Chapter 13

33 2 0
                                    

-After Two Years-

Third Person's Pov

Mga nagtatawanang tao ang pumupuno sa isang napakalawak na silid, sa oras na 'to nagtipon tipon ang mga kamag-anak, kaibigan at mga taong naging bahagi nang nakaraan ng dalawang taong napakaimportante sa araw na ito. 

"Girl this is it." masayang bati ni Wonyoung sa kaibigan.

"Bagay ba sakin?"

"Oo naman, ako unang sumukat niyan. Pero dahil hindi naman ako yung ikakasal, taga sukat lang talaga ako." sambit ni Chaewon habang inaayos ang damit ng kaibigan.

"Picture daw tayo girls." ani Eunbi na may kasamang babae na may hawak na kamera.

"Hana, dul, set ne." sumenyas ang babae nang isa pa at muling bumilang.

"Sino kaya ang susunod?" sambit ni Hitomi.

"Si Yuri." masayang sabi ni Nako.

"Ako?" nakaturo pa ang huli sa sarili.

"Girl, siya naman talaga yung ikakasal anu ka ba?" umiirap na sabi ni Wonyoung.

"Baka ang ibig sabihin ni Nako, siya na ang una at huling ikakasal." biro ni Chaeyeon.

"Hindi pwede yun!!"

"Ay makareak? May boyfriend ka? May boyfriend?" pang-aasar ni Minjoo sa kaibigang si Chaewon.

"Tama na nga 'yan, sila tito naman ang kakausap sa bride tara na nga." pagpapaalala ni Eunbi sa mga nakababatang kaibigan.

Sa kabilang dako naman ay hindi mapakali ang lalaking magiging kabiyak ni Yuri.

"Hyung baka gusto mong kumalma." ani Yujin dahil kanina pa paikot ikot ang huli sa kwartong kinaroroonan nila ng mga kaibigan niyang lalaki.

"Paano kung umatras siya?" napakamot sa pisnge niya si Yena

"Bro paano naman aatras yun? Ngayon talaga sa mismong kasal niyo?" natatawang sambit ni Hyewon.

"Paniguradong ganiyan din ang mararamdaman natin kapag tayo na ang nasa posisyon niya." pagbibigay nang opinyon ni Sian sa mga nakababatang kaibigan.

"Kung ganun man, Yena pwedeng umupo ka nalang sa upuan mo? Nahihilo na kami sayo." natatawang sambit ni Kkura.

"Mabuti pa iwan na muna natin siya, baka lalo pa siyang kabahan kung nandito tayo." suhwesyon ni Yunjin.

"Mabuti pa nga." isa isa na silang lumabas nang silid.

Ilang minuto nalang at magkikita na sina Yuri at Yena, natahimik naman ang lahat ng bisita nang tumayo na sa pwesto niya si Yena tanda na malapit nang magsimula ang seremonyas ng kasal. Nang bumukas na ang pinto kung saan magmumula si Yuri kasama ang mga magulang niya ay nagtaka naman ang lahat lalo na si Yena nang makitang wala doon si Yuri.

*Anong nangyayari!!* sigaw nang binata sa kaniyang isipan, maglalakad na sana siya nang magtagal nang ilang minuto pero wala parin si Yuri ngunit sinenyasan siya ng ama ng dalaga na maghintay. *Kumalma ka Yena.* huminga nang malalim ang binata at pilit pinapakalma ang sarili.

"Wooaaaaaw." sabay sabay na reaksyon ng mga bisita nang makita ang dalaga na pumasok nang pintuan, nang magsimula nang maglakad ang dalaga kasama ang kaniyang mga magulang hindi na napigilan ni Yena na maluha at maalaala lahat nang alaalang kasama niya si Yuri.

Naalala niya mula nung una niya itong makita sa hallway nang school kung saan sila nag-aral, pero sa kabila nang pagkakabihag niya sa ganda nang dalaga ay naisipan niya parin itong asarin at ipahiya sa klase nila. Yung mga alaalang napapangiti siya sa tuwing nagtatagumpay siyang inisin ang dalaga ngunit sa huli ay makokonsensya at tatanungin ang sarili kung bakit niya nagawa yun. Hanggang sa alaalang makita niya itong sumasayaw habang kumakanta dahil sa pagkakamaling nagawa niya kasama ang kaibigan niyang si Yujin, nakakahiya na nagkamali sila nang kwartong nabuksan pero sa kabilang banda ay natuwa siya dahil nakita niya yung ganoong ugali ng dalaga. Nang maalala naman niya yung mga araw na unti unti na siyang napapalapit sa dalaga ay hindi niya maiwasang mapangiti, napakarami niyang nagawang kalokohan sa dalaga pero hindi ito nagdalawang isip na bigyan siya nang pagkakataong mapalapit sakaniya. Hanggang sa alaalang nakagawa siya ng isang napakalaking desisyon na punong puno nang pagkakamali, pareho niyang pinahirapan yung isa't isa na kung iisipin ay dapat masaya na sila. Alaalang gumising sakaniya sa katotohanan na lahat nang iniisip niya ay walang katotohanan, na lahat nang pinapaniwalaan niya ay pawang kasinungalingan. Higit sa lahat ang alaalang hindi niya magagawang kalimutan, ang alaalang naglalakad ang dalaga papalapit sa kaniya habang may mga luhang pumapatak mula sa kaniyang mga mata. At ang mga alaalang bubuuin nilang magkasama bilang ganap na mag-asawa.

"Umiiyak ka nanaman." nanatawang sambit ni Yuri. "Mas grabe ka pa umiyak, yung luha ko wala nang lumalabas pero ikaw." pinunasan naman niya ang mukha nang binata na punong puno na nang luha.

"Pagdating talaga kay Yuri, napaka-iyakin mo." natatawang saad ng ama ng dalaga.

"Sige na Yena, tanggapin mo na yung kamay ni Yuri baka magbago pa yung isip niyan." sambit naman ng ina nang dalaga.

"Salamat po sa paghatid kay Yuri." marahang tinanggap ni Yena ang kamay ni Yuri mula sa ama nito at isinukbit sa kaniyang kaliwang braso, nagsimula na silang maglakad. "Saan ka galing akala ko umatras ka na?." natawa si Yuri sa tanong ni Yena.

"Kilala mo naman ako, hirap ako sa direksyon lalo na kung bago sakin yung lugar." sabay silang natawa.

"Bago ka rin naman dati sa puso ko pero bakit ang bilis mong nahanap yung lugar mo?" 

"Kasi nga para lang ako sayo, YULYEN lang diba?" pareho silang natawa dahil sa mga binigkas nila.

Hindi naman nagtagal ang seremonyas ng kasal at magbibigay na sila nang mga pangakong dadalhin nila hanggang sa magpantay na ang kanilang mga paa.

"You may now kiss your wife." hindi naman nagtagal ay hinalikan na ni Yena ang kaniyang kabiyak.

Nagpalakpakan ang lahat at ang ilan pa ay nagbahagi nang kanilang pagbati sa bagong mag-asawa mula sa kanilang kinaroroonan.

ACE ONE newsChoi Yena and our beloved main vocalist Jo Yuri are now announced as newlyweds.

"Things might happens for a reason, but most of the time we are the one who choose to make it happens. Never let ourselves to make a decisions whenever we felt uncontrollable emotions, it might lead us to the biggest mistake that we are going to face through our lives."

"사랑해요!" -Choi Yena and Yuri

김 채원
Kim Chaewon of ACE ONE

@chaewonizer0801

June 2020

THE STORIES UNTOLD series (YULYEN I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon