16.

21 16 1
                                    

Stella Emery Bautista

It's saturday in the morning, kung titignan ang langit ay parang mag-a-alas singko na nang gabi nguni't, hindi pa pala dahilan ng malakas na bugso ng ulan at sinamahan pa ito ng napakalakas na hangin. Lumilipad ang kurtina ng bintana ko habang nakatanaw roon at habang pinagmamasdan ang mga tubig na nahuhulog mula sa langit.

Nagising ako nang dahil kay Ate Lilac, she brought me my medicines. Ilang araw ko nang hindi nakikita si Doc Dominic at ang sabi ni ate ay marahil busy lang ito sa iba niya pang pasyente.

Matapos maghilamos at magsipilyo ay kumain ako ng tinapay at sopas na dala rin ni Ate Lilac nang magkalaman ang tiyan ko kahit papaano, pagkatapos na pagkatapos rin ay agad akong uminom ng gamot na kailangan ko upang manatiling malakas ang katawan ko.

Subalit datapwa't, may mga oras talaga na hindi iyon nakakatulong. Para akong lantang gulay minsan kapag ininom ko ang mga iyon, I often fall asleep because of that lalo na ang mga itinuturok na gamot sa dextrose ko.

Isang linggo na ang nakakaraan nang umamin sa akin si Clight na siya si Noah, yung lalaking nais tumulong sa akin nang mga araw na sukong-suko na ako at wala nang makakapitan pang kamay.

Ang buong akala ko noong una ay biro lamang nguni't nang dahil sa ebidensya niya ay naging tikom ang mga bibig ko. Nakakailang tuloy ang sitwasyon namin, nang makabalik dito sa Brent ay agad kaming binato ng tukso noong apat.

Isang kaltok naman ang inabot sa akin ni Luis bilang mastermind sa pagpapakana ng pang-aasar sa akin. But, Emma on the other hand doesn't like what she saw. Nararamdaman ko ito dahil tulad niya ay babae rin ako.

Ang totoo niyan ay hindi ko namang gustong lumapit kay Noah or should I say Clight. Nguni't hindi ko maiiwasan dahil kapag nasaan ako ay tiyak naroroon din si Noah.

I can sense it, Emma was kind of jealous. I don't know what to do. Should I atleast apologize? Or should I just distance myself from Noah so that Emma won't feel mad about me.

Tama, Stella. Get rid of that damn illusions of yours!

I wore a white T-shirt and a long black pants. Nagsuot rin ako ng jacket dahil napakalamig ng panahon ngayon. Lumabas ako at agad na hinanap ng mata ko ang room ni Luis. Lumipat siya rito noong nakaraang linggo dahil siya lamang ang pinakamalayo sa amin.

I'm glad dahil kahit papaano ay may kapitbahay na ako.

Kumatok ako sa pinto niya nang dalawang beses, nguni't walang nagbukas no'n kaya ako na lamang. As I entered his room amoy na amoy ang cologne nitong panglalaki.

He was sleeping, so I stepped back and closed it. Wala na siyang benda sa kamay, kaunting recover na lang ay makakaalis na raw siya at makakauwi na sa kaniyang pamilya.

I envy him, makakalabas na siya sa lugar na ito hindi tulad ko. How long do I need to stay and suffer like this? But, there's a part inside me that's hapoy for him. Nalutasan niya ang isa sa mga bagay na nagpapahirap sa kaniya.

Agad na naputol ang pagmumuni ko nang biglang bumagting ang tainga ko. Agad akong napahawak sa ulo ko nang sumakit iyon. It was damn painful,  that I even fell off my feet. Nakaluhod ako sa harap ng pinto ni Luis. Pero, may nakikita akong scenario na kailan man ay hindi ko pa nakikita.

May isang batang babae ang kasama 'kong naglalaro sa gitna ng ulanan she called me on my name, "Emery!"

Pinikit ko nang mariin ang mga mata kahit marami akong boses na naririnig mula sa isipan ko. Kahit masakit at nakakabingi ang mga nangyayari sa akin ay sinubukan 'kong tumayo. Pero, sa hindi inaasahan, masyadong nanghihina ang buong katawan ko dahilan upang bumagsak ako. Hindi tumutigil ang mga boses at ang tinig ng isang sirenang umaalingawngaw sa isipan ko gayon pa man, bumibigat ang bawat paghinga ko. Naramdaman ko na lamang ay naguunahang nang bumagsak ang mga luha mula sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakiy ganoon kasakit ang larawang ipinapakita nang aking isipan at isa roon ay ang pagsambit sa pangalan ng taong matagal ko nang inaasam na makita at mahanap.

A Life Without You [Completed, Published Under Ukiyoto Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon