03.

521 25 3
                                    

"Caless! Nag-breakfast ka na? Sabay ka sa 'min!"

Napangiti ako nang si Soleil ang bumungad sa 'kin. Naglalakad pa lang ako papasok ng building namin ay hinarang niya ako agad. Nawala ang ngiti ko nang makita ko si Charles sa likod niya. Ngumiti ito sa akin kaya tinanguan ko na lang.

"Okay lang. Kumain ako sa bahay." I lied. Ayo'ko lang talagang sumama sa kanila. Pinakaayaw ko sa lahat ang ginagawa akong third wheel.

Napapikit ako ng mariin nang kumalam ang sikmura ko. Halata bang gutom ako?!

"I think not," natatawang sabi ni Sol habang nakatingin sa tiyan ko. "Let's go!"

Hinila niya ang palapulsuhan ko at iniwan ang boyfriend niya roon. Patakbo pa siya maglakad. Buti na lang nakahabol iyong boyfriend niya.

Akala ko no'ng una, mabo-bore ako kasama sila. Akala ko nga gagawin akong third wheel, e. Pero ang gaan nila kasama. Lalo na si Sol. Parang si Charles pa nga ang ginawa naming third wheel, e.

"You surely have a lot of friends," sabi ko kay Sol. Englishera siya kaya dapat maki-sabay ako! Englisher na rin ba ako no'n?

"Not that lot. But I got some. Diany and Krisel. And you! Ipapakilala kita kila Diany bukas. I'm sure you'll like them. They're nice!" Mahabang sabi nito.

Ngumiti na lang ako at tumango. Bestfriends letting me meet their bestfriends and bestfriends. Lalawak na ba ang circle of friends ko nito?

Tomorrow is Saturday sa there will be no classes. Mabuti pala't sinabi ni Sol na ipapakilala niya ako sa mga kaibigan niya. Baka ma-bore ako sa bahay, e.

To: Soleil

san tayo today?

Ako na ang nag-tanong dahil baka nakalimutan niya na ang sinabi niya kahapon.

From: Soleil

I guess, we'll go to a café near our dorm. I'll text you the address.

Hinintay ko na lang ang susunod niyang text. 3 pm pa naman ang call time kaya hindi ako nag-prepare agad. Hindi naman talaga ako excited na makilala ang mga kaibigan niya. Ang akin lang, napaka-boring sa bahay at gusto kong gumala.

Ito ang ayo'ko sa bestfriends, e. Ginaganahan akong gumala. Kaya nga ayo'kong magka-boyfriend, e. Distraction. Tapos ito ngayon, bestfriends.

Sa aming magt-tropa, ayos lang sa akin. Hindi kami masyadong naggagala dahil busy rin sila. Minsan lumalabas kami pero para lang magsaya ng ilang oras tapos wala na. Lalabas kami para pumunta lang din sa bahay o condo, minsan para mag-aral.

"Late ka ulit papasok?" tanong ko kay Mama na nakaupo sa desk niya at nagt-type sa laptop niya.

"Nagpalit lang ng schedule. For night shift na ako," sagot nito nang hindi ako tinitignan. Tumango na lang ako at pumunta na sa mesa para maghanap ng pagkain. "Mag-dorm ka na lang kaya?"

Napalingon ako dahil sa sinabi nito. Kumunot ang noo ko. Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa kanin na sinasandok ko.

"Para saan pa? May bahay naman tayo. Saka kung magd-dorm ako, sinong maiiwan dito? Ikaw? Luh, asa ka."

May halong kapilyuhan ang sagot ko pero nag-aalala lang naman ako sa kaniya. Natural na ganiyan kami mag-usap. Ayaw niya kasi na masyadong pormal ang pakikitungo sa kaniya, nagmumukha raw siyang matanda.

"Iyon na nga. Kung night shift ako, sinong maiiwan dito kapag gabi? Ikaw lang? Luh, asa ka rin," seryosong sabi nito.

Alam kong nag-aalala rin siya dahil mag-isa lang ako rito. Pero sanay naman na akong mag-isa. Noong hindi pa siya night shift, lagi rin naman siyang nag-oovertime sa trabaho kaya gabi na rin siya umuuwi. Ang kaibahan ngayon, buong gabi siyang wala.

"Ayo'kong mag-dorm, Ma." Pumunta ako sa mesa hawak ang plato na may lamang pagkain. "Mas okay na akong mag-isa."

