Yuri's Pov
Maaga akong nagising pero hindi ibig sabihin nun maganda ang gising ko, paano ba naman kasi hindi ko alam kung bakit nasama pa si Yena sa choices kung bakit ako malungkot kahapon. Napanaginipan ko pa tuloy siya, lalo na yung nguso niya na parang bibe!
"ARGHHH!!"
Wala pa akong kasama ngayon mag-agahan, nagkaroon siguro ng emergency sa hospital si mom kaya wala siya nang magising ako.
"Hyewon-ah?" bulong bago tumingin sa bintana para tignan kung nandun na si Hyewon, pero wala pa siya o hindi talaga siya pupunta.
Naglakad na ako palabas, habang sinasara ko yung gate namin napatingin sa direksyon kung nasaan yung bahay nila Hyewon. *Baka hindi niya talaga ako sasabayan, hayaan na nga.*
Naglakad na ako, nag-aalangan pa akong tumuloy sa paglalakad pero umiling ako *Bakit ba iniisip ko yung lalaking yun?!* halos matumba naman ako sa gulat nung bumukas yung gate nila at lumabas siyang inaayos yung necktie niya. Basang basa pa yung buhok niya tapos hindi pa nakaayos, kitang kita ko yung pagtulo nung tubig mula sa buhok niya.
"Ayos ka lang?" tumango siya sa tanong ko.
"Ayaw kasing gumising ni Minami, napuyat daw siya kakahintay sakin kagabi. Walang magdadry nang buhok ko, hindi ko alam kung paano gumamit ng hair drier." napangiwi ako.
"Ibaba mo yung ulo mo." sinunod naman niya ako, pinatuyo ko yung buhok niya gamit yung kamay ko.
"Matagal pa ba?"
"Sandali, kita mong kamay ko lang yung gamit ko diba?" bumaba pa siya nang konti para ilagay sa magkabilang tuhod niya yung mga kamay niya.
"Baby shark dud du dudu du, baby shark dud du dudu du baby shark." pagkanta niya at bahagya pa siyang sumasayaw.
"Hahahahahaha, Hyewon-ah?"
"Wae? Ang cute kaya nung kantang yun." tinuloy niya yung pagkanta at pagsayaw.
"Ayan pwede na yan." umayos siya nang tayo, kinuha ko yung suklay sa bag ko. "Baba ka nga ulit nang konti." sinuklay ko yung buhok niya.
"Naks, so what's the deal with you two?" napatingin kami ni Hyewon sa nagsalita.
"Chaewon? anu ginagawa niyo dito?" si Hyewon.
"Gigisingin ka sana namin, alam mo na lasing na lasing ka kagabi." lumapit sakin si Chaewon. "Pero mukhang may gumawa na nun." inakbayan niya ako. "Tara pasok na tayo." di ko alam kung anu nasinghot ni Chaewon, basta ayokong masubukan yun.
Nauna na kaming maglakad, napansin ko yung mga kaibigan ni Hyewon *Kumpleto pala sila.*
"Manhid ka ba?" napatingin ako kay Chaewon. "Hindi ka siguro malakas makaramdam." napalunok ako.
"Wala naman akong gusto sakaniya, kung gusto mo siya edi sayo na." natawa siya.
"Hindi yun ang punto ko, wala ka bang napapansin na nagseselos sa iniyo ni Hyewon?"
"Bukod sa mga babae sa school at kay Hitomi, wala naman." napakamot siya sa ulo niya.
"Sa aming magkakaibigan?"
"Ikaw?" umiling siya. "Si Wonyoung?" umiling siya ulit. "Imposibleng si Yujin?" natawa siya.
"Look for yourself." inikot niya ako paharap sa mga nasa likod namin.
"Si Kkura?" bahagya niya akong binatukan.
"Manhid ka nga, tara na nga." inakbayan niya ulit ako at naglakad na sa direksyon na tinutungo namin kanina.
BINABASA MO ANG
THE STORIES UNTOLD series (YULYEN I)
FanfictionFan-Fiction stories that made by my bored mind Stories was already published in a social media page (June 5, 2020-June 11, 2020) What was written on that page will be same as what I'm going to write here. (Just the edited for some scenario and typos...