"Oh! Nandiyan ka na pala! Sorry, I was talking to my boyfriend."
Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ako ang tinawag niyang babe, e! Kinabahan ako roon, in fairness. Nakangiti akong tumango. Paalis na sana ako pero hinila niya ang palapulsuhan ko.
"Are you okay? You look pale." Kumunot ang noo niya.
Umiling ako. "Okay lang ako. Galing kasi ako sa simbahan kahapon, e. Baka hindi kinaya ng kademonyohan ko." Natawa ako sa sarili kong biro.
She tilted her head on the side. Kunot-noong nakatitig sa 'kin. Siguro 'di niya na-gets?
"Are you sure?"
Tumango ako. "I can manage."
Noong tumalikod ako ay saka nawala ang ngiti ko. Nahihilo kasi ako. Parang iikot pa ang paningin ko habang naglalakad. Gusto kong matulog pero hindi ko alam kung saang sulok ng university ako puwedeng matulog. Ayo'ko namang mag-cut ng classes. Monday na Monday, e.
"Kumain ka na? Sama ka sa 'min!"
Natauhan ako. Tinawag ako ni Heather. Kasama niya na sila Kanao, Yoshi at Sam. Tumango ako at tumakbo papunta sa kanila. Pinagsisihan ko rin agad na tumakbo ako. Lalo lang sumakit ang ulo ko. Tahimik lang ako habang naglalakad kami.
"Ano bibilhin mo?" tanong ni Magi nang makarating kami.
Bibili na kasi sila. Ganiyan sila mag-desisyon madalas, kung anong kakainin ng isa, iyon din ang kakainin ng iba. Umiling na lang ako. Wala akong gana kumain.
Bumili na sila ng makakain nila habang nakaupo lang ako sa upuan at hinihintay sila. Ipinatong ko ang kaliwang pisngi ko sa lamesa saka pumikit. Sinadya kong matakpan ng nakalugay kong buhok ang mukha ko para hindi ako mailang kung may nakatingin sa 'kin.
"Luh, natulog sa canteen, amp."
Hindi ko ma-recognize kung sino sa mga tropa ko ang nagsalita. Hindi ko na lang pinansin. Wala ako sa mood makipag-usap. Gusto ko lang magpahinga para makapag-focus ako sa klase mamaya kahit papaano.
Nagising ako na nasa clinic na ako. Nakahiga ako sa isang kama. Natatakpan ng kurtina ang paningin ko pero naririnig ko kung sinong nasa labas ng kurtina.
"Mommy, kanina lang po siya hinatid rito. Mataas po ang lagnat niya, baka hindi siya maka-attend ng classes. We advice you to take her home." Boses pa lang, alam kong si Prof. Caoile iyon.
"Salamat po," sabi ni Mama.
Pinilit kong tumayo mula sa pagkakahiga kahit na sobrang sakit ng ulo. Hinawi ko ang kurtina at nakita si Mama at Prof. Caoile.
"Gising ka na pala," sabi ni Prof. Caoile saka ako nilapitan. "Pagaling ka agad. Mahirap nang um-absent sa classes."
Tumango na lang ako saka pilit na tumayo. Inalalayan ako ni Mama. Mabuti't narito iyong kotse namin. Hindi na kami magc-commute.
"Akala ko galing ka sa office?" tanong ko nang makaupo ako sa shotgun seat. "Bakit naka-casual ka lang?"
"Oo. Pinauwi kasi kami ng maaga kaya inuwi ko na lang 'yong mga gawain ko sa opisina para sa bahay ko na lang gawin. Tapos biglang tumawag si Ma'am, kaya dumiretso na ako rito." Paliwanag nito.
Tumango na lang ako. So that's why she's not on her office attire.
Nakatulog ako agad pagka-uwi namin. Ni hindi na nga ako nakapag-bihis. Ginising lang ako ni Mama para kumain ng dinner. Pagkatapos kong kumain, doon pa lang ako nag-bihis. Pahiga na sana ako kaso biglang may kumatok sa pinto.
"Pasok," matamlay na sabi ko.
Pumasok naman siya agad. "Gamot mo."
Kinuha ko na lang iyon at ininom. Lumabas na rin agad si Mama kaya nakatulog na ako agad.
YOU ARE READING
The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )
RastgeleCaless always look at love like a distraction. But who would have thought that one of the summer days, she fell? Yes, and sadly, badly, unluckily... She felt for someone she never thought she would. It was supposed to be a summer vacation. But inste...