PROLOGUE

661 22 6
                                    

JAMES POV


1 Year later...

Isang taon na ang nakakalipas simula ng mawala ka.

Isang taon na ang nakalipas ng tuluyan kang nawala sakin.

Isang taon na ang nakalipas hanggang ngayon ay sinisisi ko pa din ang sarili ko.

"Bumalik ka na.. Andrea. Please?"

Isang taon na ang nakakalipas, paulit ulit kong sinasabi ang mga linyahang iyan.

Hinimas ko ang lapida nito na nakapangalan ay Andrea Santos.

"James?"

Napalingon naman ako sa tumawag at nakita ko si Uncle Max na may dalang bulaklak.  Lumapit ito at inilagay ang bulaklak sa gilid nito.

"Kanina ka pa dito?"

"Mm..." Sagot ko ng hindi siya nililingon.

Pumunta ako dito ng 6:00am at ang oras ngayon ay 11:45am. Araw araw ko siyang dinadalaw, kung  minsan ay dito na ako natutulog.

"James, why don't you focus on your studies. Para makalimot ka sa lahat ng nangyari.."

'it's easy to say but it's hard for me to forget all the mistakes I did'

Hindi ko ito sinagot at tinitigan ko lang ang lapida ni Andrea. Hindi nako maka pokus sa pagaaral ko, hindi ko nga alam kung paano pa ako naka pag moving up. Hindi ko pa din matanggap na wala na siya, lalo na't ako ang dahilan kung bakit siya nawala.

"James. Its time to move forward, tama na yung Isang taon na nagluksa ka. Hindi matutuwa si Andrea sayo niyan."

Is it really time to move forward? Ang hirap.. Sobrang hirap, Andrea. Can you please ask lord to bring you back here? Can you?

"Hindi mo naman siya kakalimutan James, tatanggapin mo lang na wala na siya at hindi na siya babalik. She will always be remembered."

"How's Kuya Josh and Kuya Jonas?" I asked. After what happened, hindi na ako kinausap pa ni Kuya Josh, I think sinisisi niya ako at hindi ko siya masisisi dahil kahit sarili ko ay sinisisi ko.

Umupo naman si Uncle Max sa tabi ko. "Hindi pa din nila matanggap pero idinadaan nila ito sakanilang mga trabaho para hindi na nila masyadong maisip ang mga pangyayare. Kahit ako hindi ko pa din matanggap, para ko na din anak si Andrea, pinalaki ko din siya kaya masakit para samin na mawala siya."

Natahimik naman ako at muling sinisi ang sarili ko. "Yung mama niya?" Tanong ko, nalaman ko kay Uncle na buhay pa ang mama ni Andrea at nagising na ito nung mga araw na ilibing si Andrea.

(Guys, balikan niyo yung EPILOGUE Sa dulo non ay may dinagdag akong scene!!!  Dinugtungan ko!!  Sana mabasa niyo ito.)

"Hindi pa din ito nagsasalita at parang wala sa sarili.." He said and sigh.

"Sayang lang na hindi nakita ni Andrea ang kanyang ina na gising na."

Napayuko naman ako. "I'm sorry.." Nahihiya kong sabi.

"Look, James. It's not your fault, ilan beses ko ng sinabi na wag mong sisihin sarili mo. Eugene did this, he planned all of this. Siya ang may kasalanan, biktima ka lang din."

Nilingon ko naman siya at malamyang nginitian.

"Thank you, Uncle.. For staying by my side all the time.."

He smiled back at inakbayan ako. "Ano ka ba, hindi man tayo magkadugo, anak na din ang turing ko sayo, kayo ni Aiyana."


"Bakit hindi mo na lang muna ituon ang sarili mo sa pagaaral at sa kapatid mo? Makakatulong iyon kahit papaano."

"I will try my best tito." I said and smiled at him. "Isipin mo na lang na ginagawa mo ito para kay Andrea, okay?"

Tumango naman ako. "Osige na, magpaalam ka na muna kay Andrea at umuwi ka na. Mauuna na ako sayo." He said and tapped my shoulder.

Tuluyan naman itong nakaalis. Nilingon ko naman ang puntod ni Andrea.

"Is this really what you want?" Tanong ko na akala mo ay kausap ko si Andrea, pumikit ako at huminga ng malalim, bigla namang umihip ang malakas na hangin na para akong niyayakap.


"Ikaw ba yan, Andrea? Kung naririnig mo ako, gusto ko lang na malaman mo na napaka tanga ko para pakawalan ka ng ganon kadali. Hanggang ngayon ikaw pa rin ang laman ng puso ko, kahit kailan man ay hindi ka napalitan.. Pero dahil sa isang malaking pagkakamali ay tuluyan kang nawala sakin. Wish I can turn back time, para itama lahat ng pagkakamali ko. Ngunit huli na ang lahat, the only option is to move forward.... Without you."

******

01/18/2021

Short update lang muna! Guys may dinugtong ako sa Epilouge ng book 1 sa dulo!

Thank you sa support! Sana mas humaba pa po ang pasensya ninyo Mwuahahahaha! Keep safe mga Bhie!

Luh, Excited kayo mga Bhie?

– B A D S H 1 T



Meet KATE BARTOLOME 2 [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon