Chapter 10

13 1 0
                                    

Yena's Pov

[KINABUKASAN]

Nakatingin ako sa bintana nang biglang may dumungaw dun, batang babae na sa tansya ko nasa lima o anim na taong gulang. Lumabas ako nang bahay ay pinuntahan siya.

"Anong ginagawa mo diyan?" mas lumapit pa ako sakaniya.

"May sulat na pinapabigay yung pinagtatrabahuhan niyo." napakunot yung noo ko.

"Ikaw nagdala nito?" umiling siya.

"Naglalaro kasi ako diyan sa labasan, akala ata nung naghahatid nang sulat dito ako nakatira. Ang sabi kasi niya i-abot ko daw sa tatay ko, eh wala naman akong tatay." kinuha ko yung sobreng hawak niya.

*Anong trip nang mga magulang ko?* napakamot ako sa ulo ko.

"Kumain ka na ba?" umiling yung bata. "Sumunod ka." pumasok na ako sa bahay at pumunta sa hapagkainan. "Yunjin?! Sinabi mo ba kela mom na nagtatrabaho ako?" hinain na niya yung mga niluto niya.

"Anong tingin mo sakin? Sumbungero? Bakit ko naman sasabihin sakanila kung diyan ka sasaya? Kung diyan mo makakalimuta yung babaeng nanloko sayo." umupo na siya. "Tsaka wala naman ako nakikitang dahilan para isumbong ka sakanila." tumingin siya sa batang kasama ko. "Kaninong anak yan?"

"Nakita ko lang diyan sa labas, kumain ka na." agad naman siyang umupo sa pwesto ko. "Dun ka sa tabi nung lalaking yun." napa-irap siya at lumipat sa tabi ni Yunjin.

"Paano yan hyung? Wala ka nang trabaho, gagamitin na ba natin yung mga pera na binigay ng mga magulang mo?" umiling ako.

"Hindi ko kailangan yung mga yun." sinimulan ko nang kumain.

"Anong pangalan mo bata?" tanong ni Yunjin dun sa bata.

"Yuri po." halos ma-ibuga ko naman yung laman ng bibig ko, kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig.

"Ang panget naman ng pangalan mo." sambit ko.

"Mas panget ka." sagot niya.

"Hyung wala ka bang balak mag-shave at magpagupit ng buhok? Isang taon na 'yang buhok mo nung huling pagupit mo diba?"

"Nakakatamad kasi." natawa siya.

"Sama ka sakin mamaya, pagupit tayo." tumango nalang ako.

Pagkatapos naming kumain ako na yung naghugas nang mga pinagkainan namin, nagkasundo naman yung dalawa dahil sa ACE ONE, napatingin ako sa bintanang kaharap ko. *Miss ko na sila Yujin.* 

Wala maski isa sa mga kaibigan ko ang nakakaalam na nandito ako sa Busan, ang sabi ko kela mom kung sakaling hanapin nila ako sabihin na nasa ibang bansa at nag-aaral. Ayoko sanang gawin yun, pero kung meron kasi kahit isa lang sakanila ang makaalam paniguradong ipapaalam niya kay Yuri. Ayokong mangyari yun lalo na  hanggang ngayon sariwa parin sa alaala ko yung mga napanuod at narinig ko, ang sakit-sobrang sakit parin hanggang ngayon.

[FLASHBACK]

Masaya akong naghihintay nang bus, nakasuot pa ako ng uniform pang sundalo, ngayon kasi ang araw na nadischarge ako. Alam nila mom na ngayon ako madidischarge pero ang sabi ko huwag na nila akong sunduin, dahil namiss ko ang pagsakay nang bus. Nang dumating na yung bus na sasakyan ko nakangiti akong sumakay nang bus.

"Welcome home." yan ang sabi ng driver sakin, hindi ko siya kilala pero dahil siguro sa suot ko ay alam niyang ngayon lang ako ulit makakauwi ng bahay.

Hindi maalis yung ngiti ko habang nakaupo lalo na at nasa palabas sa t.v. sila Yuri. *Proud ako sakanila lalo na sakaniya syempre, nang ibalita ni mom sakin na nagdebut sila bilang girl group tuwang tuwa ako dahil sa wakas natupad na yung pangarap niya-nila.* napa-iling ako at tinuon ang atensyon ko sa t.v. si Minjoo na yung iniinterview.

THE STORIES UNTOLD series (YULYEN I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon