A little glimpse Pt. 1

47 5 0
                                    

"WAH!!" bigla ako nagising dahil sa maingay na aso ng kapit bahay, araw-araw na lang nasisira umaga ko dahil dito. Lagi tuloy ako nawawalan ng tsinelas kakabato sa kanya para tumahimik lang. Jusko.

Tumayo na ko at nag ayos. Umaga schedule ko ngayon kaya syempre kailngan ko umalis ng maaga. may use din pala tong asong 'to. Pwedeng alarm clock tuwing umaga.

Pagkalipas ng dalawang oras ay tapos na akong mag ayos. Mag j-jeep lang ako ngayon kasi wala naman akong kotse. Obviously, hindi naman ako ganung kayaman. Saktong may kaya lang.


30minutes yung byahe mula dito hanggang sa school, medyo matagal kaya ayos lang. Sumakay na ako at sakto, walang traffic kaya hindi ako na-late.

Nakita ko na yung mga kaibigan ko sa harap ng gate, Oo. May taga sundo ako. Actually, Lahat kami nag h-hintayan bago pumasok kasi wala lang. Gusto lang namin.


Kilala kami sa school bilang mga grupo na palaban. Hindi kasi kami yung malalanding maarte na may alalay na taga tulong kapag may away na sila. Hindi kami mga weird. Ayaw lang nila saamin.


Wala naman kaming inaapi kasi kami yung laging napupuntah ng mga bully sa school. Pero hindi naman namin sila pinapatulan kasi hindi namin na-cocontrol yung sarili namin kapag nagagalit.


Mag kakaiba kami ng building, Si Cher lang kasama ko kaya nag-sabay na kami.

"May pagkain ka ba diyan?" Tanong ko kay Cher. Nagugutom kasi 'ko. Di nga pala ako kumain sa bahay. "Wala eh, Kain na lang tayo mamaya." Sabi naman niya. Mukhang gutom din 'to.

Hindi ako sumagot at tumango lang sakanya. "Cold mo talaga." Sabay tawa niya pero mahina lang. "Parehas lang tayo, Tang*." Sabay irap ko sakanya.


Cold ako, Oo. Tumatawa rin ako, nag j-joke pero na-c-cornihan sila kasi wala manlang nakakatawang expression sa mukha ko.


Nandito na kami sa room namin kaya umupo na kami. 1st day ngayon nang 2nd sem kaya may mga 'di pamilyar na mukha. Pwede kasing mag transfer samin kahit anong sem pa yan basta may pera kang pang bayad. Pera lang naman habol ng school na 'to eh. "Business" psh =_=

"So, Good Morning." Nandito na si prof. Babae. Pfft. Corny, Mas gusto ko kasi sa lalaking prof. walang trip ko lang para ma iba naman.

"I'm Ms. Dela Fuente, Your logic teacher." Owwww, Parang gusto ko yung subject niya. BS Psych kasi course ko, kaya may gantong subject.

Ilang minutes lang pero umalis na yun prof namin, nag pa-iwan lang ng activities. Pero hindi na namin ginawa yun ni Cher dito sa room. Sa labas na lang, Mas maganda pa yung surroundings.


Kumain na kami ni Cher. Sa KFC kami dumaresto para heavy meal. Siya um-order kasi tinatamad naman ako =_=

Nagmamadali niyang nilapag yung tray namin. "Oy oy, bakit?" Tanong ko sakanya habang inaayos ko yung pagkain namin. "Ang pogi non oh! Diba?" Tinuro nya saakin kung saan, pero umirap lang ako sa hangin. "Psh. Pogi nga, Eh ano naman sayo?" tumawa ako sakanya pero pang-asar lang. "Err. Naisip ko lang kasi, 2nd year college na tayo pero wala pa tayong nagiging boyfriend. Diba?"

May point siya pero di ko naman kailangan non. Like, duh? Kaya kong mabuhay ng walang ganyan. "Sabagay pero nako Cher kumain na lang tayo." sabi ko sakanya habang ngumunguya.


"Maganda ka sana, Lyra. Kaso nga lang napaka poker face mo, Kaya walang nagkakagusto sayo eh." Wow. So it's my fault? Umiling lang ako pero tumingin ulit ako dun sa mga lalaki, nandun pa rin sila.

Nung saktong tumingin ako, napatingin naman sakin yung isang lalaki. Nagulat ako, mabilis naman akong umiwas ng tingin. Maya-maya ay may kumalabit saakin. Ayoko tumingin kasi baka sila yon ughh. Tumingin ako kay Cher na walang reaksyon. Kumakain lang siya. Hindi ko naman siyang pwedeng senyasan kaya tumingin na lang ako pero nakapikit.

"Ate pwedeng excuse, dadaan lang ako. Naka-harang ka kasi eh. hahaha" dumilat ako at nakita ko yung lalaki. May dalang stroller, anak nya. Woohhh. Pahiya ako. "Ah-- sige" sabay usog ko sa upuan ko.

"Ano meron lyra? Kinakabahan ka ata?" Oo nga ah. Bakit ako kinakabahan? Para akong tanga. "Ah, Wala wala. Kain na lang tayo." tumango na lang siya. Phew. Nakaiwas sa tanong. First time kung maramdaman 'to. Sana 'di na maulit.


Tapos na kaming kumain ni Cher kaya umalis na kami, Pero bago kami umalis ay tumingin muna ako dun sa table nung mga lalaki. Ewan ko ba pero gusto ko tumingin don. Parang naging interesado ako sa kanya. Nakita na naman ako nung lalaki, pero ngayon. Siya na yung nakatingin sakin, weird. kaya binilisan ko yung lakad ko.

"Ano ba, Lyra Jazz Dones?! Kanina ka pa. Na-U-Urat na ko ah." Owww, sorry Cher. "Eh kasi naman, Cher. Eh basta!" hindi na 'ko nagpaliwanag pero nakita ko siya na umirap sa kawalan.


"Lyra, Ikaw ba yan? Tch." sabi sakin ni cher habang nag lalakad. Ang paranoid ko na baka sundan kami nung lalaki, Pero wooo. Buti wala.

"Oo naman, ako 'to no!" Tumawa lang ako sakanya para maiba na yung atmospher


Nagpaalam na ko kay Cher na uuwi na 'ko kasi tinatamad ako umalis ngayon. "Sabihin mo na lang kela Benz na hindi ako makakasama ah?" tumango lang siya. Alam niya na yon, na tinatamad na naman ako. "As Always, Jazz." nag smirk lang siya sakin.

"'Wag mo nga akong tawaging 'Jazz'. Ang corny kasi, Cher Althea Bitanga." Sabay takbo ko. Ayaw niya kasing tatawagin siya sa buo niyang pangalan. Narinig ko lang yung sigaw niya, "Humanda sakin, Jazz!" pero tumawa lang ako

-------------

short update hehe sareeh naman (_ _)v

hirap mag edit ahh haha anyways here it is

RED [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon