Naglalakad si Maya ng mapansin niya ang punong mangga na nakabuwal sa may gilid ng kalsada....at parang may bumubulong sa kanya na lapitan niya ang nasabing puno....
"Hmmmm mapuntahan na nga maaga pa naman para mag simba ..."
araw yun ng lingo at nakagawian na nila ng kanyang bhestfriend na si Ricardo o cardo for short ang mag simba tuwing lingo...
"At tyaka lagi namang late si cardo pag ganitong nagsisimba kami... eh.." at nilapitan na nga niya ang puno..
"hmmm wala namang kakaiba rito sa puno na to ah... pang karaniwan lang at punong mangga lang naman na natumba...." HMMmm makaalis na nga lang .....
aalis na sana siya ng may mapansin siya na nakaukit sa may puno...
at nilapitan nanaman niya ang puno sa malapitan niya nabasa ng malinaw ang nakaukit dito..
"kung sino man ang unang makabasa nito at magreresponse sa inukit ko na to siya na ang destiny ko..:)
Mr. "C"
"anu ba yan napaka corny naman ...sino naman ang papatol sa corning sulat na tohhhh"
"pero masubukan nga trip trip lang naman eh haha" nangiti siya sa kanyang naisip..
"Hi... eto nag response ako baka nga ako na ang destiny mo hehe:)
Ms."A"
A- is for aya..
Pagktapos iukit ang nais sabihin mabilis na siyang umalis sa may puno ng mangga...
"nasan na kaya ang lalaking yun.."
Nang biglang may tumakip sa kanyang mga mata..
"hulaan mo kun sino ko.."-ricardo..
at pinaliit pa ang boses upang hindi niya makilala..subalit kahit anung iba pa ang gawin nito sa boses ay kilala parin niya ang texture ng kamay nito sa tagal ba naman nilang mag bhestfriend at may lihim na rin siyng pagtingin dito subalit pinili na lamang niyang maging lihim ito dahil ayaw niyang masira ang kanilang friendship...
"hayy naku kahit anung gawin mong pag papaliit o pagpapalaki pa diyan sa boses mo ikaw at ikaw lang din ang maiisip kong tumatakip sa mata ko.."-Maya
"edi ikaw na ang magaling " sabay tanggal ng kanyang kamay sa mata ko...
"see... anu ba yan Cardo late ka nanaman"....
"suuss wag kana mainis alam ko namang sanay kana sakin eh "-cardo sabay pisil sa aking pisngi na sa tagal eh nakasanayan na nitong gawin ...
"oo na ho tara na nga at malalate na tayo ng tuluyan"-maya sabay talikod baka kasi mahalata ng kaibigan niya ang pamumula ng kanyang pisngi dahil sa kakiligan sa gesture na ginawa nto..
PAgkatpos magsimba ay umuwi na agad ang magkaibigan ...nadaanan naman nila ang Punong Mangga at hindi maiwasang ngumiti ng maalala yung inukit niya dito kani kanina lang..hindi niya tuloy napansin ang makahulugang ngiti na ginawa rin ng kanyang kaibigan....
"ah maya mauna na nga pala ikaw umuwi may dadaanan lang ako saglit" -cardo napansin ni maya ang may pananabik sa mata ni ricardo ng sabihin iyon at naalala niya ang matagal na nitong crush na si Lea... malapit lamang doon ang bahay nun.. sa naisip ang biglang nawala ang kanyang masayang mood...
"Hmp bahala ka nga ,, geh ingat na lang pakasaya kayo.."-Maya .. mahina niyang sabi subalit narinig pa rin ni cardo
"anung magpakasaya kayo?" naku nagseselos nanaman po ang bhestfriend ko."..-cardo
BINABASA MO ANG
Punong Mangga (One Shot)
Short Storynang dahil sa Punong Mangga nag ka love life ka..