Hi! This story is based from my true to life story.
Ako nga pala si Arian. Masiyahing babae na tapat mag mahal... :)
"Mag tiwala ka" Yan na lang lagi kong naririnig sa mga taong pinag kakatiwalaan ko pero sa bandang huli, sila din pala ang mag sasayang o sisira ng "TIWALA" na sinasabi nila.
Ang hirap na mag tiwala ngayon no? Hindi mo na alam kung sino pa ba ang totoo, nag papanggap, o nanlilinlang. Minsan sa una akala mo okay na lahat, minsan sa sobrang kampante mo sa isang taong yun, nakakalimutan mo na na lahat ng tao pwede paring mag loko... ang sakit. Lalo na kapag yung taong pinaka pinag kakatiwalaan at pinaka minamahal mo eh yun pa yung taong makakasira ng pag katao mo...
"Hoy Elijah! Kilala mo ba to? *fb profile link* mutual friend eh." Si Elijah, boyfriend ng bestfriend ko na matalik ko na ring kaibigan. Binigay ko sa kanya link ng crush ko. Actually, happy crush ko lang yun kase di ko naman siya na meet personally. As in sa FB ko lang talaga nakita. So hindi ko ineexpect na makikilala ko siya or what. Ang dami kong narinig about dun sa happy crush ko. Hmmm, tawagin na lang natin siya sa name na "Jeffrey".
Mga naririnig ko kay Jeffrey puro negative things like, "Babaero yan!" "Gago yan!" "Wag yan, seryoso! Masasaktan ka lang diyan" Pero ako binaliwala ko lang yun kase alam ko naman na di kame mag kakakilala personally...
May 25, 2012: "Jeffrey liked 3 of your photos" // "Omg!! He liked my photo!! I-like ko din ba photo niya?!" Nag panic ako nun ng sobra tapos siyempre kinilig din. Hahaha! Nag PM ako sa kanya nun sa FB, para-paraan...
Me: Hey! Thanks for liking my pictures :)
Jeffrey: No prob! Pretty eh ;)
Me: Ay haha hindi naman :))
Jeffrey: Pa humble pa! Kilala mo pala sila Elijah, Gab? Taga Westfield ka, diba? :)
*nag usap kame thru offline messages but saglit lang*
Nung sinabi niya na pretty ako, ang saya ko na nun :">
Then one night, May 28, 2012. I was talking to my friend about him. Tapos biglang may nag text saken...
"Hey :)" pero number lang. Nag reply ako, "Who's this?". Medyo natagal ako sa reply niya... after 3 mins? May nag reply na!! "Jeffrey :)" SHET!! Sinong Jeffrey to?! Kinakabahan na ako nun ng sobra then nag tanong ako kung sinong Jeffrey? Jeffrey Miguel daw!! :"> Tinanong ko siya kung kanino niya nakuha number ko. Kay Gab daw. Si Gab yung ex ko na tropa ko na ngayon. Umabot kame ng 1 year nun! Haha share lang :p
Nag tataka ako nun kung baket kinuha ni Jeffrey number ko kay Gab. Pero okay lang atleast mag kausap kame. Hahaha! Nag uusap na kame 24/7, gabi gabi na kameng magkausap sa phone...
Nakalimutan ko na yung sinabi ng mga tao na gago siya... Nakausap ko yung ka schoolmate niya na friend ko din. "May girlfriend yan ngayon ah?" Bumagsak puso ko nun... mangiyak-ngiyak na ako pero wala akong magagawa kase sino lang ba ako, diba? Tinanong ko siya kung may girlfriend ba siya? Sabi niya, "Wala akong girlfriend. I-prove ko talaga sayo na wala akong girlfriend, ok?" Hindi ko na alam gagawin ko nun. Hanggang sa nag status siya sa FB nang... "Hi Babe! Ilang beses ko ba sasabihin sayo na wala akong girlfriend? Arian Nicole" tinag niya pa ako nun...
Tinanong ko yung friend niya. Wala pala talagang girlfriend. Ang saya ko nun :"> Tapos tinawag niya pa akong "babe" ang saya lang!! Sobra.
Mga ilang days pa, niyaya niya na akong lumabas. Manuod daw kami ng sine. Siyempre ako, um-oo na! Pero di ako pinayagan lumabas nun kase flight na namin the day after. Pupunta kase kaming Brunei, vacation lang. Na lungkot ako nun kase gusto na namin makita isa't isa tapos 2 weeks akong wala sa Pinas eh pasukan na nila...
BINABASA MO ANG
Mag tiwala daw ako sabi niya
RomanceHappy reading! This is true to life & this is my first story :-) Follow me on Twitter: @HeyHottieee ♥