ғ ᴏ ᴜ ʀ ᴛ ᴇ ᴇ ɴ

143 16 0
                                    

Shannon's Pov

4th day ng Palaro and basically ako lang mag-isa ngayon sa cafeteria. Intense na ang mga laro ngayon kase awarding na bukas.

If tinatanong niyo kung bakit nandito na kami ni Louie sa school eh sinabi ko na kase sa kanyang baka natapos n  yung araw ng laro ng hindi man lang nacheer ang mga kaibigan ko. Kase naman ehh. Ang tagal kaya naming nagstay dun and guess what magkaiba pala ang takbo ng oras sa dalawang mundo. Kung dun sa Gyeorya  1 hour na ang nakalipas dito eh 5 minutes pa lang. Ohh divaah mas maganda yung time dun haha.

May laro sina Rica, Abby at Louie. Kahit isa sa kanila wala akong pinuntahan kase nga naisip ko pagchineer ko ang isa sa kanila may magseselos kaya ang ending wala akong pinanood. Haaayst same problem as always. Bat ba kase hindi ako sporty. Ang hirap talaga pag walang talent.

I took a last sip from the Zest-o that I'm drinking nang may nagsalita. It was Fire. Wala ba itong laro?

"Can I share this table with you?" Sasagot na sana ako kaso naalala ko ang sinabi ni Louie.

"Kung ayaw mong magselos ako better leave that idiot at wah nang pansinin"

Haayst. Ohh divahh siya pa nng may ganang magselos. Tapos tinanong ko kung bakit sinasabi lang na basta. Nakakagigil divaah?

"Ahehehe no. Paalis na din ako. You can have this table" sabi ko na lang at akmang tatayo nang hawakan nitong braso ko. Tiningnan ko naman ito pero hindi parin niya binibitawan.

"Why are you avoiding me? Is there something wrong? Is it because of yesterday?" Napabuntong hininga naman ako at napakagat labi.

"I'm sorry but I have to go" nakatungo kong sagot. Aalisin ko sana yung kamay niya pero mas lalo nya itong hinigpitan.

Magsasalita na sana ako ng marinig ko sina Rica at Abby.

"Shannon!" I gulped when I hear them calling out my name.

"Ohh Fire right?" Tanong ni Abby pagkarating sa pwesto namin sabay tingin sa kamay ni Fire na nasa braso ko.

"Sorry" ani nito sabay tanggal ng kamay nya.

"Ehh. By the way Shannon. Ang daya mo di ka talaga nanood ng laro namin." Pagtatampo ni Rica sabay upo nito. Umupo na din si Abby at tangkang tiningnan kami ni Fire na nakatayo pa.
"Are you just gonna stand there all the time?" Tanong nito.

"No. Aalis na ako. I just want to talk to Shannon but it looks like mas kailangan niyong mag-usap."

"Ahww" sipol ni Rica.

"Hmm gotta go. Bye girls. Talk to you later Shan." Sabi nito ng nakangiti at umalis. Tiningnan naman ako ng dalawa ng may pagdududa.

"Hep. Hep. What's with that look?" Tanong ko at umupo.

"May hindi ba kame alam sa inyo ni Fire? Kayo na ba? ehh pano si Louie?" Usisa ni Abby.

"Wahuhuhu pano na ang ShanLou kung ganun?" Histerikal na tanong nito. Tumawa naman ako.

"Tska yung fiancé ni Louie bat di pumunta? sabi na  eh ikaw talaga kailangan ni Louie para tantanan siya nun"  dagdag naman ni Abby.

"Hahaha tigilan nyo na nga yan. Wala something samin ni Fire."

"Pero kay Louie meron?" Sabat naman ni Rica na nagpamula sakin.
"Hahahaaha huli ka balbon" natatawang dagdag nito kaya sinuklian ko n  lang ito ng irap.

His Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon