Chapter 60

41 5 0
                                    

Heon P.O.V.

Pagkatapos ng nangyaring kaguluhan ay napilitan si yeri na pauwiin na kami

Pagkauwing pagkauwi namin galing sa resort ay dumeretso agad kami sa bahay mapapansing mula kaninang byahe ay tahimik kaming lahat walang may balak umimik kahit ng makarating kami sa tapat ng bahay maliban na lang sa kapatid ko

" Ayusin niyo nga ang mga itsura niyo para kayong pinaglamayan " Reklamong saad nito

" Wala kami sa mood para sabayan yang trip mo yasmyn Hindi to ang oras para magbiro ka ng ganyan" Inis na sumbat ko sa kanya

" Then Ano? Gumaya ako sa inyo ganon? Wala naman akong kasalanan kaya bakit ako magiisip" Takang tanong nito habang nangaasar pa

" Tumigil ka nga naiinis na ko sayo" Inis na sagot ko

" Edi mainis ka Pero ipapaalam ko lang sainyo na kahit anong maging relasyon mo ay siguradong hindi magagalit sayo si Mom pwera na lang sa kanya" Sabay nguso nito kay Diana

" Tumigil na kayo let just go inside and find out " Kinakabahan din na singit ni shuan habang si troié ay wala paring imik

" Dre? Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya pero tumango lang ito bilang tugon

Pagharap namin sa pinto ng bahay ay nagaalangan pa akong buksan ang pinto kaya ng huling paghawak ko ay bumukas iyon at iniluwa sila mom and dad

" Dumating na pala kayo Ano pang ginagawa niyo pumasok na kayo " Utos nito saamin at saakin huling tumama ang paningin nito

" Mom" Tawag ko sa kanya ng makalapit ako

" Pumasok ka na hinihintay ka ng lolo mo " Utos nito sabay haplos sa buhok ko

" Its fine"  Pagkukumbinsi naman ni Dad saakin habng nakangiti

Pagpasok namin sa loob ay nandoon nga ang dalawang nakakatanda sa pamilya namin Nasa gitna si chairman habang nasa gilid naman ng lamesa si Dean

Mabilis nitong itinaas ang ulo at tumingin saakin

" Maupo kayo" Maawtoridad na utos nito kaya wala kaming nagawa kundi sumunod na lamang

' Paniguradong yari nanaman ako nito'

" Gusto kong magpaliwanag ka ngayon mismo, Heon Hindi mo ba naisip kung anong gulo at kahihiyan ang naibigay ng relasyon niyo sa pamilyang ito?" Galit na sermon ni Chairman

" Chairman" Mahinang pakiusap nila mom sa kanya upang huminahon ito

" Heon sagutin mo ang chairman!" Utos ni Dean

' Paano ako sasagot Eh hindi ko alam ang irarason ko sa oras nato?' Inis na tanong ko sa sarili

" Totoo bang may relasyon kayo?" Galit na tanong nito napatingin pa ako kay diana bago magsalita sana ngunit siya na ang sumagot

" Mahal namin ang isa't isa chairman at totoo po ang relasyon namin" Mabilis at matapang na sagot ni Diana dahilan ng pagkasapo ng chairman sa noo nito

" Ano!?" Galit na reaksiyon nito sa sagot ni Diana

" Hindi kita kinupkop dito para sirain lamang ang dignidad ng pamilyang ito Walang hiy--" Naputol ang sasabihin nito ng sumigit ako

" Don't ever talk to her like that chairman Girlfriend ko po si Diana" Galit na sagot ko sa kanya

" At ipinagmamalaki mo pa ang bagay na iyon?" Galit na tanong nito

Trapped into Bad Girl's Love [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon