CHAPTER 12

141 10 0
                                    


"WALA KAMI PAKI ALAM KUNG PULIS KA!"

Animo'y di papahuli ng buhay ang tatlong nakabangga na ngayo'y ay nanggagalaiti na sa galit.

Nagkatinginan ang magkabilang kampo dahil sa sinabi na iyon ng isa sa mga kalaban.

Nagulat si Rogelio at John nang biglang binunot ng nakaway ang kanyang itak na nasa baywang.

Biglang may sumigaw sa di kalayuan.

"HOY KAYO! ANO KAGULUHAN ITO!"

Napatingin ang lahat sa bandang kaliwa.

"GUSTO NYO BA NG GULO!"

Nakita nila John ang apat na lalaki na lehitimong residente ng baryo ng San Pascual dahil may bitbit pang mga sako ng aning bigas at lahat sila ay may dalang malalaking itak na pang tabas.

"WAG KAYO MAKI ALAM DITO!"

Sabi ng lalaking nakapula.

Biglang ibinaba ng apat na magsasaka ang dala dala nilang mga sako at binunot ang dalang itak.

Doon lang kumalma ang tatlong kalaban at umatras sa kinatatayuan.

Ni di man lang nagkatinginan o nag usap ang tatlong kalaban.

Awtomatic na isinuko ng mga ito ang laban dahil lugi nga naman sila sa dami ng itak ng mga taga San Pascual.

Pero bago sila umalis ay binigyan muna sila John at Rogelio ng masamang tingin na ibig ipahiwatig ay ma swerte lang sila sa araw na ito.

At doon na naglakad papalayo ang tatlo.

Nakahinga ng maluwag si Rogelio.

Alam niyang mapapahamak silang dalawa kung hindi dumating ang apat na taga San Pascual.

Lumapit ang isa kay Rogelio.

"Kuya di ba pulis kayo na taga bayan" sa tono ng boses ng magsasaka ay tila isa siyang kakampi.

"Oo pulis ako sa Bayan ng San Allegre." laking pasasalamat na sagot ni Rogelio.

"Nakikita nga kita dun pag pumupunta ako sa bayan" sabi naman ng isa.

"Buti dumating kayo kundi papatayin kami ng tatlo" alam ni Rogelio ang mangyayari kung wala yon apat.

"Ako si Jun" at iniabot ang kamay ng pinakamatanda sa kanila
Napaisip sila John at Rogelio kung bat pormal na nagkilala si Mang Jun.

Ako si Rogelio at ito naman si.....!?

Di alam ni Rogelio kung ipakikilala niya si John bilang isang pulis o isang pari.

Agad kinamayan ni Father John si Mang Jun at:

"Ako si John salamat po Mang Jun at sa mga kasama ninyo tatanawin namin na bilang malaking utang na loob".

Napahinto si Mang Jun at naisip na ito na ang tamang pagkakataon.

"Ini imbestigahan ninyo un kaso ni Ka Wilfredo at ang kanyang asawa niya e di ba taga ibang sitio kayo". pag uusisa ni Mang Jun sa dalawa.

Nag iisip ng matagal si Rogelio kung ano ang sasabihin di niya akalain alam ni Mang Jun ang mga ganitong bagay.

"May kahalintulad po kasi kaso to na nangyari sa San Allegre kaya minabuti namin puntahan ang lugar na ito."

Mabilis na pagkasabi ni Father  John dahil naramdaan niya na may makukuha silang impormasyon dito.

"Ah Ganun ba!? buti naman kung ganun, meron sana ako hihilingin pabor sa inyo at tiyak makakatulong din sa inyo ito".

kitang kita sa mga mata ni Mang Jun mas malaki ang pangangailangan niya sa kanilang dalawa.

Binalik na ng apat na magsasaka ang kanilang itak pang tabas sa lagayan nito.
Ito ay tanda na pagpapahiwatig ng tiwala kala John at Rogelio.

"Ano po un" gusto malaman ng dalawa kung ano ang sasabihin ng matanda.

"May nakaligtas sa Massacre"

Pagkasabi ni Mang Jun na may nakaligtas sa trahedya ay nagtinginan ang dalawa sa isa't isa.

