Chapter 11
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko mula sa pagkakatulog. Nasilaw pa ako sa ilaw na nasa harapan ko. Tinakpan ko ang mga mata ko at dahan-dahang umupo. Andito parin ako sa underground chamber ngunit nasa kama na ako.
'Bakit ako nandito sa kama. Sa pagkakatanda ko ay nasa sahig ako at nakahandusay pa.'
Napahawak ako sa ulo ko dahil bahagya itong kumirot. I need water.
Tumayo ako at dahan-dahang lumakad papunta sa lamesa. May tubig doong nakalagay. I don't know kung sinong impakta o kapre ang naglagay doon at naglagay sa akin sa kama basta kailangan ko ng tubig at isa pa ako lang naman ang nandito.
Pasuray-suray at dahan-dahan akong naglakad papunta doon. Ang mga binti at buong katawan ko ay namamanhid at tila walang lakas. Nakaramdam kaagad ako ng pagid sa ilang habang na nagawa ko.
Nang nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ay natumba ako dahil hindi na kayang suportahan ng mga binti ko ang buong katawan ko dahil sa kawalan nito ng balanse.
Sinubukan kong tumayo ngunit hindi kaya ng mga binti ko na muling tumayo pa. I was like a cripple. Wala na akong nagawa pa dahil maging ang mga kamay ko ay nangalay na.
Pagapang ko nalang tinungo ang lamesa at kaagad na tinungga ang baso ng tubig. Para akong asong uhaw na uhaw. Kinapos pa ako ng hininga dahil sa sunod-sunod na paglagok.
Nang maubos ko na ito ay pabagsak ko itong inilapag dahil sa bigat ng mga kamay ko.at kawalan ng enerhiya.
"Shit kung alam ko lang na ito ang kalalabasan ng ginawa ko ay hindi ko na sana ginawa pa. This was my first time too at wala pa akong sapat na karunungan at kaalam yet I dared to do that. Really, Serene, you have the guts." Hiningingal kong puna sa sarili ko. Tumalikod ako mula sa mesa at inihilig ang buong likod upang makahinga ako nang maayos. Mga ilang minuto lang ay nabawi ko na rin ang aking hininga at naging stable na ito.
Umupo aako ng maayos at nagmedidate. Unti-unti kong naramdaman ang muling pagbalik ng mga lakas ko up to 90%.
Napahinga ako nang malalim matapos kong maibaba ang mga kamay ko. Napangiti ako patalong tumayo ngunit may napansin ako sa noo ko ngayong diretso kong naharap ang salamin.
Dahan-dahan akong lumakad papalapit sa salamin at nakatitig sa noo ko. Hindi pa ako nakontento at mismong mukha ko pa ang inilapit ko sa salamin. Doon, nakumpirma kong may nakatatak nga sa noo ko. Hugis Phoenix ito at ang kulay ay ginto bahagya pa itong umiilaw. Nag-aalangan ko pang hinawakan ito gamit ang hintuturo ko. Nang maglapat ang kamay ko at ang hugis na iyon ay mas lalong lumakas ang ilaw na nandoon. Wala pang limang segundo ay may lumabas doong ilaw diretso sa gilid ko. Napatalon pa ako ng kaunti dahil sa biglaan nitong paglabas. Ang ilaw kanina ngayon ay isang mahiwagang Phoenix na. Ito ang kaninang nakita kong Phoenix bago mawalan ng malay.
"Tinatawag mo ba ako, kamahalan?"
"Ah, huh? Kamahalan? Excuse me? Namali ka ata ng pinasukang noo. I'm not your majesty, baby." Mataray kong ani. Lintik na Phoenix na ito dahil sa kanya nawalan ako halos ng buhay.
"Hindi po ako nagkakamali kamahalan. Hindi magtatagal at malalaman mo din."
"Ang alin?"
"Maghintay ka lang, kamahalan."
"Oh siya siya. Anong pangalan mo at sino ka?"
"Ako si Phoebus, dalawang milyong taon na akong nabubuhay. Noong namatay ang dating nagmamay-ari sa akin ay inilagay niya ako sa crystal na iyon upang hindi mapunta sa kasamaan. At dahil sa'yo muli kong naibalik ang totoong anyo ko. Ikaw na ang bagong nagmamay-ari sa akin." Mahabang paliwanag niya. Napatango-tango ako sa sinabi niya, nakamamangha. Woah mas matanda pa sa akin ito ah. 2 million years? Really? Kung sabagay, kakaiba nga naman ang lahat dito.
BINABASA MO ANG
REINCARNATED AS THE 11TH PRINCESS
FantasyTitle:Reincarnated as the 11th Princess Author: Issasasa Genre: Fantasy Prologue: "What's the meaning of this?" I said as I saw them kissing each other. "Can't you see? We're kissing." My sister said. "But he's my boyfriend! He's mine, ate!" I furi...