Chapter 2

17 1 0
                                    

Yuri's Pov

Monday na, at halos hindi ko maibangon yung sarili ko kahit na nakabihis na ako, dahil sa naranasan ko sa loob ng dalawang araw na nagdaan. *Ang tanga mo naman kasi Yuri, bakit kinomment mo pa yun!!* *Oo na, self naman eh!!* 

"Yuri!! Hinihintay ka na ni Hyewon!!" napabuntong hininga nalang ako at napapikit *Andiyan na naman siya!!*

Marahan akong tumayo at lumabas ng kwarto ko, isang minuto ata ang tinatagal ko bago ihakbang yung paa ko sa susunod na baitang ng hagdanan namin.

"Mom, ayokong pumasok." tumingin sa'kin si mom.

"Nakabihis ka na, papasok ka na lang anu bang problema dun? Tsaka si Hyewon naghihintay na sa labas, nakakahiya naman kung papaalisin ko siya diba?"

"Yun mom, paalisin mo muna siya tapos aalis na rin ako." napakunot ang noo niya. 

"Ewan ko ba sayong bata ka." lumabas siya ulit ng bahay, sumilip naman ako sa bintana namin.

Kumunot pa yung noo ni Hyewon bago tumango at nagbow kay mom. *Hays salamat!*  Nang makapasok na si mom sa bahay agad ko siyang niyakap.

"Thank you so much mom." tumakbo na ako palabas. 

*At least, sa school nalang ako haharap sa kalbaryo! Kung meron man!! Ang galing mo talaga Yuri!*

"Tss? may sakit pero kung makangiti wagas?" napatingin ako sa kaniya at sa ginagawa niya *Sinasarado lang naman niya yung gate nila, huwag kayong anu!* "Alam kong gwapo ako." agad naman akong napa-iling *Hindi dahil sa hindi siya gwapo, nagulat lang ako nang magsalita siya ulit.*

"Tss." naglakad na ako ulit,  siya naman sinabayan ako sa paglalakad. 

Tahimik lang kaming dalawa, ewan ko ba dito sa lalaking 'to sa dalawang araw kasi na nagdaan apat hanggang limang beses sa isang araw kung pumunta siya sa bahay tapos wala namang sasabihin tititigan lang ako sa loob ng sampong minuto tapos aalis sa harap ko nang hindi nagpapaalam. *Parang timang diba?*

"Hyewon!" napatingin kami parehas dun sa tumawag kay Hyewon. "Hyewon ba pangalan mo?" napa-iling na lang ako.

"Wala talagang modo, tss." iniwan ko na silang dalawa.

"Wait." hinawakan ako ni Hyewonsa palapulsuhan ko, kaya napaharap ako sakaniya.

"Oh?" 

"Thank you, sa paghatid."

"Whatever." hinila ko yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya. 

Expected ko na 'to, halos lahat ng babae nakatingin sakin tapos nagbubulungan.

"Girl!" ang tining naman ng boses nun. "Ay ayaw mamansin." sinabayan niya ako sa paglalakad. "Ang tapang mong babae ka, good luck. By the way, Kim Chaewon." nilahad niya yung kamay niya.  

"Anu yan? Kailan lang trip mo kami ah."

"Kamay 'to girl anu ka ba, tsaka hindi naman ibig sabihin nito nakikipagkaibigan na ako sayo. Anu 'to ahmmm, welcoming dahil isa ka na ngayon sa mga pagseselosan ng mga babae dito sa school." kinuha niya yung kamay ko para makipagshake hands sakaniya. "Again, good luck. Sana may magligtas sayo, kung sakali." kinindatan niya pa ako bago naglakad palayo. 

"Okay, so anu yun?" bulong ko at tumuloy na sa pagpasok sa classroom namin.

"Yown!!" nagulat ako sa sigaw ni Yujin. *Parang timang.* tumayo siya at lumapit sakin. "Walang gagalaw dito sa boss ko ahh, bata ko 'to." pumunta siya sa likod ko at umarteng minamasahe yung mga balikat ko. "Upo ka na boss." inurong niya yung upuan ko. *Parang timang talaga.* napatingin ako kay Minjoo at umiiling siya.

THE STORIES UNTOLD series (YULYEN I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon