Yena's Pov
Mahigit dalawang linggo na yung lumilipas mula nung unang magkita kami ulit ni Yuri, sa ilang araw na lumipas nasa loob lang ako nang kwarto ko at tanging si Yunjin at Yuri-yung anak ni hyung lang ang nakakapasok sa kwarto ko. Ayokong makita sila mom hindi dahil sa galit ako kundi dahil nahihiya at natatakot ako sa mga sasabihin nila, lalo na kay mom na siyang nakakita kung gaano ako nabaliw at kung gaano ko kamahal si Yuri. Pero mukhang tama si hyung, hindi pa sapat yung pagmamahal ko kay Yuri kaya ganun ko nalang sinuko ang lahat. Natatakot ako kay dad baka hindi na niya ako payagang makita pa si Yuri, lalo na at nagtiwala sila ni tito sakin na hinding hindi ko sasaktan si Yuri.
*Knock**Knock*
"Hindi pa ako gutom!" sigaw ko.
*Knock**Knock*
"Anu ba yun?!" binuksan ko yung pinto *Anak ka nang!* tinulak ba naman ako. "Yujin?" kinuwelyuhan niya ako at isinandal sa dingding *Fvck, I'm dead!*
"Anu? Masaya ka na?" tinitigan niya ako.
"Yujin, nasasakal ako." pilit kong tinatanggal yung kamay niya sa pagkakadakot sa damit ko.
"Yujin tama na, alalahanin mong pareho kayong nagloko." si Sian-hyung.
"Hindi nga ako nagloko." binitawan na ako ni Yujin at tumalon siya sa kama *Anu yun?* *Langya akala ko mapapatay na ako.* inayos ko yung damit ko.
"Anu? Nagkasuntukan ba?" si Hyewon na kakapasok lang at may dala pang pagkain.
"Kung papatulan ni Yujin 'yan." si Felix.
"Anong ginagawa niyo dito?" umupo ako sa swivel chair.
"Gigisingin ka lang sana." si Kkura, tumabi siya kay Yujin.
"Gising na gising ako, ang sakit nga
dito eh." tinuro ko yung dibdib ko, natawa naman sila."Paano pa siya?" si Hyewon.
"Hyung, halos mabaliw yung tao." dugtong ni Yujin.
"Tapos ngayon sinasabihan pa siyang baliw at nagpapatansya dahil hindi naman pala totoo yung boyfriend na sinasabi niya." napabuntong hininga si Sian-hyung.
"Buti nalang yung mga kaschoolmate niyo dati pinagtatanggol siya at sinasabing totoo ka." si Felix.
"Anong patutunguhan nang usapang 'to?" walang ganang tanong ko.
"Sabi ko na sa inyo tulog pa nga 'to." natatawang sabi ni Kkura.
"Magbihis ka na, may pupuntahan tayo." napatingin ako kay hyung na nasa pintuan.
"Makikita ko nanaman si Nako-chan!!" masayang sigaw ni Yunjin at tumakbo sa kwarto niya.
"Anu hindi ka pa kikilos?" si Sian-hyung.
Tumayo na ako at kumuha nang t-shirt na itim at black and red checkered polo at pumasok sa banyo, nagpalit na din ako ng pantalon. Habang nagsusuot naman ako nang sapatos, lumabas na sila nang kwarto ko. Kinuha ko yung susi nang motor ko at mabilis na nagpaalam kay mom and dad, nagulat naman ako dahil lahat sila nakasakay na sa sarili nilang motor pati si Yunjin.
"Anong oras na baka wala tayong maabutan." si Hyewon.
Nilagay ko sa compartment nang motor ko yung pangatlong notebook na sinulatan ni Yuri at sinuot ko sa kanang pulsuhan ko yung bagong bracelet na ginawa ko para Yuri, sumakay na ako sa motor ko at sinuot yung helmet ko. Nakasunod lang ako sakanila dahil hindi ko naman alam kung saan yung venue nila Yuri.
"Kanina pa sila nakaalis." sabi ni Felix nang makarating kami sa venue, nagdial siya sa cellphone niya. "Nasaan na kayo? Sige sige, magsisimula na ba? Sige bye, love you." binulsa na niya yung cellphone niya. "Nasa venue na daw sila ng presscon, preparing palang tara na."
BINABASA MO ANG
THE STORIES UNTOLD series (YULYEN I)
Fiksi PenggemarFan-Fiction stories that made by my bored mind Stories was already published in a social media page (June 5, 2020-June 11, 2020) What was written on that page will be same as what I'm going to write here. (Just the edited for some scenario and typos...