Ipinanganak na bulag si Ivan, 17 years old, ngunit bilang manonood ay makikita natin ang kanyang ‘nakikita’ sa gitna ng panghabang-buhay na kadiliman. Ang kwento ay hahabi sa imahe ng mapait na realidad ng kanyang buhay at ng kanyang mababangong persepsiyon sa kapaligirtan.
Lumaki si Ivan sa paniniwalang ang mundo ay umiikot sa walang hanggang kaligayahan at kasaganaan, siya bilang prinsipe ng lahat ng ito, batay na rin sa mga imbentong kwento ng inang si Senyang, isang magnanakaw. Hindi natatalos ng kanyang kamalayan ang miserableng pamumuhay sa isang dumpsite sa Maynila. Ito ang nagsilbing tahanan niya sa huling sampung taon ng kanyang buhay. Ito ang kanyang palasyo.
Pansamantalang pamamalagi lamang ang orihinal na plano ng kanyang inang si Senyang sa dumpsite. Ito ay habang hinihintay ng ina ang share sa nakulimbat na halaga sa niloobang bangko. Ang pera sanang ito ang mag-aahon sa kanila mula sa kahirapan at magtutustos sa kanyang operasyon. Ngunit, hindi na kaylanman darating ang perang ito. Oonsehin ang kanyang ina ng mga kasabwat. Tuluyan na siyang mabubulag. Hindi na rin mababalikan ng ina ang dating buhay sa probinsya dahil tinutugis na ito ng batas.
Ang walang ligtas na situwasyong ito ang magbubunsod kay Senyang na papaniwalain siyang maginhawa ang kanilang buhay. Dahil higit sa ano pa man, tumatakas na lang ang kanyang ina sa katotohanan. Sa kanyang walang muwang na isipan, mahuhubog nito ang mundo sa paraang pinangarap nito ngunit nabigo.
Magbubukas ang pelikula ng nagngangalit na bulldozer at backhoe. Pagkatapos, unti-unting lilinaw ang malapantasyang tagpo. Isang bundok ng blue rose petals ang babati sa atin. Nilulukuban ito ng green na kalangitan. Kulay violet ang mga tao (kung tao man sila dahil kaiba sa nakagawian ang kanilang hitsura) na masayang naglalaro habang ang mga ito’y dinidiligan ng masaganang petals mula sa makinang nagluluwa nito. Tinatanaw ito ni Ivan mula sa kanyang palasyo.
Ngunit imahinasyon lang ito ni Ivan.
Ang kanyang ‘nakita’ ang magiging biswal natin sa mga unang bahagi ng pelikula. Papaniwalain tayo na ito ang reyalidad although may hints na maghahatid sa atin ng pagdududa. Bakit magkasalungat ang naririnig natin sa ating nakikita? Totoo ba ang ating nakikita? Pagdududahan natin ang napakagandang anghel na dadalaw kay Ivan minsang aalis si Senyang upang ‘makipaglaban sa digmaan’. Mula sa kalangitan ay dadapo ito sa kandungan ni Ivan upang aliwin siya. Walang malisya. Ngunit bakit may umuungol?
Sa Quiapo makukumpirma ang ating mga tanong. Malalaman natin na naroon tayo kahit hindi ito ang ating makikita sa screen kundi isang karnabal; karnabal na ang nangingibabaw na ingay ay sermon ng pari. Masayang-masaya si Ivan dahil ngayon lang siya muli nakisalamuha sa napakaraming tao. Panay ang check ni Senyang sa kanya.
Biglang nagkagulo sa karnabal. May sisigaw na “mandurukot!” Tiula isang pirated VCD copy, madi-distort ang ating biswal. Ang susunod na eksena sa presinto kung saan uusigin si Senyang, wala na tong makikita—pulos audio na lang. Hindi na mabi-visualize pa ni Ivan ito. Magpapalit-palit ang imahe sa screen gaya ng sa slot machine. Tila pumipili si Ivan ng akmang persepsiyon pero hindi makaka-decide. Si Senyang lang ang nag-iisang constant.
Suddenly, magiging ‘normal’ ang lahat.
Isang singkwenta anyos na babae na may akay-akay na binatilyong bulag ang tatambad sa atin sa screen. Binabaybay nila ang daan paakyat sa bundok ng basura. Abang-abang ang kanilang itsura. Sila sina Senyang at Ivan, at ito ang reyalidad ng kanilang buhay.
Tulad ng dati, papabanguhin ni Senyang sa anak ang kinasangkutang gulosa Quiapo. Isa lamang daw itong laro. Lilinlangin ang anak.
Sa pagdaan ng mag-ina sa pulutong ng magbabasura ay maririnig natin ang opinion ng komunidad. “Mga baliw” kung tukuyin sila ng mga ito. Mapapakli lang ang mga lihim na pagkutya sa pagdating ni Lota, 27 anyos na magbabasura at isang undiagnosed nymphomaniac. Alam na ng buong komunidad ang tungkol sa kakatihan ni Lita, ngunit hindi si Ivan.
BINABASA MO ANG
Ang Palasyo ni Ivan
Short StoryAno ba ang nakikita ng isang pinanganak na bulag? Paano kung sa tulong ng sensiya ay makakita siya? Magustuhan kaya niya ang reyalidad ng buhay o mas nanaisin na lamang niyang manatili sa kanyang mundong kinamulatan kung saan maayos, masaya at patas...