A FICTION STORY written by ME!
Short Story~
All Rights Reserved (c) MMLazygirl03
"GOODBYE"
-------
Saying 'goodbye' is not fair at all.
Painfull word to be accept.
They're throwing it to you whether you like it or not.
Goodbye~
Curse that word!
~~~
"Jake! Tara papicture tayo dun!" at tinuro nya yung mascot na panda.
"Oo na. Arleen naman parang bata." tatawa tawa kong sabi habang hila-hila nya ko.
Si Arleen. Ang babaeng nakakuha ng puso ng isang Jake Angeles.
Isa akong model. Maraming babae ang nagkakandarapa para lang maging girlfriend ko. Halos lahat ng babae... Maliban kay Arleen.
Nung una ko syang makita... Ng exist sakin ang love at first sight. Pangbakla nga eh.
Dati, ayaw nya sakin. Kasi ayaw nya sa lalaking masyadong gwapo at sikat. MADAMI DAW KAAGAW.
Di sya lumalapit sakin. Kasi ayaw nya magkaroon ng kaaway. Kasalanan pa ng fangirls ko kaya nahirapan akong paibigin tong babaeng to.
Pinaghirapan ko sya. Inabot ako ng isa't kalahating taon mahigit para payagan akong MANLIGAW. Oo... Ang hina ko. Pero hindi naman nya pinatagal ang panliligaw ko dahil sinagot nya ko after a month.
Tanda ko pa kung gaano ako kamukhang tanga na sumigaw sa loob ng MCDO. Ganun ako kasaya nun. Halos magtatalon ako.
At ngayon nga ay 2nd anniversary namin.
Nasa amusement park kame.
Sa gantong lugar nya lagi gusto pumunta. Ewan ko ba. Pero nakikita ko namang masaya sya. Kaya masaya na din ako.
"one..two..three.. Say cheeeeese!"
At sabay kaming ngumiti ni Arleen na parang walang bukas.
--
"Jake... Happy 2nd anniversary!" at hinalikan nya ko sa pisngi.
"Happy anniversary din Arleen." at ako naman ang humalik sa labi nya. Dampi lang.
Nasa amusement park pa din kame. Gabi na pero buhay na buhay pa din ang lugar na ito.
Nakaakbay ako sa kanya habang sya nama'y nakasandal sa aking dibdib. nakaupo at pinagmamasadan namin ang kalangitan.
"Andaming stars no Jake?" sambit ni Arleen na nakatingin pa din sa langit.
"Oo nga ee. Alam mo ba? May pangarap ako." sabi ko sa kanya.
"Ano naman yun?" tanong nya. "Gusto mo maging super star?" dagdag nyang katanungan at humarap sa akin.
"No." at ngumiti ako
"I want to have children. As many as those stars." at tumingin ako sa mukha nyang napakaganda.
Napangiti sya. At bumulong.
"Ako din. Gusto ko din..." bulong nya. "...sana" dagdag nya. Ngunit di ko naintindihan ang gusto nyang ipahiwatig. Kaya isinawalang bahala ko nalang.
Natapos ang araw na ito na pareho kaming may ngiti sa mga labi.
Hinatid ko sya sa kanila. At nagpaalam na ko.
Parang ayoko pa ngang magpaalam. Kasi ayoko ng salitang 'paalam' . Pero yun yung sinabi nya sa akin. Kaya nagpaalam na din ako.