Bantay Tindahan [one shot]

2.9K 118 183
                                    

Bantay Tindahan

Noon pa lang, libangan ko na ang pagbabantay ng tindahan. Bata pa lang ako nang turuan ako ng aking ina kung paano ang pagbabantay nito. Halos kabisado ko na nga yung mga presyo ng mga bilihin.

21 taong gulang na ako at kasalukuyang nagpapatakbo ng aming tindahan. Mas lalong lumaki at lumago. Mukha na itong malaking convenience store. Araw-araw maraming bumibili, mapawholesale man o retail.

Isang araw, napakalakas ng ulan at dahil maaaring masilungan ang aming tindahan, maraming nakisilong.

Nakaupo ako ngayon sa aking opisina at mino-monitor ang kaganapan sa labas. Ang office ko ay napapalibutan ng window glass kung saan kapag ika’y nasa loob kitang-kita mo ng malinaw yung labas parang transparent lang pero kapag nasa labas ka, parang mirror siya na pwedeng salaminan at di mo makikita ang nasa loob.

Isang costumer ang nakatawag ng aking pansin na kasalukuyang nakisilong dahil sa lakas ng ulan.

Napakalakas ng karisma ng lalaking costumer. Nakasandal lang siya sa may wall habang nakausli ang kaliwang kamay sa kanyang bulsa. Magandang manamit at bakas sa kanyang katawang ang magandang hubog at kakisigan nito. Para siyang modelong nagpipictorial sa harap ng aming tindahan at nakadagdag pogi points pa ang mamasa-masang buhok na nabasa ng ulan.

Sa kabilang dako, may grupo ng mga kababaihan at kabaklaan ang kinikilig habang pinagmamasdan ang lalaking mukhang modelo.

Dahil siguro hindi mapigilan ng bakla ang tumitig lamang ay nilapitan niya ang lalaki.

“Uhmm…… Hiii!!! Gwapoo!!!” malanding sabi ng bakla.

Dumaan ang ilang minuto, hindi nagrespond ang lalaki.

Di ko alam, pero bigla akong natawa. Laughtrip! Kaya pala di napansin nung lalaki na naglalandi -este- nagsalita yung bakla.

Deadma lang ang kapangitan ng bruhang bakla. Pinipigilan kong tumawa sadyang ito’y nakakatawa.

Bumalik na luhaan ang bakla sa mga babaeng nagkukumpulan.

Lumabas na lang ako ng office upang tumulong sa mga cashiers. Marami nang namimili kahit umuulan at kulang-kulang ang cashiers kaya inoccupy ko yung vacant cash register at nagstart nang magscan ng mga bilihin.

Kakaunti na lang yung tao ngunit hindi parin tumitigil yung ulan at hindi parin umaalis yung lalaki. Kanina pa nga siya tinititigan ng mga mamimili.

Pumasok siya sa entrance at mukhang may bibilihin. “MENTOS Candy” yung kinuha niya. Papalapit na siya sa akin at ako’y natulala at nabighani. Klarong-klaro ko ang kanyang mala-anghel na mukha. PERFECT.

“Miss?... miss?”—sambit ng lalaki sabay wagayway ng kamay sa mukha ko.

“ A-Ahhhh”-bumalik ako sa katinuan.

Tumawa lang ng mahina yung lalaki. Brisky yung pagtawa niya. Makalaglag panga. Ang puti ng ngipin! SWEAR! BALIW na ata ako!

Agad kong kinuha yung MENTOS na binili niya.

“25 pesos po” sabi ko sabay kuha ng perang inabot niya.

O-M!!!! Ang lambot ng kamay niya! Shemay!!! Ba’t ganito!!! Ang bilis ng tibok ng p-puso ko!

“s-salamat” sabi ko naman

Ayy! TAE! Ba’t parang nahihiya ako!

“ Ma’am! Ma’am” nagulat na lang ako nang tawagin nung manong bagger yung atensyon ko.

Ay! Nakalimutan ko may mga costumer pa pala! Ang TANGA ko talaga!

Eh pano nakaglue yung mata ko dun sa likod nung lalaki.

“Ma’am! Ano yun love at first sight?” matawa-tawang tanong ni manong, siya yung bagger naming.

“HAHAHA! Si manong talaga oh! Kahit kelan ang galing humirit.”—matatawang sabi ko habang nagbibilang ng pera nung costumer.

