Yuri's Pov
[Kinabukasan]
Palabas na ako nang bahay, pero wala paring Hyewon na nagpapakita sakin. *Napagod na ata kakapunta dito sa bahay.* habang sinasara ko yung gate namin, hindi ko maiwasang mainis *Sabi ko naman sayo, huwag kang umasa sa lalaking yun.* naglakad na ako. *Dapat na ba akong umasa ngayon?* nakita ko siya na nakasalampak sa bangketa habang nakatingin sa lupa, binibilang ata yung buhangin at nakabukaka pa. *So anu self? Aasa na ba ako, o kalma parin?* *Syempre dapat kalma parin!* sagot ko sa sarili ko.
"Akala ko bukas ka pa lalabas ng bahay niyo." tumayo siya at pinagpag yung kamay tsaka pantalon niya.
"Mukhang maganda ang gising mo at hindi ka nage-english ngayon." ngumiti siya.
"I'm tryi-I mean-arg, sinusubukan ko lang na sanayin yung sarili ko." hindi ko naman maiwasang matawa. "Huwag mo nga akong tawanan, tara na baka mahuli tayo." napa-iling nalang ako.
Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang tignan siya.
"Bakit?" tanong niya.
"Pinagt'tripan mo ako nuh?"
"Huh?"
"Hindi mo naman magagawang hintayin ako kung hindi diba." tumawa siya.
"Gusto ko lang patunayan na hindi ako babaero, tsaka gusto kong malaman kung kulang ka ba sa aruga para sabihan akong babaero." nakangiti siya.
"Hindi ka galit sakin?" tumango siya. "Bakit mo ako pinuntahan sa bahay para titigan lang?" nilipat niya yung bagpack niya sa harapan niya at may kinuha dun.
"Gusto ko kasing malaman kung saan nagkamali yung magulang mo para matawag mo akong babaero, pero sa tingin ko wala naman silang pagkakamali. Sadyang pasmado lang talaga yung kamay at bunganga mo." inabot niya sakit yung isa oslo paper na may portrait ko.
"Omo!" napahinto ako sa paglalakad. "Regalo mo ba 'to sakin?" umiling siya.
"Gusto ko lang ipaalam na maganda ka, kaya iayon mo sa ugali mo."
"Uy, nasasaktan na ako sa mga sinasabi mo ah."
"Tingin mo? Ako hindi nasaktan?" napanguso ako.
"Sorry!" kumapit ako sa braso niya.
"Forgiven."
"Pwede bang mamaya ko nalang kuhain 'to sayo? Baka kasi magusot." tumango siya at binalik yun sa bag niya pati narin yung pagkakasukbit niya sa bagpack na dala niya.
"Hindi ako babaero, okay? May kapatid akong babae, kaya paano ko ma-iisipang mangolekta ng babae? Sadyang lapitin lang😉" medyo kinilig naman ako sa kindat niya. *MEDYO LANG!!*
"Sorry na nga eh, akala ko ba napatawad mo na ako."
"Nasaktan lang talaga ako." tumingin ako sakaniya.
"Okay, anu ba pwede kong gawin para maging okay na talaga tayo."
"Give me your phone number." nilahad niya yung cellphone niya sakin.
"Fine." kinuha ko yun at sinave yung number ko.
"Tatawagan kita kapag kinailangan ko ng tulong ah."
"Whatever."
"Hyewon!!" napabuntong hininga ako at tumingin kay Hyewon.
"Una na ako sa loob." paalam ko.
"Sige." naglakad na ako papasok sa gate nang school.
"Napapadalas yung pagsasabay niyo ah." napatingin ako kay Chaewon.

BINABASA MO ANG
THE STORIES UNTOLD series (YULYEN I)
FanfictionFan-Fiction stories that made by my bored mind Stories was already published in a social media page (June 5, 2020-June 11, 2020) What was written on that page will be same as what I'm going to write here. (Just the edited for some scenario and typos...