"I-text mo ako kaagad kapag nagka-problema." tumingin ako kay Ivan nang bilinan niya na naman ako nang ika-limang beses. Natatawa akong humarap sa kaniya habang inaayos ang chiffon bowknot ponytail ko."Pang-lima mo na 'yan." natatawang komento ko. Alam ko naman na nag-aalala lang siya, pero kaya ko na 'to. Limang linggo naman na ang lumipas kaya medyo maayos na ang takbo ng utak ko.
Although, nagtatalo parin ang isip ko kung sasabihin ko pa ba o hindi. Bahala na. Siguro kapag maayos na ang lahat, or pwede namang tawagan ko nalang ulit si Tita Grace para makabalik na kame ng Singapore. Mas mabuti iyon.
Nagbuntong hininga lang siya.
"Basta 6am sharp, susunduin na kita. Siguradong hahanapin ka ni primo kapag nagising siya ng wala ka." pagpapaalaala niya.
"Yeah, yeah. Oo nga. Intayin nalang kita do'n, ah? Tawagan mo 'ko." ani ko habang nag naghahalwat ng bag ko, tinitingnan kung may naiwan pa ba 'ko. Nagpapasundo ako ng 6am sa kaniya dahil paniguradong aabutin pa ng buong maghapon ang barkada doon kinabukasan.
Hindi ako pwede sa gano'n dahil hahanapin ako ni Primo. Gusto ko man siyang isama, tiyak na may mag-iinuman at magsisigarilyo doon. Hindi pupwede sa anak ko ang gano'n. Tska.. Kahit naman hindi, hindi ko pa rin talaga siya maisasama.
Nilabas ko ang cellphone ko para tingnan kung may tawag na ba ni Camia. Sa kaniya kasi ako sasabay papuntang Laiya Beach Resort dahil hindi ako pwedeng magdala ng sasakyan. Maliligaw lang ako panigurado.
"Uhh, si Primo pala.. pakisabi nalang na hindi ko na siya maaantay, ah? Tatawag nalang ako para makausap ko siya ng maayos mamaya."
Alas kuwatro na kasi ng hapon at nasa Lumingon pa si primo, kasama ng mga pinsan niya. Pauwi narin naman siya ng 5pm pero hindi ko na siya maiintay pa dahil sa Sariaya pa ang punta ko, baka abutin kami ng gabi. Hindi ko pa din naman kabisa ang daan papunta doon. Sana lang ay kabisa iyon ni Camia.
"Oo, ako na ang bahala. Mag iingat ka sa byahe." malumanay siyang ngumiti at saka namulsa. Napatingin ako sa kaniya.
Itong taong 'to, hindi ko ba malaman kung bakit hanggang ngayon, single pa rin? Gwapo naman. Noong high school pa kame, palagi kong napagkukumpara ang dalawa ni Daryll dahil may nakikita akong pagkakapareho. Tahimik, computer addict, their height and body built are almost the same. Parehong matangkad ang dalawa at mapapansin mo talagang di nalalayo ang ugali nila, no wonder they clicked as friends. Ang kinaibahan lang, Ivan is more sociable than Daryll. Si Daryll kasi noon ay takot sa tao. I mean, hindi siya sanay mag reach out sa iba kaya napagkakamalang masungit, but once you get to know him thoroughly, you'll see something in him that will make you want him to be your friend. It's something that's hard to explain.
I think hindi naman na siya ganoon ngayon, lalo na ngayon. Sa trabaho niya, siya ang lumalapit sa tao para tumulong.
Si Ivan, he's the approachable one. Madali lang para sa kaniya ang makisalamuha kahit na hindi naman siya kasing ingay nina Prince noon. Mabilis niyang makasundo ang mga tao sa paligid niya, mapababae man o lalaki. Masipag din at maalaga. Iyong tipong hindi ka magdadalwang isip na lapitan at takbuhan siya kapag may problema ka kasi alam mong sasaluhin ka niya kasi ganoon siya.
I pouted my lips before half-hugging him.
"Thank you.. You sure it's okay for you to stay for the night? Nandyan naman si mama, pwedeng siya nalang magbantay kay Primo." I softly asked, looking up to him.
I don't want to bother him. It's just that, Primo is more happier when he's with his Tito Ivan. Ang hihingin ko lang sanang pabor sa kaniya ay puntahan sa bahay si primo sa gabi at aliwin habang gising pa siya para hindi ako kaagad hanapin kahit na nagpaalam naman na ako sa bata, but he insisted to stay for the night. Siya na raw ang bahala para hindi na mapuyat ang mama sa pagbabantay kay primo sa buong magdamag. Iyon din kasi ang gusto ng bata kaya naman pinabayaan ko na.
YOU ARE READING
OFS 1: Behind Those Smiles (My Untold Story)
Kurgu OlmayanA girl named Asther Jane Resureccion have this special friend named Daryll Lite Immerson. They are very close since ages to the fact that they are very comfortable in each other. Jane feel so special to have him since Daryll seems not really friend...