"Sino po ang nakaligtas buti di siya pinatay ng mga....." muntik na mabanggit ni John ang salitang Aswang buti napigilan niya ang sarili.

"Dalawa ang anak ni Ka Wilfredo, un bunso lalaki nila ay nakaligtas".

Mabilis nagtiwala si Mang Jun sa mga bagong nakilala o nakikita niya na sila dalawa lang ang pag asa.

"Bat di ninyo sinabi sa mga awtoridad dito sa San Pascual". mabilis na tanong ni Rogelio sa matanda.

"Di lang ang pamilya ni Wilfredo ang nabiktima madami pang iba, mga batang nawawala at pati mga alaga naming hayop ay nabibiktima din at di umuusad ang mga kaso."

direktang sinabi ni Mang Jun kay Rogelio dahil ito ay pulis din.

"E sino naman un tatlong tukmol na yon." ang tinutukoy ni Rogelio ay ang tatlong lalaki na nakabangga nila sa tapat ng bahay ng biktima

"Mga taga Sitio San Roque sila" sabi ng isang kasama ni Mang Jun.

"Sumulpot na lang un tatlo simula nung na massacre un pamilya ni Ka Wilfredo". dugtong pa ng isa.

Napansin ni John at Rogelio na matagal na nilang kilala ang mga biktima.

"Nasaan na un anak na lalaki ni Mang Wilfredo". tanong ni Rogelio kay Mang Jun.

"Nasa ligtas na lugar" un lang ang sinagot ng matanda.

Nagtinginan ulit si Rogelio at Father John.

"Pwede ba namin siyang puntahan at makausap" mahinahon tinanong ni John si Mang Jun tila di ba buo ang desisyon nito sa kanila.

Napakagat labi ang matanda "Hala sige! puntahan na natin ngayon" binigay ni Mang Jun ang dalang sako ng inani sa isa sa kaniyang kasama.

"Ikaw na bahala dito". hinubad din ito ang sinturon na may gulok at itak at iniabot din.

"Tara na!" walang atubaling niyaya ni Mang Jun ang dalawa.
Naglakad babalik sa kotse ang tatlong.

Lumingon lingon muna si Rogelio bago sumakay ng kotse parang hinahanap niya ang tatlong naka enkwentro kanina o di naman mga masasamang loob na gusto sumunod sa kanila.

Tiniyak lamang ng pulis na di mapapahamak ang nag iisang saksi sa nagaganap na patayan sa bayan ng San Allegre.

Habang nasa loob ng kotse ni Rogelio di maiwasan tanungin ni Mang Jun tungkol sa sinasabing kaso ni John na dahilan kaya sila pumunta sa Baryo ng San Pascual.

"Iho..." tinutukoy ni Mang Jun ay si John na animoy nakagaanan niya ng loob sa taglay na kabaitan magsalita at sa mukhang bata ang pari.

"Ano un sinasabi mong kaso na nangyari sa Bayan wala naman akong nabalitaan." tanong ito ni Mang Jun kay John.

"Ito ay nangyari mga sampung taon na nakakaraan sa daan na nagdurogtong sa Baryo ng San Pascual at Bayan ng San Allegre." wala atubaling sinagot ni Father John ang kasama.

"Sampung taon na...!?" nabigla ang matanda sa sinabi ni John.

"Yon ba yon Ministro sa simbahan" nagulat si John na alam ni Mang Jun ang nangyari sa kanyang itay.

Pero napansin din niya na halos mag kalapit ang edad ni Mang Jun at ng kanyang tatay Jose kung nabubuhay pa ngayon ito.

"Bat hangang ngayon buhay pa kaso na un di ba nahuli at namatay na ang may gawa noon?!" sabi ni Mang Jun kay John.

"Sarado na ang kaso sa pulisya pero di pa tapos ang krimen". nagbabalik ulit ang ala-ala ni John sa tanong ng matanda.

"Anong ibig mong sabihin" nag tataka si Mang Jun sa sinabi ni John.

Habang si Rogelio ay nag aalala sa kaibigan.

Alam ni Rogelio ang sakit na naranasan ng kaibigan.

"DAHIL NAKITA KO KUNG PANO PINATAY ANG AKING TATAY".

Ang Lihim Ng Baryo San Allegre (ON-GOING Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon