Chapter 15
"Lola, ano pong nararamdaman niyo?" Magalang kong saad sa unang pasyente ko. Pinauna ko kasi ang mga matatanda kasi mas risky ang kalagayan nila. In that stage their immune system is already low.
"Sumasakit at namamaga ang mga tuhod at mga paa ko. Mas nagiging masakit ito kapag malamig ang klima." Pinakita niya sa akin ang mga namamaga niyang tuhod at mga binti. I checked his pulse and there's really wrong about her. Her nerves that connected to her knee and ankle joints were swelling.
"Lola, bibigyan ko po kayo ng resita para sa Rheumatoid Arthritis. Ibig sabihin po noon may Rayuma (Rheumatism) po kayo. Normal lang po ito sa mga kaedaran mo. Reresitahan kita ng Frankincense o Boswellia Serrata. 1 g. sa isang araw. Dapat isang gramo lang talaga kasi kapag mataas na ang dose ay maapektuhan na po ang atay mo. Ibigay niyo lang po ito doon sa parmasiya." Saad ko.
"Ravine! Samahan mo si Lola doon."
Sinunod naman niya ang sinabi ko at inalalayang makalakad ang matanda.
Nagsunod-sunod na ang mga pasyente hanggang sa maubos na ang mga pasyente na matatanda.
"Sunod!"
"Anong nararamdaman mo, Ginang?"
"Binibini, may bukol po ako dito sa leeg. Wala pong may kayang doktor na kayang tingnan ito kaya nagbakasali ako dito baka may maitulong ka sa akin . Ang sabi lang nila ay nalamigan lang daw kaya nagkaroon ng bukol ngunit matigas siya at medyo masakit habang tumatagal." Pinakita niya sa akin ang bukol sa leeg niya. Ngumiti ako at kinuha ang brush upang isulat na ang resita. Alam ko namang madali lang ito at alam ko ding alam ng mga doktor ang gamot dito. Kaso nga lang alam kong wala silang pambayad sa doktor na tumingin kaya tinanggihan siya.
"Ginang, may sakit po kayong Goiter o pamamaga ng Teroydeo Glandula mo. May tatlo pong dahilan kung bakit nagkaka-goiter kayo. Una po ay Hypothyroidism, mababa po ang yodo ng kinakain niyo o pagkain na nakatatanggal ng yodo sa katawan. Dahilan nito ay ang sakit sa bato at ang pagtaas po ng Estrogen Hormones nating mga babae lalo kung buntis o bago pa lang nanganak. Pangalawa po, ay ang Hashimoto or Thyroiditis. Ang teroydeo glandula ay naglalabas po ng antibodies na inaatake ang ating Teroydeo Glandula. Nangyayare ito kapag sobra ang stress natin. Pangatlo po ay ang tinatawag nating Graves, mataas ang teroydeo hormon at matatas ang yodo ng katawan. Iwasan po natin ang pagkain ng sobra ng mga lamang dagat, at damong-dagat (seaweed) dahil may mataas itong yodo. Ang irereseta ko para gumaling ka sa goiter mo ay ang ugat ng Alingatong. ¼ kilong ugat ng alingatong, biyakin ito sa maliliit at ilaga sa apat na basong tubig. Pakuluan sa loob ng 30-40 minuto. Inumin mo ito tatlong beses sa isang araw." Paliwanag ko. Alam ko namang konti lang ang naiintindihan ng Ginang sa mga sinabi ko but at least it can cure her.
Nang nakaalis na ang Ginang ay napahawak ako sa leeg ko dahil medyo sumasakit na ito.
Napaangat ako ng tingin nang may makita akong tsaa sa harapan ko. It is my favorite osmanthus tea, its aroma lingers on my nose.
"Meryenda ka muna. Kanina ka pa diyan." Saad sa akin ni Ravine. Nagpasalamat ako at sinimulan ng inumin iyon. Umalis na siya at maya-maya ay bumalik na naman. May dala na naman siyang platito at maliit na palanggana.
"Paborito mong osmanthus cake." Saad niya habng nakangiti. Agad-agad ko iyong kinuha at aabutin na sana ang cake nang pigilan niya ako.
"Bakit?"
"Maghugas ka muna ng kamay." Saad niya sa akin.
Gamit ang dala niyang palanggana na may lamang pinakuluang dahon ng green tea ay ginamit ko iyong panghugas ng kamay.
Sinimulan ko ng kumain. Inalok ko pa siya ngunit sinabi niyang tapos na siya.
"Dalhan mo iyong nasa labas ng pagkain para nagutom na sila." Utos ko sa kanya. Tumango lang ito at tumalima na.
Nang matapos ay inumpisahan ko na ulit ang pangagamot. Paunti na ng paunti ang mga pasyente hanggang sa maubos na sila.
Dumaan ang mga araw ay parami na ng parami ang mga naging pasiyente ko at mga nagpapagamot sa akin maging mayaman man o mahirap. Hindi lang pera ang habol ko kaya ginagawa ko ito but also para makatulong sa mga mahihirap na walang kaya sa pagpapagamot.
Naging tanyag na din ang mga pills na ginagawa at binibenta ko dahil talaga namang nakagagamot ng mga karamdaman. Hindi nga talaga ako dinadaya ng mga libro na nandodoon.
Bukas ang paggamutan at parmasya namin mula alas sais ng umaga hanggang alas sais ng hapon. Marami na akong mga kakilala at mg kaibigan mula sa iba't ibang antas sa buhay. Mababait at masisipag ang mga kasama ko at nakikita ko din ang pagpupursigi ni Ravine.
Ngayon, Miracle Doctor na ang tinatawag nila sa akin dahil ito sa isang pasyente na nag-aagaw buhay na ngunit napagaling ko. Nagmumula ata iyon sa maharlikang pamilya dahil English ang ginamit niya sa aking katawagan.
Marami na rin ang kumukuha sa akin kapag may mga emergency.
Ngunit hindi na nila nakikita ang buo kong mukha sapagkat tinatago ko iyon sa publiko at mga pasyente ko. Noong unang araw lang talaga ako nagpakita ng mukha subalit sa mga sumunod na araw ay nahaharangan na ito ng tela. Baka in case magkaaberya pa o hindi kaya malaman ito ng pamilya ni Serene baka may gawin pa iyong masama.
It's been a half year since I open my own pharmacy and hospital and I already gain merits. Kasi minsan, ang mga natulungan ko at napagaling ay dinadalhan ako ng mga regalo from jewelries, clothes to our foods kaya nakakatilid din. Idagdag pang mag ibinibigay ding mga tip ang mga may kayang pamilya. At first, hindi ko tinatanggap kasi nakakahiya ngunit pinipilit talaga nila kaya no choice ako. Someone said to me na wag ko daw tanggihan ang grasya bagkus dapat pang magpasalamat kasi meron ako na wala ang iba.
By the way, sa susunod na buwan na ang opening ng klase. Nakita ko iyon kahapon doon sa announcement board malapit sa Bereau of Commission Office.
"Aalis na tayo, Serene. Baka may naiwan ka pa." Nabalik ako sa diwa nang magsalita si Ravine na ngayon ay katatapos lang sa pagliligpit ng mga gamit.
"Wala na. Magpapasuweldo nalang ako." Saad ko.
"Ginoong Biyenbenido, hindi po kayo pumasok ng dalawang araw kaya babawasan ko ng apat na pilak ang sahod mo. Maayos na ba ang kalagayan ng asawa mo?" Ibinigay ko na sa kanya ang 10 pilak na sahod niya sa isang linggo.
"Maayos na po siya binibini. Salamat po sa binigay niyong gamot." Napangit ako dahil sa sinabi niya. Masaya ako na gumaling na si Aling Carryl.
"Naku, walang anuman. Sabihan mo siya kapag gumaling na ay bisitahin naman ako kasi nabuburyo ako sa bahay." Tumango lang ang matanda.
"14 na pilak ang sa'yo Ginoong Branwen. Salamat sa inyo kasi naging matagumpay ang parmasya natin. Nakakalungkot man ngunit, sa susunod na buwan ay hindi na tayo magbubukas. Mag-aaaral na ako at si Ginoong Ravine sa darating na pasukan. Ngunit wag kayong mag-alala may nakalaan nang trabaho sa inyo. Nakausap ko na si Ginoong Min para ipasok kayo sa tindahan nila ng bigas at pumayag naman siya. Kaya hindi kayo mawawalan ng trabaho."
"Salamat binibini. Malaki na po ang naitulong mo sa amin mula sa mataas mong pasahod at sa mga pagkain na pinapadala mo sa amin." Saad ni Ginoong Branwen.
"Sige na, umalis na kayo. Maggagabi na at baka hinahanap na kayo ng mga pamilya niyo at hahayo na din kami ni Ravine. Ingat kayo sa daan."
Pag-uwi sa bahay, dumuretso na ako sa kwarto at natulog na. Hindi ko na ngayon naggawa pang magpalit ng damit dahil pagod na pagod ako ngayong araw. Marami ang pasyente dahil na rin sa Plague na naranasan mula sa kabilang bayan at ang iba ay dito sa akin nagpaggamot. I'm exhausted and tired but it's my duty to cure them on every cost at sa lahat ng makakaya ko. As long as I'm alive, I'll treat them even if they were poor. Masaya na akong makatulong sa mga nangangailangan na walang hinihinging kapatid.
I can't give those poor and refugees to live a life they wanted but at least I can give them a life full of joy and free of diseases and sickness.
Kapag may kakayahan kang gawin ang isang bagay, gawin mo ang lahat ng makakaya mo sa tamang pamamaraan. Masaya ang makatulong lalo na't kapag nakikita mo ang saya sa mga mata at ngiti nila.
BINABASA MO ANG
REINCARNATED AS THE 11TH PRINCESS
FantasiTitle:Reincarnated as the 11th Princess Author: Issasasa Genre: Fantasy Prologue: "What's the meaning of this?" I said as I saw them kissing each other. "Can't you see? We're kissing." My sister said. "But he's my boyfriend! He's mine, ate!" I furi...