THIRD PERSON
Lahat sila ay naghahanap ng mga kasagutan...Kasagutan na isa lang ang makakasagot. Hindi nila alam na ngayong nagbalik na si Arianna Hershey Myrtle Faust ay mas marami ang dadaan na pagsubok...Pagsubok na isa lang ang gumagawa.
Kasalukuyang nasa salas ang pamilya Faust. Kasama na dun si Mich na busy sa kakalikot ng phone
"Myrtle were planning to throw you a party so that the whole world knows you're back" sabi ni Mrs.Faust na dahilan kung bakit mas lalong nabadtrip si Mich
"Wag na po ma" protesta ng dalaga
"Tsss wag ka nang pakipot alam ko namang gusto mo iyan eh. Ikaw pa. Eh di ba attention seeker ka naman?" inis na sabi ni Mich sa kapatid
Yumuko na lamang si Myrtle at hindi na nagsalita samantalang ang mag-asawa naman ay binigyan lang si Mich nang nag-aapoy na mga tingin. Lahat sila ay napatingin sa pinto dahil kumatok eto at agad naman etong binuksan ng isa sa mga maids nila. Iniluwa doon ang lalaki na pamilyar kay Mich
"Chase!" bulalas ni Myrtle sabay tayo
Kaya ang reaction ng tatlo ay napanganga dahil niyakap ni Myrtle si Chase.
" Mom, dad, si Chase nga pala. Boyfriend ko" nahihiyang pagpapakilala ni Myrtle sa kasintahan
Kumunot ang noo ni Mich at parang may sumabog sakanya pagkarinig sa sinabi ng kanyang kapatid
"Since when?" tanong ng papa niya
"Noon lang po" sagot ng dalaga. Mas lalong kumunot ang noo ng dalaga
"Myrtle,Michelle you should go upstairs i have to give a word with this young man right here" seryosong saad ng papa nila
Pagka-akyat sa dalawa ay nagsimula ng magtanong ang mag-asawa ng kung ano-ano
"Paano kayo nagkakilala?" usisang tanong ni Mich sa kapatid
"Nagconfess kasi siya sakin nun na mahal niya raw ako. Sa una iniiwasan ko siya pero habang tumatagal nahuhulog na pala ako sakanya"
"Tsss di naman kayo bagay" komento ng dalaga. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking sineduce niya ay may girlfriend na pala. Kapatid niya pa!
"Hindi basehan kung bagay ba kami o hindi basta nagmamahalan kami sa isa't isa. Pinaubaya ko na si Harisse sayo. Nabagok kasi ako at namulat ako sa katotohanang hindi niya ako mamahalin"
Naalala niya si Harisse. Pagkadinig niya sa pangalan ng binata ay nakaramdam siya ng guilt. At hindi niya alam kong bakit
"Seriously? Anong nagustuhan mo dun sa lalaking iyon? He's not even worthy to glance" paninira niya. Baka daw kasi magbago yung isip ng dalaga at maisipan nitong hinawalayan si Chase
"Edi mabuti para wala akung kaagaw" nakangising sabi ni Myrtle
Napikon na si Mich sa kapatid kaya umalis nalang siya at pumasok sa kwarto. Sa baba naman ay di rin maiwasang may tanungan ubos na nga siguro lahat ng tanong ni Mr.Faust ngunit gumagawa parin siya ng bago
"Mahal mo ba talaga anak ko?" tanong ni Mr.Faust
"Sir, eh kanina niyo pa iyan tinatanong sakin eh" reklamo ng binata habang nakanguso pa ito
"Eh sinisiguro ko lang naman eh! Tsaka nagrereklamo ka ba?!"
Agad namang umiling ang binata "Hindi po. Kung gusto niyo ulitin niyo narin yung ibang mga tanong"
"Kayong dalawa tumigil na nga kayo!" putol ni Mrs.Faust at naglapag ng pagkain sa mesa "Ano nga pala iyong pangalan mo iho?" tanong ni Mrs.Faust
"Lincoln Chase Slater, po ma'am"
"Nangangako ka bang hindi mo sasaktan ang anak namin?" bantang tanong ni Mrs.Faust
"Opo, ma'am"
Ngumiti ng matamis ang ginang sakanya "Ok payag na ako"
"What?! Nang ganun kadali?! Honey!"Mr.Faust whined
Inirapan lang siya ng asawa at hindi na pinansin. Ngumuso si Mr. Faust "Pag may manligaw kay Mich pahihirapan ko talaga ang lalaki" bulong niya
Bumaba ang dalawang magkakapatid. Ngumiwi pa si Mich ng tumabi si Myrtle sa kasintahan at hinawakan ang kamay nito
"Myrtle. Malapit na ang debut mo. May gusto ka bang theme anak?" tanong ni Mrs. Faust sa anak. Kasalukuyan silang nagdi-dinner at kasama nila si Chase na palihim na napapatingin kay Mich, at ganun din naman ang ginagawa ni Mich kay Chase
"Anything would do, mom" sagot ni Mich
"Bakit di nalang kaya natin pagsabayin ang kanyang debut at welcome party? suggestion ni Mr.Faust na dahilan ng pagpayag ng lahat
"Mich, ikaw na bahala mamili sa mga susuotin niya ha?" suggest ni Mrs.Faust
"Bakit ako? Anong silbi niyo?" kunot noong tanong ni Mich
"Mich marami na kasi kaming gagawin eh. Ikaw nalang, anak. Para sa kapatid mo" paki-usap ni Mr.Faust
"Tutulong ako Mich!" pagprepresenta ni Myrtle na hindi kinatuwa ni Mich
Ngumiwi siya at ngumuso "Ikaw nalang"
"Eh wala akung alam sa fashion eh"
"Ang badoy rin naman kasi ng taste mo eh" sa isip ni Mich
"Ano, ok lang ba sayo Michelle?"tanong ni Mr.Faust
"Oo nalang" walang ganang sagot ni Mich
"That's great! You'll start tomorrow!" natutuwang sabi ni Mrs.Faust
Lahat sila masaya except kay Mich na nagdudurusa dahil ayaw niyang makasama ang kapatid. Nang tignan niya si Chase ay nakatingin na ito sakanya. She suddenly felt butterflies in her tummy na ngayon niya lang naranasan
BINABASA MO ANG
She's One Of A Kind
Teen FictionIsang love hater na kulang nalang isumpa ang mga couples sa buong mundo. Malungkot ang nakaraan niya kaya siya naging ganyan. But, will she find her happiness sa isang lalaki na mahal na mahal talaga siya? Will she find a man that will accept her ka...