Gab's POV:
Hinahayaan ko lang sya na hilahin ako...noong una hindi ko alam kung saan nya ba ako dadalahin hanggang sa napansin ko na sa direksyon pala ng tambayan ang tinatahak namin.
"So-sorry sa ginawa ni Angeline" sabi ko nang makapasok na kami sa loob ng tambayan at agad nyang binitawan ang kamay ko. "Sana hwag kang magalit sa ginawa nya, nag-aalala lang naman sya sakin"
"Ano ba Gabrielle! Bakit nakikisabay ka kay Gabinelle??" He gritted. "Bakit mo pinapabayaan yang sarili mo? Nagpapapansin ka ba?!"
"N-no!!" medyo naluluha na ako..."hindi ako nagpapapansin, bakit ko naman gagawin yon? diba mahal mo ako? Diba Tyron?" Hindi sya sumasagot, nakatingin lang sya sakin na para bang hindi sya makapaniwala sa naririnig mula sakin. "Tyron please..." Pagmamakaawa ko...
"No Gab, ako dapat ang magmakaawa sayo...please Gab, please tama na!" He scolded at me. Para akong nabingi sa ginawa nya.
"Hindi na ba talaga natin maaayos toh?" Umiiyak na tanong ko, nagtangka akong hawakan sya sa braso pero iniwas nya ito... "Tyron, mahal na mahal kita" i said crying...sinubukan kong humakbang palapit sakanya pero humakbang lang sya paatras....ramdam ko, ramdam na ramdam ko na hindi ko na sya maaabot...
"Tama na Gab" mahina pero rinig na rinig ko ito..
"Hindi na ba talaga?" I asked.
"Hindi na" he answered without any emotions in his eyes.
"Wala na ba talaga?" I asked again.
"Wala na"
"Pagka-graduate ko hi-hindi na talaga t-tayo ikakasal?" Nauutal na tanong ko.
"Hindi na"
Nakatingin lang sya sa ibang direksyon habang ako ay titig na titig sakanya habang umiiyak.
"H-hindi mo na a-ako ipapakilala sa mama mo?" Humahagulgol na tanong ko, noon kasi sinabi nya na dadalahin nya ako sa puntod ng mama nya para ipakilala ng formal, i found it sweet then...but now wala na.
"Hindi na"
Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim, muli kong minulat ang mga mata ko.
"Hindi mo na ba ako mahal?" Kahit hindi nya sinasabi noon, ramdam ko...ramdam na ramdam ko kung gaano nya ako kamahal...
Humarap sya sakin at tinitigan nya ako sa mga mata ko...
"Hindi na" that's the que at sabay sabay na naman na naglandas ang mga luhang tila ba hindi nauubos... Napaupo ako sa sofa na nasa likuran ko at tahimik na umiyak doon.
"T-tyron..." Parang nahihirapang tawag ko sakanya... Nanatili lang syang nakatingin sakin..."mahal na mahal kita"
Biglang bumukas ang pinto ng tambayan...
"Bro!!!" Si Luke, nanatili lang akong umiiyak..hindi nya ata ako napansin dahil kay Tyron lang nakatuon ang atensyon nya mahihimigan sakanya ang pagkataranta..."Si Gabinelle!!!" From that, nagmamadaling lumabas ng tamabayan si Tyron kasunod ang kaibigan nya. Naiwan ako, naiwan akong mag-isang humahagulgol.
Maya maya bumukas na naman yung pinto...hindi ko inaangat ang ulo ko umaasang sana balikan nya ako at bawiin ang mga sinabi nya.
"Gab!!!" Lumapit sya at inalalayan akong tumayo. "ok ka lang??"

BINABASA MO ANG
Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]
Romance"Mahirap maging panget" yan ang karaniwang naririnig ko sa mga babaeng nag-gagandahan at nag-se-sexy-han... Huwow, BIG words "mahirap" at "panget" . tss.... Yun ang akala nila, kung magsalita sila ng word na "mahirap" akala mo naranasan na nila. Ak...