Umuuga Ang Kama

58.7K 227 18
                                    

"I've been waiting for this for years..."

Umuuga ang kama sa sobrang bilis at lakas ng ritmo ng dalawang magkasintahan. Halos dalawang taon ring hinintay ni Anjo ang pagkakataong ito, ang maramdaman ang pagpapaligaya ng kanyang kasintahan. Mga impit na ungol lamang ang iyong maririnig galing sa magkadikit na labi ng nagmamahalan. Mga hawak at haplos na talaga namang nakakapang-init ng katawan. Napapa-arko pa ang likod ni Arianne sa bawat pagdausdos ng isang bisita. Hawak ni Arianne ang kanyang buhok at gustong sabunutan ang sarili at ang katipan sa nakakabaliw na sensasyon na kanyang nararamdaman. Nalilito rin siya kung sa likod ba nito siya kakapit para lalong magdikit ang kanilang katawan o sa balikat nito upang makontrol niya ang bilis ng paggalaw nito. Talaga namang hindi matatawaran ang sarap na dulot kapag mahal mo ang iyong kapareha. Tirik matang inilabas ni Arianne ang kanyang pinipigilang ungol kasabay ng pagsambit ng pangalan ng kapareha ay siyang pagputok ng daan papuntang langit.

Umuuga uli ang kama sa isa pang umaatikabong bakbakan, ika nga sa boxing, round 2. Hindi mapigil ng dalawa ang kanilang pagniniig kasabay ng paghalik ng dilim ng gabi. Iba't-ibang pwesto ang kanilang ginawa upang masulit ang oras ng ligaya. Hindi magkamayaw sa paghiyaw si Arianne na parang mababaliw, hindi niya malaman kung dahil ba sa hirap o sa sarap na kanyang nararamdaman.

"Umuuga ang kama." sambit ni Arianne nang makaramdam ng paggalaw nito.

"Baka mahina ang pagkakagawa ng kama para sa atin." pagbibiro ni Anjo.

"No. Seriously, umuuga nga."

"Baka naman lumindol lang? Hindi ko man naramdaman eh." sagot naman ni Anjo na halatang pagod sa pagkakahiga nito. Ipinagkibit balikat na lamang nila ang naramdaman. Bagong lipat dito sa bago nilang bahay ang magkasintahan matapos magpropose ni Anjo kay Arianne sa isang restaurant. Inakala niyang simpleng date lamang ito at talaga namang nasorpresa siya. Hindi naman itinatanggi ni Arianne na mahal na mahal niya ang nobyo at ganoon din si Anjo sa kanya kaya nagpaalam na sila sa kanilang magulang na bumukod upang lumagay sa tahimik. Nakapikit na ninamnam ni Arianne ang alaala.

>

"Bakit parang ang ganda naman ng date natin?" tanong pa ni Arianne noong tumigil ang kotse ni Anjo sa isang mamahaling restaurant. Sa labas pa lamang ay puno na ng ilaw at palamuti ang paligid lalo pa pagpasok nila sa loob. Tumutugtog ang violin at piano kasabay ng pintig ng kanilang puso.

Hindi na nahintay pa ni Anjo ang makaupo sila sa kanilang reserved na upuan. Pagsara ng automatic na sliding door ay lumuhod sa harapan niya si Anjo. Akala mo'y magpupunas lang ng sapatos sa una pero doon pala niya tinago sa medyas niya ang regalong singsing. "Arianne Gutierrez, I love you more than a music can touch your heart. I hear the melodies playing and saying, marry me."

Walang masabi si Arianne sa dialog ng nobyo, hindi niya namalayan na pumatak na pala ang luha niya. "Parang hindi bagay ang suot ko sa engrande mong proposal." sabi na lang niya at ngumiting binitin ang sagot sa nobyo.

"Surprise is a surprise. You'll look more beautiful in our wedding day." sagot naman ni Anjo na hindi pa rin tumatayo sa kanyang harapan, hawak ang kamay ni Arianne. Parang nagtataka na ang itsura ni Anjo dahil sa tagal ng sagot ni Arianne.

Bago pa mawala ang ngiti ng nobyo ay sinagot na niya ito. "Yes!" kasabay ng pagsuot ng singsing na tanda ng engagement nila ay ang pagbuhat sa kanya ni Anjo sa sobrang excitement. "Uy! Ibaba mo ako, andaming tao." sabi pa niya at hinampas ng konti ang dibdib ni Anjo.

Ibinaba lang siya nito nang marating nila ang kanilang upuan. "I'm just so happy." sabi nito at kahit hindi niya sabihin ay halata sa mukha niya ang sobrang saya.

"Nahihiya tuloy akong tumingin sa kanila."

"'Wag kang mahiya." sabi ni Anjo at ngumiti. "Everyone!" sigaw nito.

Umuuga Ang KamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon