Chapter 35: Ex-Boyfriend

64 2 0
                                    

Chapter 35: Ex-Boyfriend

August 29, 2020

Shaine's POV

Mag-iisang linggo na ako dito sa Pilipinas ngunit wala pa rin akong mahanap na impormasyon tungkol kay Dia, nalalapit na ang ika 25 na taon at hanggang ngayon wala pa ring nakaupo sa trono sa darating na Sabado.

Mapupunta lang ba sa wala ang mga ginawa namin upang hindi mapasakamay ng Swisly ang trono? Bakit pa kasi nasa batas ang tungkol sa trono? Sa dinami dami ng bilang ng taon, bakit 25 years pa? Napasapo ako sa aking noo habang sinasambit ang mga iyon sa akin isipan.

Nakababa na ako sa ground floor ng Swisly Corp. matapos makapulong ang mga taong pwedeng tumulong sa akin, wala kasi akong mapapala kapag paulit ulit kong pipilitin sina Nico na tumulong sa akin. Alam kong pinagbawalan sila ni Tita Vel, ngunit hindi niya ako kayang pigilan dahil hindi niya hawak ang Cratemia.
Gayundin ang girlfriend ko na si June.

"Excuse me Miss Garett, may naghahanap po sa inyo."

Napatingin ako sa bandang likuran ng body guard ko. Dalawang lalaki ang naglalakad papalapit sa kinaroroonan ko, ang isa ay nakangiti habang ay isa naman ay seryoso.

"Miss Garett right?" Napakunot ang noo ko ng marinig ang boses ng lalaking iyon nang makalapit sa akin.

Sino naman 'to?

Maya maya pa ay lumapit siya sa akin.

"Alam ko kung nasaan ang Prinsesa." Nanlaki ang mata ko ng ibulong niya sa akin iyon.

"Who are you?"

"Oh I'm sorry about that. I'm Mariel Balyx Fernando, and you are Lady Carson Shaine Garett right?" Mariel?

"Zx pwede ka ng bumalik sa kotse, kakausapin ko lang 'tong bisita ko."

"Masusunod po Miss."

Pagkuway ay umupo na ako sa sofa dito sa lobby, gayundin ang lalaking iyon. Teka babae ba siya o lalaki?

"Don't worry hindi ako rapist, tsaka babae ako haha." May nakakatawa ba sa sinabi niya? Ang weird niya, pero maganda siya na guwapo.

"Parang kilala kita."

"Yeah you're right, ako 'yung kasama ni Dia sa Amanpulo that night." Ano daw? Pero bakit mas umiksi ang buhok niya kumpara dati?

"Alam kong natatandaan mo pa rin ako, ang kaso mas maiksi na ang buhok ko ngayon kumpara noong panahong iyon."

"Ang sabi mo kanina alam mo kung nasaan si Dia?"

"Yes."

"Paano ako makakasiguro na hindi ito scam? Stalker ka ba? Kanino mo nalaman na hinahanap ko si Dia? Bakit alam mo ang tungkol sa bagay na ito? At bakit ngayon ka lang lumapit sa akin?"

"Wait, hinay hinay lang mahina ang kalaban." Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang mga sinasabi niya.

"Here is my evidence, para hindi na ako mahirapan magpaliwanag sa'yo." Isang litrato ang pinakita niya sa akin. Paano naging ebidensya itong litrato na tinutukoy niya?

"Okay fine, ipapaliwanag ko na lang."

Kanina pa ako nawiwindang, nababasa niya ba ang iniisip ko?

"Obvious sa reaksyon ng mukha mo, tsaka hindi ako salamangkero para mabasa ang iniisip mo, kaya huwag kang kumunot noo diyan." Bigla niyang hinawakan ang noo ko kaya dahilan para magulat ako.

Unexpected RoyalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon