Prologo

0 0 0
                                    

"Ang tagal mo naman ate" nakasimangot na sabi ni Clem. She's sophisticated. Parang mas matanda pa sya sa akin kung magsalita eh. Tinignan ko ang wrist watch ko at napa irap na lang sa hangin. Late lang naman ako ng 2 minutes and 5 seconds pero kung maka react sya ay para bang naghintay sya sa akin ng kalahating araw. What a brat!

Ngumuso ako saka inakbayan sya. "Saan mo ba gustong pumunta?"

Nakita ko agad ang pagkislap sa mga mata nya ng sabihin ko yun. Medyo napakagat ako sa aking labi ng maalala ko ang sinabi ko. Ang lakas ng loob kong magtanong ha?
I sighed. I can give her what she wants. She can get it. Kahit ano pa yun. A rich family can get all they wants.

Let me rephrase it. A super mega ultra rich family can get anything. Nanatili ang kumikislap na mga mata ni Clem sa akin. Alam ko na kung ano ang iniisip ng batang ito ngayon. Mas gusto ko nalang tuloy maging bunso..

"I want to visit dad, ate" I am wrong this time. Ang nasa isip ko kanina ay magyayaya sya sa aking pumunta sa parke. Mali pala ako.

Hindi naman sa galit ako sa daddy namin, ngunit pag naririnig ko sya ay naiisip ko agad ang salitang 'mayaman'
Mayaman na kayang ibigay ang lahat ng aming gusto. Mayaman na kayang bumuo ng malaking emperyo.
Mayaman na kayang alipinin kahit pa pulitiko.
Mayaman na masasabing perpekto.

Yes, he's perfect from the eyes of all people. Galante na may magandang pangalan. And I am not glad to be her daughter. Why? Simple lang, dahil hindi ko gusto ang buhay na ganito.

"Ate please.." natauhan lang ako ng marinig ko ulit ang boses ni Clem. Huminga ako ng malalim. Kailangan ko atang pakapalin ang mukha ko ngayon. Ewan ko ba pero hindi ko talaga tanggap na isa ako sa mga anak nya. "Please ate, gusto kong makita si dad. Sabi nya, we can visit him all the time. Baka meron na naman syang doll na binili for me"

Tango lang ang sinagot ko kay Clem. Ang ayoko sa lahat ay ang makita ang malungkot na mukha ng kapatid ko. This makes her happy so, I'll do it. For her.

Palabas na kami ni Clem ng makita namin ang nakasimangot na mukha ni kuya. Nilalaro pa nya ang Susi ng kotse nya. Mukha atang may swerte paring nakabuntot sa akin. Naniniwala talaga ako na may anghel paring nakapaligid sa akin.

"Where are you going? Hindi nyo ba ako isasama? Kuya's hurt, Clem. Sa tingin ko talaga hindi nyo ako mahal"

Umiiling nalang ako sa mga pinagsasabi ni kuya. "Your overacting kuya. What a shame!"

Agarang napatingin sa akin si kuya. Mukhang nainsulto ata ang ego nya. Natapakan ko ang pagkalalaki nya. Yes, achievement! "Iniinsulto mo ba ako Baby sis?"

"What did you say kuya?"

"Iniinsulto mo ba ako baby sis?" He smirked.

At talagang inulit pa nya. Anlakas naman ng loob ng lalaking ito.

"Aish! Ano bang problema mo kuya? Nakakainis ka talaga. Pero palalampasin ko Ito for Clem. Samahan mo siya kay dad ngayon. I'm busy"

Tatalikod na sana ako ng magsalita ulit sya.

"Ikaw ang gusto nyang sumama sa kanya Saf" may pagtango pang sabi nya.

Tumingin ako kay Clem na nakatingin rin pala sa akin. Malungkot ang mga mata nya. And I know that I hurt her feelings. Again. Because of one reason and one person. That is, our father. Our father who gives us life.

I know my mistakes. I'm wrong for not taking our father's love for us. Aaminin ko sa sarili ko na, mabait sa amin si dad. Especially for me. Nagbuntong hininga ako at lumuhod kay Clem.

"I'm sorry baby. I know marami na akong kasalanan sayo. Especially when it comes to our father. Hindi mo man masyadong maintindihan ngayon, someday you can understand me too. Ate loves you baby. You know that right?"

Tumango sya at pinipigilan ang luha sa mga mata. Our baby deserves to be loved whole heartedly. She doesn't deserve a trash family. A trash surname. A trash money to be happy. Hindi mo naman talaga masasabing masaya ang buhay mo kapag marami ka ng pera, ang totoong kasiyahan ay ang tahimik at masayang pamilya.

Kuya is staring at me with his cold eyes. Ngayon ko lang napansin ang magandang outfit ni kuya. Kanina pa namin sya kausap ni Clem pero ngayon ko lang na appreciate ang damit nya. He's wearing a blue long sleeve polo. Nakatupi pa ito hanggang siko nya. Partnered with his black belt. Kitang Kita yun dahil naka tuck in sya. He's too formal for a hot doctor.

Tinignan ko ang suot ko. It's a bended dress. Ruffles all over. Bumagay sa maputi kong balat ang kulay dilaw kong dress. Naka headband din ng yellow handkerchief ang mapula kong buhok.
With a Chanel tote bag. And a golden wrist watch na regalo ni mom last month.

While Clem is wearing a pink tube. Nakasuot sya ng pink jacket with Sofia the first design for cover. Nakataas rin ang buhok nya. May panali pa itong pink. Partnered with her mini maong palda. And her pink shoes.

Napangiti nalang ako sa ayos naming magkakapatid. Para kaming aattend ng isang sosyal na party. We're gorgeous.

Nakita ko ang pag taas ng kaliwang kilay ni kuya na para akong tanga para ngumiti ng walang dahilan.
Si Clem naman ay may inosenteng mga mata na kumikilatis sa akin.

Kung sana ay normal lang ang buhay namin pero hindi eh.

We are meant to be a pawn in chess.
We are meant to be a knight in crowded palace.
We are meant to be a soldier in a narrow place.

Nakatadhana kaming lumaban. Lumaban sa digmaang sarili lang din namin ang kaaway.

An empire with three families.

An empire with seven warriors.

An empire with three Queens.

And an empire with one king.

A three families with its own law.

My family..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Three Families In my Way(Mind blowing Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon