Prologue

4.2K 85 1
                                    

Halos lakad takbo ang ginawa ko upang lisanin ang lugar na iyon. Isang malaking kahibangan ang daluhan ang kasal ng pinsan niya. Alam niyang mag kikita sila ngunit hindi ganito kaaga.

"Larissa. Stop." He shouted. Ngunit hindi ako nakinig. Patuloy lamang ang pag takbo ko upang makalayo sa kaniya. Sariwa pa rin sa akin ang lahat. Ang lahat ng nangyari.

Isang marahas na kamay ang humablot sa braso ko at pinaharap ako sa kaniya. Luhaan pa rin ako at sobrang hinang-hina na. Kakatapos lamang ng kasal ni Mayumi.

"Where have you been? Bakit bigla ka na lamang nawala? Answer me damn it Larissa" he asked gritting his teeth.

"Bakit gusto mo pang malaman? Maayos na ako. Masaya na ako. Bakit ko naman sasabihin sa'yo ang mga nangyari sa akin? Wala kang karapatan sakin Raiko" I shouted back with all my pain.

Naimbak na lahat ng sakit. Lahat ng mga sugat ay muling nag buksan at hindi ko alam kung kailan ba mag hihilom.

"May karapatan ako sayo. Ako ang asawa mo kaya may karapatan ako sayo" he answer.

Natawa naman ako sa sagot niya.

Asawa.

Asawa nga ba talaga?

Sa pag kakaalala ko ay hindi ako ang mahal niya. Na nag pakasal siya sa akin dahil kailangan at sa isa pang hindi ko matangap na dahilan tapos asawa. Damn him.

"Asawa ba ang tingin mo sa akin noong naroon siya? Hindi diba. You always pick her over me. You hurt me again and again. Hanggang sa madurog ako. Nang pino. Bakit naisip mo man lang ba ako hah. Hindi mo ako naisip" I shouted while pushing him away from me.

Naramdaman kong natigilan ito sa mga sinabi ko kaya nakakuha ako ng tyempo upang umaklas sa kaniya. I walk again. Matapos kong marating ang kotse ko ay ipaandar ko na iyon patungo sa reception ng kasal ni Yumi. Patuloy pa rin ang pag landas ng aking mga luha habang binabaybay ang kahabaan ng daan.

The reception was too beautiful. Too elegant. But my happiness was ruined by a memories that rushing and flashing back at my own mind.

Hawak-hawak ko ang isang brown envelope habang nag lalakad ako patungo sa pwesto ni Raiko. Pinahid ko muna ang luha ko bago ko iyon pabatong ibinigay sa kaniya.

"Ano to?" Agad naman niyang tanong.

"Annulment paper. Let's end it here" taas noo kong saad.

"I'll sign this right after I prove that you don't love me anymore. And for this time I will make sure that your love will grow deeper and thicker na hindi mo na maiisip na iwan ako"

"Hindi kita iniwan Raiko. Pinagtabuyan mo ako. Mag kaiba iyon. Bilang asawa ko dapat ako ang una mong ililigtas hindi iyong kinababaliwan mo"

"Mas kailangan niya ako"

"Mas kailangan kita kaso ayaw ko lang makipag kompetensya kasi alam kong kahit kailan siya ang una mong isasaalang-alang. Huwag na tayong mag lokohan"

"Mahal kita Larissa"

"But I'm done loving you. Sign it at you'll be free. Marry my sister. Dahil sa una pa lang siya naman talaga diba"

"I'll win you back" he said.
Umiling ako sa kaniya bago muling ngumiti.

Kahit gaano kasarap pakingan ang mga litanya niya ay hindi iyon tinatangap ng puso ko. Kasi nakabangon na ako. Kasi ayos na ako. Kasi tangap ko na sa sarili kong siya ay hindi para sa isang ako.

"Pinapalaya na kita"

Chained Love (El Señorita Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon