Hindi ko alam kung ano ba talaga ako...
Pero...
Gusto ko ring maranasan ang nararanasan ng lahat...
Ang mabuhay na nagagawa ang gusto pagkatapos ay mamatay na nakikita pa rin ng kapwa mga namatay na.
Pero sa kaso ko...patay na agad ako.
Ni hindi ko man lang alam kung anong klase akong nilalang—kung anong kasarian ko, kung anong itsura ko, kung ilang taon na ba ko.
Buti na nga lang may boses ako kaya alam kong babae ako. Isa pa, nakikita din ako ng mga grim reapers.
Pero kahit na ganun, ang unfair talaga. Bakit ako hindi ko alam kung saan ako nanggaling? Bakit bigla na lang akong nabuhay sa mundo na patay na agad?
'Yun ang mga tanong na dahilan kaya gusto ko pang ipagpatuloy 'to.
Pero sa oras na malaman ko 'yun, matatanggap ko kaya ang dahilan?
BINABASA MO ANG
No Body
RomanceSa mundong 'to may isang nilalang na walang katawan. Multo man siya pero di rin siya nakikita ng mga kapwa niya multo. Mula pagkamulat niya pa lang sa mundo, wala na talaga siyang katawan. Tanging boses niya lang ang naririnig mo. Pero kahit ganun p...