"Wow, nagsasalita ka na ng English?!"
Nanlalaki ang mga matang napatingin ito sa 'kin. Sa totoo lang, marunong naman talaga akong mag-English. Hindi lang ako sanay. Nasanay lang naman ako kay Soleil kaya nakakapag-English ako.
"The audacity, Ms. Fujimoto." Napairap ako.
"You two, why are you still chatting here? Go to your rooms!"
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot ang isang Prof. sa likod namin. Napatakbo tuloy ako papasok sa room na pupuntahan ko. Buti wala pang Prof. roon.
Nagpatuloy lang ang mga klase. Umuwi ako sa bahay agad dahil wala naman kaming pupuntahan nila Sol. Ganoon din ang tropa.
Kumain na lang ako ng tahimik. Alangan namang magsalita ako? Baliw lang, bes?
Nahihirapan akong mag-adjust dahil hindi ako sanay na wala sa paligid ko si Mama kahit na isang oras lang. Kung si Papa, sanay na ako. Taon-taon siyang nasa ibang bansa para magtrabaho. Pero si Mama? Hindi ko maiwasang mag-alala sa kaniya.
"Hay!" Napailing ako.
Tumayo na ako at nag-half bath. Nagbihis na rin ako agad. Kinuha ko ang hoodie ko at isinuot iyon dahil malamig sa labas. Pupuntahan ko si Mama. Hindi ko matiis.
"Tangina, ang tanga naman." Napamura na lang ako. Napasapo ako sa sarili kong noo.
Hindi ko nga pala mapupuntahan si Mama dahil nasa trabaho siya kapag gabi. Naiiling akong bumalik sa tapat ng cabinet at tinanggal ang hoodie ko.
Halos mapatalon ako sa tuwa nang may kumatok sa pintuan ko. Mabilis akong pumunta sa pinto para buksan iyon. Si Mama!
"Hi! Oh-"
Pareho kaming natigilan nang buksan ko ang pinto. Nawala ang ngiti sa labi ko dahil iba pala ang inaasahan ko. Si Sol pala ang kumatok at hindi si Mama.
"You look excited earlier," kuryosong sabi nito. "And now... You just looked lonely. Why is that?"
"Wala!" Mabilis akong nag-deny. "T-teka, bakit ka nandito?" tanong ko naman.
"Well... I just felt bored on my condo so, I went here." Nagkibit-balikat siya. "Puwedeng pumasok?" sarkastikong tanong nito.
"Oo," sagot ko at umalis sa tapat ng pinto para makapasok siya.
"So, what's with that face earlier?" tanong niya ulit.
"Ang kulit mo. Wala 'yon," sabi ko na lang. Umupo ako sa couch at ganoon din si Sol.
"Sinong niloloko mo, huh? Mukha ka kayang bata na hindi binilihan ng lollipop kanina!" Mahigpit niyang niyakap ang leeg ko.
"Oo na, oo na! Bitaw! Sasabihin ko na!" Bumitaw naman siya gaya ng sabi ko. Irita akong nag-iwas ng tingin. "Miss ko na si Mama."
"Oh," sabi niya. Hindi ko nakita ang reaksyon niya dahil nakaiwas nga ako ng tingin. "Caless and her soft side."
Masama ko siyang tinignan. "Ano nang gagawin natin ngayon? Masyadong boring dito," tanong ko.
"Movie marathon?"
"Sige. Kung may makikita kang TV ngayon, manonood tayo." Natawa ako nang luminga-linga siya sa paligid. Wala naman akong TV dito kaya paano kami manonood?
"Sabi ko nga. And uhm, by the way, what if I sleep here?" inosenteng tanong niya.
I blinked twice. "Huh?"
"C'mon, Caless! We both feel lonely tonight. Let me just sleep in here." Mahigpit siyang yumakap sa braso ko.
"Bakit hindi ka na lang matulog sa unit ni Charles?" tanong ko.
YOU ARE READING
The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )
De TodoCaless always look at love like a distraction. But who would have thought that one of the summer days, she fell? Yes, and sadly, badly, unluckily... She felt for someone she never thought she would. It was supposed to be a summer vacation. But inste...