Chapter 2
Ballpen
"Ano ba, tulala ka dyan. Tara na baka wala na tayong maabutan na pagkain sa Canteen" naiinis na wika ni Carter sabay hila sa kamay ko
Nagpatianod na lamang ako dito dahil nangangamba rin ako na baka wala na kaming maabutan pa sa Canteen.
Ilang oras lang din ang break namin at talagang gutom na rin ako.
Mabuti na lamang ay may bakanteng table pa kaming nadatnan pagpasok namin.
Kadalasan kasi pag ganitong oras na ay talagang wala ng maupuan dahil breaktime ng buong Jhs and Shs.
"Ako na lang o-order, maupo ka na lang d'yan" sambit ni Carter habang papalakad papunta sa counter
"Ay teka teka, Ano bang order mo ah?" dagdag na wika nito habang pabalik nanaman sa table namin.
Halatang naiinis sya dahil pabalik balik ang ginawa nya. Tanga din kase
"Hmm, chicken, spaghetti and fries na lang. Then coke na lang yung drinks. Salamat babes" pabirong wika ko sabay kindat dito
" 'Di mo ako malalandi sa kakaganyan mo" wika nito at nagmartsa paalis sa harapan ko.
Habang naghihintay ay inilibot ko ang aking paningin sa buong canteen. Parami na kasi ng parami ang estudyanteng pumapasok. Makikita din na wala ng bakanteng table para sa iba.
Nagmamasid ako sa paligid dahil hinahanap ko ang crush ko.
Actually 'di naman iyon mahirap hanapin dahil sikat iyon, at saka may permanenteng table sila ng barkada nya dito sa canteen.
Tinanaw ko ang sila mula sa malayo, okay na ako sa ganon.'Di naman kasi ako yung tipo ng babae na mababaliw sa crush nila. Kuntento na ako sa pagtitig lamang.
Habang nakatitig ako ay biglang may humarang sa harapan ko.
Walang iba kundi si Carteroo. Hindi ko napansin na papalapit na pala sya. Naging abala ako sa pagmamasid sa paligid.
" 'Di ka crush ng crush mo 'no, sakit ba? " pag-iinis nito sa akin habang tawa ng tawa
"Epal ka kamo" wika ko sabay ikot ng mata
Ganito kami lagi ni Carter, para kaming aso't pusa. Hindi pwedeng hindi kami magbangayan o mag asaran pag magkasama.
Pero sa kabila noon ay mabait naman ito. Minsan parang ako na ang nagsisilbing ate nito, sa akin lamang kasi sya nakikinig.
Madalas ay binabalewala nya na lamang ang sinasabi ng iba. Bigla ko na namang namiss ang isa ko pang kaibigan. Sya kasi ang nagsisilbing peacemaker sa barkada.
Magkaibigan kami ni Carter since Grade 7. His real name is Carter Rhys Roan but i prefer to call him Cartero. Varsity sya ng volleyball.
Hindi lapitin ng babae dahil masungit ito sa iba. Sa amin lang talaga sya nasama.
Kaya siguro minsan ay pinagkakamalan syang bakla ng teammates nya. Ayaw nya kasing sumasama sa mga ito pag magbo-bond sila. Mas prefer nya daw sa amin.
My other best friend name Karsyn Feight Mendez. Actually pinsan nya talaga yung ultimate crush ko. Sa kanya ko lang din iyon nakilala.
Noong una ay hindi ako naniniwala, hanggang isang araw ng mapunta kami sa bahay nila at nandoon ang pinsan nyang si Kaiden Braxton.
Ang ultimate crush ng campus. Kaso lang ang sungit sungit nya, ni hindi iyon tumitingin sa mata.
Sobrang layo nya sa personality ni Karsyn. Ito kasi ay sobrang jolly, she always think positive. Grade 7 ko din sya naging kaibigan, kasabayan ni Cartero.

BINABASA MO ANG
Our Last Chapter
Action#1 TEEN SERIES Xiahmara Winowa Gutierrez, the only child of Acosta. A normal teenage girl from Pampanga. She used to be with her friends and active in social life. She's good in taekwondo and acads. Kindness is one of her amazing personality. But...