"Condo?" Nilingon niya ako.

"Sure ka, Ma? Mag-isa ka na lang dito," sabi ko. Gusto kong um-oo na lang pero nag-aalinlangan ako.

"Oo naman. Baka tanghali na rin naman akong makauwi. Tapos kapag umuwi ako, may trabaho pa rin naman akong gagawin o kaya matutulog lang ako. Tapos aalis na ako ng gabi. 'Wag mong problemahin 'yong seguridad ko, mas kaya ko ang sarili ko kumpara sa 'yo. Isa pa, maliwanag naman kapag nag-stay ako rito. May mga taong tutulong sa 'kin kung may mangyari man. 'Wag mo ring problemahin 'yong mga gawaing-bahay-"

"Ba't ko p-problemahin 'yong gawaing-bahay? Iyon nga ang tinatakasan ko rito, e." Natawa ako sa sarili kong biro.

"Magc-condo ka, ah? Hahanapan na kita ng unit," sabi nito kaya hindi na ako tumanggi.

Noong hapon ay nakipag-kita ako kila Sol. Masaya ngang kasama sila Diany. Pero mahiyain masyado si Krisel.

Pinalipat naman ako ni Mama sa condo. Hindi ganoon karami ang mga gamit ko kaya isang beses lang kami bumalik sa bahay para kumuha ng gamit. Tinulungan na rin ako ni Mama na mag-lipat at mag-ayos ng gamit sa unit ko kaya hindi ako nahirapan. Kaso narito pa rin iyong pag-aalala ko kay Mama. Sana maging maayos siya. Okay, masyado na akong ma-drama. Tama na.

"Ma, kumain ka na?" tanong ko kay Mama. Tinawagan ko kasi. Lunch time na, baka hindi pa siya kumakain.

[Hindi pa. Kakagising ko lang.] sagot nito. Halata nga sa boses niya.

"Punta ako,"

[Luh. Anong silbi ng condo unit mo kung pupunta ka rin dito lagi?] iritang tanong ni Mama.

"Bakit mo pa kasi ako pinalipat?" tanong ko pabalik.

At sa gitna ng pakikipagtalo ko kay Mama, biglang sumingit si Charles. "Hinahanap ka ni Sol."

[Hoy, sino 'yon? Boyfriend mo?! Hala, anak! Dalaga ka na! Ipakilala mo sa 'kin, ah!] Rinig ko ang excitement sa boses ni Mama.

Natawa na lang ako. "Boyfriend ni Sol 'yon, Ma."

[Psh! Akala ko naman boyfriend mo na! Siya, sige, kakain muna ako.]

Nakahinga ako ng maayos ibaba ko ang tawag. Lumingon ako sa likod at nakita si Sol.

"Oy, hanap mo raw ako? Miss mo na ako agad?" natatawang sabi ko.

Batok agad ang inabot ko. "Kapal naman ng mukha mo!" sabi nito kaya lalo akong natawa.

"Sabi ng jowa mo, hinahanap mo ako?" tanong ko.

"Opo, Madam Caless. Naiwan mo po kasi 'yong wallet mo. Burara ka po," sagot nito sabay abot ng wallet sa akin.

Kinuha ko na ang wallet ko. Nang makuha ko ito ay mabilis kong inihampas iyon sa kaniya. "Sinong burara, huh?!"

"Ikaw!" sagot nito.

Tumakbo na siya agad para hindi ko siya abutan. Tatakbo rin sana ako para habulin siya pero biglang nag-bell kaya bumalik na lang ako sa building.

"Yosh! Saang floor ka?" tanong ko nang makita ko si Yoshi na tahimik na naglalakad papunta sa hagdan.

"Second lang," sagot nito.

"Ah, same! Tara!"

Tumakbo ako palapit sa kaniya para sabay kaming maglakad. Ang tahimik niya kaya walang nagsasalita sa 'min habang paakyat kami. Magsasalita na sana ako kaso bigla siyang nagsalita.

"Nagiging close kayo ni Sol, ah? Baka ipag-palit mo na kami niyan."

Natawa ako sa sinabi niya. "Abnormal. Syempre, tropa pa rin tayo."

"Bilis niyo maging close, ah? She surely is a lovely girl." Komento niya.

"She is."

ISSEE_DARLING :)

The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )Where stories live. Discover now