Chapter 4 - "Ang babae sa Lab"

160 3 3
                                    

"Tigilan mo na ko!! Ayoko na!!" - Divine

"Hahahahahahaha.... hahahaha..." Tumawa ang babaeng nasa lab

Tumakbo si Divine papuntang CR..

"Hahaha, nandito lang ako Divine, hindi kita iiwan.." Kahit saan siya pumunta ay naririnig pa rin niya ang boses..

Pumasok si Divine sa gitnang cubicle at nagtakip ng tenga. Maya-maya ay nawala ang boses ng babae.

Lalabas na si Divine pero hindi niya mabuksan ang pinto, parang may pumipigil sa kanyang buksan ito.

"Tulong!! tulungan nyo ko!" Sigaw ni Divine

"Walang tutulong sayo.. Hahaha"

Narinig nanaman niya ang boses ng babae. Tumingala siya at nakita tumatawang duguang babae na nakauniporme na nakalutang sa kisame.

"Aaahhhhhhh!!" Dumugo ang kanyang kamay dahil pinipilit niyang buksan ang pinto.

Nakalabas na rin siya. Pumunta siya sa lababo at hinugasan ang sugat sa kamay. Ayaw matanggal ng dugo. Tumingin siya sa salamin at nakita niyang katabi na niya ang babaeng duguan.

"Ayaw bang matanggal? :) " ngumiti sa kanya ang babaeng duguan

Parang hihimatayin sa takot si Divine.

"Divine! Gising! Divine!" May babaeng gumigising kay Divine

"Tama naaa!" - Divine

"Oi anu bang nangyayari sayo!!" Sagot ng babae

Biglang natauhan si Divine at nakita niya ang kanyang guro at mga kaklase na nakapalibot sa kanya..

"Ano po ba ang nangyari sakin?" - Divine

"Nakahiga ka kaya dyan sa may tapat ng lab, ano bang nangyari sayo??" Tanong ng kanyang guro

"Wala po akong naaalala eh..." - Divine

"May sugat ka sa kamay, dahin nyo muna siya sa clinic.."

Divine's POV

Wala na akong maalala, ang natatandaan ko lang ay ung nandun ako sa may CR kasama ang babaeng duguan. Hindi ko alam kung totoo ang nangyari sa akin, pero bakit may sugat ung kamay ko??

"Ehmergerd, ano bang nangyayari dyan kay Divine, hindi naman sya ganyan dati dba?" - Meliza

"Baka sinasapian? haha" - Erica

 -------------------------------------------------------------------------------------------------

( ゜∀゜)彡

♥ Vote ♥ Comment

(づ ̄ ³ ̄)づ  Fan nyo nman aq oh xD iffan q rin kau

( ^ω^) Solomots!

ⓘ ⓛⓞⓥⓔ ⓨⓞⓤ

♥ Chocolate_Mint ♥

  /l、

(゚、 。 7

 l、 ~ヽ

 じしf_, )ノ

LonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon