THIRD PERSONUmaga pa lamang ay maagang nagising ang lahat dahil sa mga preparations para sa debut at home welcoming narin para kay Myrtle
Except kay Mich na mahimbing na natutulog...
"Myrtle ikaw na ang bahala sa kapatid mo. May importante pa kasi kaming gagawin ng mama mo but we will be home at dinner" pagpapaalam ni Mr.Faust sa anak at tuluyan ng umalis
Habang si Myrtle naman ay nagdadalawang isip kung kakatukin niya ba ang pinto ng kapatid. Natatakot kasi siya na baka tarayan na naman siya neto. Pero sa huli ay di na niya kinatok at pinabayaan na lamang matulog ang kapatid...
Pero sa totoo lang she really feels sorry sa mga ginawa niya. Tuluyan na kasi siyang nawala sa sarili nun dahil mahal niya ang kasintahan ng bestfriend niya...
At ngayon napag-isipan niya na bumawi sa lahat lalo na at magmo-mall sila mamaya...
Sa kabilang dako naman ay may dalawang lalaki na nag-uusap kung paano nila sisirain ang buhay ng mga Faust...
"Sundan mo sila. And find out what they're up to" sabi ng lalaki na matanda na....Malaki talaga ang galit niya sa pamilyang Faust dahil sa pera. At ang mga Faust rin ang dahilang kung bakit nagkandaletche-letche ang buhay niya
"Yes sir---"
"You can call me Mr.Martinez"
Umalis na ang batang lalaki at naiwan naman sa silid si Mr.Martinez na may demonyong ngiti
____
Nagising si Mich dahil sa sinag ng araw at pagtingin niya sa relos niya ay napamura agad siya dahil ala una na nang tanghali kaya dali-dali siyang tumungo sa banyo at naligo
Pagkatapos ay sinuot niya ang damit (A: The one in the media) At nagmake-up narin pagkatapos nun ay dali-daling siyang bumaba
"Myrtle!" tawag niya sa kapatid
"Alis na tayo? Ba't ganyan suot mo?" tanong ni Myrtle
She rolled her eyes "Tsss alangan namang mag gown ako. Magbihis ka na nga lang" inis na sabi ni Mich at padabog na umupo sa couch
Kaya wala ng nagawa ang dalaga at pumanhik na ito. Matapos ang ilang minuto ay bumaba na si Myrtle kaya tumayo na si Mich at dumiretso sila sa kotse
Nang makarating na sila sa mall ay dumiretso agad sila sa isang boutique
"Eto po ma'am sure po ako na maganda po kayo dito" sabi ng babae na pilit pinapasuot si Myrtle ang isang dress na kita lahat ng balat. Pati na nga yatta singit mo ay makikita
"Ano ba yang damit na iyan? Kulang ba iyan sa tela? Humanap ka nga ng mas formal" saway ni Mich sa babae dahil kanina pa talaga siya naiinis sa kakulitan neto samantalang si Myrtle naman ay di parin nawawala ang mga ngiti sa labi
"Tss since February 14 ang date ng birthday mo. How about black ang isuot mo?" ani Mich na nakasalampak sa couch ng boutique
"Hate mo talaga valentines no?"
Bored niyang tinignan ang kapatid na para bang ito na ang napakabobo na nabubuhaysa buong mundo "Di pa ba obvious, Kianna?"
Hindi na nagsalita si Myrtle. Nawala ang ngiti niya ng marinig ang pangalan na Kianna. Para kasi sakanya ay di parin siya tanggap ni Mich
"Mich maganda?" tanong ni Myrtle habang suot ang isang red dress. At tumango naman si Mich bilang tugon kaya yun na ang pinili ng dalawa

BINABASA MO ANG
She's One Of A Kind
Teen FictionIsang love hater na kulang nalang isumpa ang mga couples sa buong mundo. Malungkot ang nakaraan niya kaya siya naging ganyan. But, will she find her happiness sa isang lalaki na mahal na mahal talaga siya? Will she find a man that will accept her ka...