya nito at nagmadali ng tumakbo. "Tsk weird talaga ng emo-ng yon!"

Nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa Spot # 8. Pagdating niya doon ay nakita niya ang babaeng si Nene na nagsasalita na naman mag-isa. "Kala niya kung sino siya, ang pangit pangit naman leche siya, pero MAHAL KO SIYA HUHUHUHU, pero tange wag kang tange." Natakot din si Nunoy kasi nababaliw na ata si Nene. 

Tumalikod na siya pero bago siya makahakbang ay may humawak sa balikat niya na malalamig na kamay. Bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa takot, unti unti siyang humarap sa nasa likod niya at laking gulat niya ng ito yung babaeng kinakausap ang sarili kanina. Kalat kalat ang make-up at luhaan si Nene. Sa sobrang takot ay sinapak ito ni Nunoy at nagtatakbo. Ayun, si Nene ay napahiga sa sahig, duguan ang ilong. BOOM KNOCK DOWN. Mas mukha na siyang multo dahil duguan siya. Iniwan na naman siya ng isang lalaki, sugatan at brokenhearted.

Maya-maya, "Cake ka ba? Gusto ko kasi ang hiwa mo eh."

"Hihihi ikaw talaga hihihi ano ba hihi wag dyan hihi may kiliti ako dyan."

"Tara dito tayo sa gilid ng room. Nuod tayong porn tas MOMOL tayo."

"HIHIHIHIHI ayoko hihi pornography is boring hihi MOMOL nalang tayo."

"Sige babycakesmahal tara na."

"hihihi baby cakes mahal"

Narinig ni Nene ang mga paparating ang magsyotang malandi kaya nagtago nalang siya at nagmuni-muni sa kamalasan ng araw niya. Naisipan niyang umuwi na lang at doon magpaka-emoheartz. Nalimutan niyang may nagMOMOL doon sa Spot # 8 kaya tuloy tuloy lamang siya sa paglalakad at malayo ang tingin. Di niya napansin ang nakaharang na paa ng lalaki kaya nadapa siya, subsob, una ang nguso sa sahig. Wala namang pakialam ang mag-syota dahil busy sila sa pagmoMOMOL.

Kaya umuwing luhaan, may blackeye, at putok ang nguso si Nene. Kinwento niya ang karanasan niya sa Spot # 8 sa kanyang ina na lubos na nag-alala at ginamot ang sugat niya. Sabi nito ay may regalo pa naman ito sa kanya. Pumunta sila sa kwarto at nakita niya ang isang malaking teddy bear. Niyakap niya ito at siya'y nakatulog.

Pagkagising niya, masaya na ulit siya dahil panibagong araw na. Nagpa-ikli siya ng buhok, di na nagmake-up at simpleng damit lang kaya bagong Nene na ang ating bida. Siya ang nagpapatunay na, oo, there's life after love. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Do you believe in life after love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon