Pagkatapos kong malinis ang bahay, garden naman ang sinimulan ko. Kailangang mapanatili kong buhay ‘tong mga halaman, sayang naman kasi ang ganda.
So eto ako ngayon, pakanta-kanta habang nagdidilig.
“Unti-unting mararating kalangitan at bituin …. Unti-unting kinabukasan ko’y magniningning …. Feel na feel ko talaga ang kantang ‘to. Dito ko na nga lang sa mga halaman pinaparinig ang maganda kong boses, pakiramdam ko kasi lagi silang nandyan para makinig sa mga kanta ko.
“Hayyyssss.. Sana talaga pumayag si Tita Rose na mag-aral ako sa JRAS, alam nyo pangarap ko talaga ang maipakita ang mga talent ko kaso hindi ko pa kaya, hindi pa kaya ng puso ko, masyado pang nahihiya ,”
“Annniiiiiicccaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!”—Tita Rose
Narinig ko na naman ang matinis na sigaw ni Tita Rose. Panigurado ko may utos na naman yon, hindi naman nawawalan eh -_______-. Pagpasok ko nakita ko na nakaupo lang sya sa salas … Anong meron? HIMALA! Wala atang iuutos .
“Anu po yon Tita Rose?” – ako
“Maupo ka Annica, at ngayon lang ang una at huling beses na kakausapin kita tungkol sa bagay na ‘to” – Tita Rose
Syempre masunurin ako kaya umupo na kagad ako.
“Tungkol lang naman ‘to sa pagaaral mo sa kolehiyo. May utang na loob pa rin naman ako sa namayapa mong ama kaya pinapag-aral pa rin kita …. San mo ba gustong mag-aral ng college?” – Tita Rose
O_________O …. – ako. As in, si Tita Rose ba talaga ‘to?????
“Ano ? Gusto mo ba?”
Hala! Syempre naman !!!! “Opo naman Tita !!!!!!! gustong gusto ko po” nagtatalon ako sa tuwa.
“Kalma ka lang, saang school mo naman gusto?”
Patay! Eto na … “S…sa J-….John Roberts Art School po sana Tita” sagot ko.
“O_____O”—Tita Rose. “Seryoso ka ba jan Annica? Wala nga akong nakikitang galing mo sa pagkanta o kaya pagsayaw o kaya naman kahit pag arte man lang … isang beses lang kita papipiliin”—Tita Rose
“Sigurado po ako Tita”—ako
“Sige, pakita mo saken ang talent mo. Siguro naman alam mo na may audition bago makapasok sa JOHN ROBERTS ART SCHOOL. Dali!” sa boses pa lang ni Tita Rose halatang naiinis na sya saken.
Hala! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko….. Eto na naman ako pag may makikinig sa pagkanta ko, parang masisintunado ako neto ………….. Pero kailangang maparinig ko kay Tita Rose ang boses ko para mapag-aral niya ko. Annica Eirise Garcia FIGHTING!!!!!!!!!!!
“And I ………..” naputol ang pagkanta ko dahil biglang may tumawa ng napakalakas sa likod.
“HAHAHAHAHAHAHA!”
Paglingon ko si Jenny pala -_______________________- Konti na lang talaga makakasapak na ko ng babae.
“Ma! Ano ka ba? Alam naman nating parehas na walang talent si Annica pagdating sa mga ganyan. Kung gusto nya talaga dung magaral, hayaan mo! Sya naman ang mapapahiya, basta tayo ginawa natin ang obligasyon natin kay Uncle Eduardo” sarkastikong paliwanag ni Jenny habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Si Tita Rose naman nagisip panandalian at kapagkuwan ay tumayo na rin.
“Ok that’s a good idea Jenny. Bahala ka na sa pagsalang mo sa audition, sana makapasok ka na lang” at nag-walk out na ang mag-ina.
Eto ako ngayon sa may sofa at nagiisip kung paano gagawin ko … Helooooo? Eto na yung dream ko na makapagaral sa JRAS at baka sakaling makita ko si Ranz *___________________* Bukas na bukas din pupunta kong JRAS para makapag-inquire kung pano makasama sa upcoming audition.
A/N: ayus lang ba gawa ko? ^________________^ sa library ko po kasi ‘to ngayon ginagawa kea mejo nakapagisip ng plot ng story J)))))))))
BINABASA MO ANG
REAL ME
Novela Juvenilthis is a story created for a person who cannot show his/her true and own identity :))))