Chapter 16
"Ravine, pag-igihan mo pa ang pagpraraktis at inumin mo iyong binigay ko sayong tableta."
Gabi na ngayon at as usual nagprapraktis siya upang lumakas ang katawan at kapangyarihan niya. Mabuti naman at isang Senior Realm second rank na siya sa tulong na rin ng pills na iyon.
1 month later
Papunta na kami ngayon sa pagdadausan ng pambungad na pagsusulit upang makapasa at magkaroon ng pribiliheyo para makapag-aral sa pinakatanyag at malaking eskwelahan sa mundong ito. Balita ko pa, hindi mga basta-basta lang ang nakapapasok doon bagamat kailangan ay mataas ang antas mo sa buhay o di kaya'y mataas ang lebel ng kapangyarihan mo.
Bumukas na ang tarangkahan at bumungad sa harapan namin ang mga sundalo ng Aresty. Nagsiunahan ang mga tao para makauna lang samantalang nasa tabi lang kami ni Ravine at hinihintay na humupa ang dagat ng mga tao.
Dumating na nga ang pagkakataon namin para pumasok. Pagbungad sa bulwagan ay naroon na ang mga nagtulakan kanina. Sa harap nito ay ang plataporma. Mula sa kinatatayuan ko ay kita ko doon ang trono ng hari ng Aresty at prente lamang itong nakaupo katabi ang reyna at mga iba pa nitong asawa. Naroroon din ang mga ministro at duke ng kaharian kabilang na doon ang mga maestro at iba pang hindi ko kilalang mga tao.
Pormal nang binuksan ang pagsusulit nila. May dalawang pagsusulit ang kailangan lampasan ng mga kalahok. Ang una nito ay ang pagalam ng kanilang kapangyarihan. Sa gitna ng pinakamababang plataporma ay naroon ang lampas sa taong laki na crystal.
Kapag ginamit mo na ang kapangyarihan mo malalaman nila kung anong lebel ka na at Kung nakapasa kaba. May mga klasipikasyon ng kulay ang kailangan upang maipasa ang pagsubok. Ang pinakamababa ay ang kulay dilaw, sumunod ang kahel, berde, pula, Lila, asul, puti, at ang pinakahuli at pinakamataas ay ang ginto. Para makapasa ka sa pagsusulit ay kailangan mong makaabot sa kulay pula.
Nagsimula na ang pagsusulit. Marami ang hindi pumasa at pinauwi na ngunit hindi din naman konti ang nakapasa.
Third Person's POV
Sa pagkakataong ito ay tinawag na ang pangalan no Serene Xyrex Aresty. Napatayo ang mga tao mula sa kaharian kabilang na dito ang kanyang ama at mga ina. Napuno ng ingay at usap-usapan ang paligid. Nangingibabaw ang bulungan nila tungkol sa katauhan ni Serene.
"Kaano-ano siya ng hari?"
"Anak ata."
"Malabo naman atang mangyari iyan."
"Malayong kamag-anak lang ata."
Samantala, wala kang makikitang ibang emosyon sa mukha ni Serene. Blangko lamang ito at tila wala siyang pakialam sa paligid.
Dahan-dahan itong umakyat sa plataporma na animoy may mataas siyang katungkulan. Nagkaroon ng tensiyon ang paligid dahil na rin sa ibinubuga niyang kaseryosohan at blangkong mga tingin. Napahigpit ang pagkakahawak ng hari sa upuan dahil ramdam na ramdam niya ang kaibahan ng dating Serene at sa bagong Serene.
Pumwesto na si Serene at pinatama ito sa crystal. Napatayo ang hari dahil hindi niya akalain na ang isinuka na niyang anak ay umabot sa third rank gold realm na maaari niya pang ipagmalaki kung hindi niya lang itinakwil. Hindi nila alam na ang totoong lakas at kakayahan ni Serene ay nakakubli sa kanyang puso at katawan.
Pasado si Serene at sapat na iyon para makapasok siya sa paaralan. Hindi na niya kailangan pang ipangalandakan iyon.
Ang sumunod naman ay si Ravine. Nakapasa din ito at pareho sila ng kulay.
"Bakit pula ang kulay mo, Serene. Hindi ba't mas mataas ka pa nga doon." Nagtataka nitong ani nang makabalik na siya sa dating pwesto.
"Manahimik ka nalang." Mahina at bagot nitong sagot.
BINABASA MO ANG
REINCARNATED AS THE 11TH PRINCESS
FantasyTitle:Reincarnated as the 11th Princess Author: Issasasa Genre: Fantasy Prologue: "What's the meaning of this?" I said as I saw them kissing each other. "Can't you see? We're kissing." My sister said. "But he's my boyfriend! He's mine, ate!" I furi...