Kahit ganyan si manong mabait ako. Marunong akong makipag-communicate sa kasamahan ko sa trabaho. Kaya loyal na loyal yan sila sa akin.

Ilang araw, buwan ang dumaan nung huli kong makita yung lalaking iyon.

Umuulan na naman ngayon at naaalala ko na naman yung nangyari at natatawa na lang ako. Tinamaan na nga talaga ako.

Ilang oras na siguro akong nakatitig kung saan siya nakalean sa wall noon.

Magdadapit hapon na at tumigil na ang pagbuhos nung ulan. Nakita ko ang lalaking matagal ko nang nasa isip ko. Naglalakad siya paunta sa office ko. Ayy mali, nagsasalamin lang pala. Inayos lang niya yung buhok niya habang ako nilapit ko yung mukha ko sa salamin at kitang-kita ko ang perpekto niyang mukha at katulad noon makisug pa rin ang kanyang katawan at presentableng manamit.

May itinanong siya sa isa sa mga kasamahan ko sa trabahao at ngayon ko lang napansin na hawak hawak niya ang isang boquet ng rosas.

May itinuro yung isang kasamahan ko sa trabho at ito’y nakaturo sa aking opisina. Lumapit ang lalaking modelo sa may pintuan at kumatok. Agad ko naming binuksan at laking gulat ko nang nakita ko ang lalaking matagal ko nang pinagpapantasyahan na nakaluhod at nag-aabot ng rosas. Hindi ako makapaniwala. Nananaginip ba ako? Gisingin niya ako please! Ayy! Huwag ! huwag na lang pala! It feels heaven!

Nagsalita yung lalaking nakaluhod.

“I’ve been longing to say this to you but I’ve been filled with shyness. I was 3 years old when I first saw you here. You were laughing at that time and you were like a small angel atbdung araw na yun, lumakas ang tibok ng puso ko.  Basta isang araw napagtanto ko sa sarili ko na this isn’t just a puppy love, this is love at first sight and habang tumatagal ang panahon, masasabi kong true love kita.

Palagi akong pumupunta sa tindahan niyo, araw araw, but unluckily you didn’t notice me. Siguro dahil na rin sa dami ng costumers ninyo. Ginawa ko lahat ng paraan para lang mapansin mo. Inayos ko ang aking mananamit at nag-aral ng mabuti. I graduated as the Suma Cum Laude para mabigyan kita ng magandang kinabukasan at maipagmalaki mo ako. “

Huminga siya ng malalim

“Months had passed, the last time I visited you. Nakita kitang nag-i-i-scan ng mga bilihin ng costumer. Gusto kitang lapitan ngunit nabalutan ako ng kahihiyan. Pero nung umunti yung tao naglakas loob akong pumunta sayo. Di ko alam kung ba’t titig na titig ka sa akin nun. Akala ko may dumi ako sa mukha kasi kakaulan lang nun. Pero nung nagsalita ako bigla ka na lang bumalik sa katinuan kaya natawa ako”

Nagblush naman ako nun.

“ It was my 1st time talking to you! Lumundag yung puso ko nang narining kitang sumagot. Kahit isang salita lang iyon, malaking achievement na yun sakin. Nung paalis na ako nakita kitang nakikipagtawanan dun sa manong. Inggit na inggit nga ako nun eh!” Siya na naman ngayon ang nagblush.

“Kaya ngayon di na ako magpapaligoy-ligoy pa. MAHAL na MAHAL KITA STELLA! Maaari bang ligawan kita?”

Narinig ko naming nag “Ayyiiieee!” yung mga tao.

Napatulala na lang ako, no scratch that, na amaze pala sa sinabi niya. Hindi lang pala ako yung secretong nagmamahal at masayang-masaya ako sa narinig ko.

“ At bakit naman hindi? Kung parehas tayo ng nararamdaman?”—sabi ko na may malaking ngiti sa labi

Bigla niya na lang akong binuhat at pina-ikot-ikot.

Siguro nga kung hindi dahil sa TINDAHAN na ito, hindi mabubuo ang istorya ko. Wala akong makikilalang tulad niya.

At dito nagtatapos ang istorya naming dalawa tungkol sa “LOVE ON THE STORE”

 ------------------------------------------------

1st short story

Comment kayoo dalliii!

pasensya na sa grammar ... isang hamak na PILIPINO lang po ako at hindi AMERIKANO! hehe

Bantay Tindahan [one shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon