CHAPTER 7: Always Tell the Truth.(4th Step)

29 0 0
                                    

(Kung gusto mo Na saiyong kaibigan ikaw ay maging mabuti. Maging tapat, magsabi ng Totoo. Huwag kulayan Ang itim ng puti. Or vice-versa).

•Emman's POV•

Tuwang tuwa si Maw. Syempre ako din natutuwa para sakanya. Masaya Lang Ang kaibigan ko masaya narin ako. O tama na Baka magkaiyakan pa tayo.

"Hi Emman!".

"Hi Nika. Salamat nga pala sa tulong mo. Salamat at naging masaya Ang kaibigan ko".

"Wala yun. By the way. Bakit niyo pala hinahanap si Keily?".

"Ganito kase yan, yung tropa ko kase nakita niya si Keily sa canteen ng Williams General Hostpital. Nung nalalapitan niya na si Keily. Bigla nalang may sumulpot sa harap ni Maw na babaeng tumatakbo tas yun boooom! Nagkabanggaan sila. Tinulungan ni Maw. Katapos ni Maw na tulungan yung nakabungguan niya . Wala na si Keily sa kinakaupuan niya. Nawala ng parang bula. Mula Nung araw na yun, pakiramdam ko nabihag ni Keily Ang kaibigan ko".

"Friday ba ng tanghali niya na kita si Kei?".

"Oo".

"Emman may sasabihin ako pero wag kang mabibigla..... Si Kei kase..... May boyfriend na at Nung araw na nakita niya si kei sa ospital, nag-away sila Nung boyfriend niya. Nalaman kase ni Kei na may ibang babae si Matthew. Yun yung pangalan ng boyfriend ni Kei. Pero Nung isang araw nagkabati nanaman sila. Ganyan naman si Kei. Napakamartir! Alam na niyang manloloko pero nagtitiwala parin siya. Alam niya na yung baho, gustong gusto parin niyang inaanoy. Ganun din mag-aaway nanaman sila bukas makalawa".

May boyfriend? Patay Maw.... Ang dami Mong sinakripisyo pero mauuwi din pala sa wala Ang lahat.

"Ilang taon na silang magkarelasyon?".

"Since 3rd year Highschool. So mga 2years pataas. Ge Emmanuel una na ako may klase pa pala ako. See you later".

3rd year Highschool? 2years na sila? Paano na Neto. Paano ko sasabihin Kay Maw! Panigurado masasaktan Lang siya. Sana pala di ko nalang din nalaman. Naiipit na ako fuck!!! Bahala na di na muna ako magpapakita Kina Maw.

•Marwin's POV•

Lalala lalalala lalala lala lalala. Sarap magising at nakangiti!

"Good Morning everyone!".

"Maaaaaa! Si Kuya may sakit! Ang agang nagising!!".

"Oo nga anak. Anong Meron? Ah Maw?".

"Wala Lang Po. Sobrang saya ko Lang po".

"Osya osya Kung San ka masaya masaya narin ako".

"Bye Po ma. Pasok na po ako. Ilove you".

Katapos ng klase pupuntahan ko si Keily. Makikipagkaibigan ako sakanya. Liligawan ko siya. Magpapakasal Kame. Magkakaanak. At magsasama ng masaya! Hahahaha. Oo nga pala. Nasan kaya si Emman? Magpapatulong ako sakanya. Mahanap nga bago ako pumasok at ng masabihan ko siya. Baka magdota nanaman sila ni Juan.

Wala. Wala. Wala. Wala sa court. Wala sa room niya. Wala sa tambayan. Ano ba naman Kung kelan kailangan dun nawawala pero pag late ako siya pa yung naghahanap saken. Makapasok na nga muna.

*After 5hrs*

Ok Keily! Here I come. Hintayin mo Lang Ang iyong Prince Charming. Sa Oras na to ayaw kong tumakbo kase gusto ko makita ako ni Keily ng Hindi pawisan. Bago Ang lahat hanggang ngayon wala parin si Emman. E tinext ko naman siya kaninang nasa room ako. Halos 30 mins na akong naghihintay. Naku Emman. Kung Hindi Lang kita matalik na kaibigan inunfollow na kita sa twitter at binlock na kita sa fb. Puntahan ko na nga si Keily. Lagot ka Lang Saken Emmanuel.

"Miss. May kilala ka bang Keily Alcantara dito?".

"Ow yes. Actually she is my Blockmate. Why?".

"Where is she right now".

"Ayun oh. Nasa tabi ng bintana".

Juice colored. Marunong palang magtagalog tong babaeng toooooo.

"Thank you".

Pinuntahan ko. *labdablabdablabdab* Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pero Ito na yung Oras na hinihintay ko. Igagrab ko na.

"Hi Keily Alcantara".

Lumingon siya.... Ang lakas ng dating napakaganda pala niya pag harap harapan. This time naman nakangiti siya. Wala e nainlove narin siguro Saken. De biro Lang.

"Yes? Sino ka?".

"Marwin Tamayo. Nice to meet you".

Sabay abot ng kamay ko. It means shake hands.

"Ok. Nice to meet you too".

Hindi siya nakipag shake hands. Tas bigla nalang siyang umalis.

"May Gagawin pa ako. Excuse me".

May dalaw siguro to. Ang sungit. Ok Lang atleast kilala ko na siya at kilala niya narin ako. Bukas ulit kakausapin ko siya. Baka bukas good mood na siya.


•Keily's POV•

Hi I'm Keily Santillan Alcantara. Future accountant. Sa Totoo Lang ayaw ko to. Gusto ko talaga Ang Rad-tech. Kaso ayaw ni papang.
Pag di ko sinunod gusto nila, sobrang oa kung magalit! Hayyy never mind. Naging masungit ako dun Kay Tamayo kase Nung nakaraan nabunggo niya ako! Di man ako tinulungan para makatayo. Even the word "sorry" wala akong narinig. Diba? Sino bang natutuwa o matutuwa sa Ginawa niya. Akala niya di ko siya makikilala. Ang lapad lapad ng noo. Minukhaan ko kaya siya habang tumatakbo ng mabilis. Galit ako sa mga lalaking Hindi gentleman! Nasan na kaya si Baby. I hope na di siya gumagawa ng panibagong kagaguhan. Ayaw ko siyang mawala di ko kaya. Nangako na siya na di na niya uulitin. May Tiwala pa naman ako sakanya.

Ang tagal ko ng di nagbukas ng facebook account even twitter. Dini-activate ko kase mula Nung nabroken ako Kay Matthew. Ayaw ko kasing makita yung pic ni Matt at Nung malandi niyang babae. PaBaguio-Baguio pa silang nalalaman. Pwe. Ok move on.

Scroll down. Scroll down. Ano to?

--------------------------------
•Sr. Admin Sana mapost Po Ito. Sana po as soon as posible.Advance thankyou Po 😄•.

Sana dito nga talaga siya nag-aaral. Sana may nakakakilala sakanya. Sanatulungan niyo ako.

June 21 (Friday, 12:00 noon) naglalakad ako sa Williams General Hospital. Lunch time nun e kaya ko Nasabing 12. Babaeng naka color white na dress may relong kulay pink na nakasuot sa right. Nakaupo sa Sulok ng canteen. May nunal sa right face malapit sa labi. Sana makilala kita at maging kaibigan. At Kung bibigyan man ako ng diyos ng pagkakataon para alagaan ka. Pangako ko sayo di ako kagaya ng iba. Di kita paluluhain, bagkus mamahalin kita ng lubos. Yung pagmamahal na di mo pa naramdaman at Sakin mo Lang mararamdaman. Sana may nakakakilala man Lang sayo.

-Your prince charming (CBA/Lalake)

-------------------------------------

Ako ata tong tinutukoy. Ewan. Baka di ako. Pero June 21? Araw na nag away Kame ni Babe. Siguro di ako. Pero may nunal ako. Sorry nalang. May Bf na ako. At mahal na mahal ko siya. Ayaw ko naman magcomment kase Baka Hindi ako. Ayaw ko din kase Baka anong isipin ni Matt. Hayyyy. Makatulog nalang nga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How To Find Your TRUE LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon