Panimula

466 20 8
  • Dedicated kay Sa lahat ng magbabasa!
                                    

©2015 by MrAwesomeOne

Ayon sa isang alamat, nagsimula ang lahat ng buhay sa buong kalawakan mula sa itlog ng Tigmamanukan o ang dakilang ibon ng walang hangganan.

Matapos nyang limliman ay nahati ito sa Sampung Katayuan o Pag-Iral at nagsimula na ang pagkakaroon ng oras, buhay at saysay ang sanlibutan.

Bawat Katayuan ay may kanya kanyang katangian, batas at naninirahan. Bawat nilalang ay malayang nakakabisita sa kung saan mang katayuan, upang mapanatili ang masigabong pag-unlad ng bawat isa.

Ang Paraiso, Impyerno, Purgatoryo at Sansinukuban (Universe) ang ilan lamang sa mga ito.

At ang pinakasagrado't kapita-pitagan ay ang Kabathalan, ang tahanan ng mga bathala.

Sila ang mga namamahala sa lahat ng nilalang na nabuhay, namatay at mabubuhay sa kung saan mang Katayuan.

Ngunit dahil sa katampalasan ng isang bathala ay umusbong ang pagkakawatak watak ng mga Katayuan. Upang mapanatili ito'y ipinagbawal na ng Tigmamanukan ang basta bastang pagbisita ng bawat nilalang sa iba't ibang Katayuan. Hindi na sila maaaring makihalubilo basta basta. Mga pili at itinakdang nilalang na lamang ang mayroong kakayahang magawa ito.

At bilang kaparusahan ay ikinulong at itinakwil ang nasabing bathala sa loob ng isang maskara...

Pero matapos ng matagal na panahon ay handa na syang maghasik ng lagim!

Salamat sa isang nilalang mula sa Sansinukuban,

Isang tao...

Maskara ni KaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon