Chapter 28

2.6K 145 72
                                    

Nauna ang laban ng pagsilo ng baka at nakuha nina Alaric at Rauke ang pagiging champion. Labis ang tuwa ni Gabriella nang makita kung paano nagkasundo at kumilos ng parang isa ang magkapatid na ibang-iba ang ugali sa isa't isa. Sa oras na 4.1 seconds ay nasilo ng kanyang mga kapatid ang pagiging kampiyon at mukhang ang mga mata rin ng mga dalaga sa loob ng arena, na gustong-gusto ng kapatid na si Rauke, pero ikinaiinis naman ni Alaric na may pagkasuplado.

Niyakap niya ng mahigpit ang kanyang mga kapatid at hinalikan niya ang bawat pisngi ng mga ito.

"Ang galing-galing ninyo!" ang masayang bati niya sa mga ito, "Hindi ko akalain na maipapanalo nyo dalawa, well, expected ko pero, sa lahat ng round? Hindi niyo binigyan ng laban ang iba ang layo ng oras ninyo, ni hindi ko nga nakita kayo na mag-practice," ang natutuwa na sambit niya sa mga kapatid.

"Akala mo lang Gab pero araw-araw kami nagpa-practice ni Alaric, siya sa pagsilo ng baka ako sa pagsilo ng babae," ang nakangiting sagot sa kanya ni Rauke.

Napailing na lang si Gabriella sa sagot ni Rauke, pero labis ang kanyang tuwa para sa mga ito, "speaking of babae, mukhang nakasilo rin kayo ng atensyon ng mga babae," ang biro niya sa mga ito.

"Ugh," ang sambit ni Alaric at tumingala ang mukha nito pero si Rauke naman ay abot sa magkabilang tenga ang ngiti nito.

"Sanay na ako sa mga ganyan Gab, maliit na bagay," ang mayabang na sagot ni Rauke sa kanya, "ano Alaric? Lapitan na ba natin?" ang tanong ni Rauke sa kapatid.

"Salamat na lang, kung alam ko lang, lahat ng mga yan eh naakyat na ninyo nina Lucas at Carlos, no thank you" ang galit na sagot nito.

"Sus, tatandang binata ka niyan Alaric," ang nakakunot noo na sagot ni Rauke kay Alaric.

"Malamang, lalo na kung nandito kayong tatlo," ang mariin na sagot ni Alaric.

"Uy sina Lucas at Carlos na! Cattle wrestling," ang sabi ni Rauke sa kanila.

"Ikaw na manood Rauke, maghahanda na kami ni Gabriella, sunod na ang barrel race," ang sabi ni Alaric sa kapatid na tumango at nagmamadali na nagtungo sa arena para panoorin ang mga kaibigan, samantalang sila ni Alaric ay nagtungo sa likuran na bahagi ng arena para ihanda na si Lace na nasa labas na ng horsebox nito at hawak ni Bobby ang reins. Panay ang wasiwas ni Lace ng ulo nito, at galaw ng mga paa.

"Nininerbiyos yata si Lace," ang alala na sabi ni Alaric sa kanya habang naglalakad sila palapit sa mga ito.

Umiling si Gabriella at ngumiti, "Hindi, excited siya, huh, show-off iyan eh, may kayabangan" ang natatawang sabi niya sa kapatid at ngumiti na rin ito sa kanya at napailing na lamang.

"Salamat Bobby," ang sabi niya kay Bobby pagkabigay nito ng reins sa kanya at binati siya ng halik ni Lace at hinaplos naman niya ang mukha nito.

"Walang anuman po Miss, uh si Seth po?" ang tanong nito sa kanya at nawala ang ngiti sa mga labi niya.

"Uhm naparami kasi ang inom kagabi, kaya hinayaan ko na lang muna na matulog," ang sagot niya kay Bobby na napakamot na lang ng ulo.

"Ano po bang ininom?" ang tanong ni Bobby sa kanya.

"Uhm, lambanog," ang matipid na sagot niya at napakamot ng ulo si Bobby sa kanyang isinagot.

Nang maputol ang kanilang usapan nang marinig nila ang hiyawan ng mga manonood at mukhang naipanalo rin nina Lucas at Carlos na mas nakuha na magpartner na lang kahit pa na magkaiba ang kanilang rancho. At sa hiyawan ng manonood litaw ang cheer ng mga babae sa pagsigaw ng papuri sa mga ito. Lahat yata ng babae ay humaling sa mga ito, uh hindi, may nag-iisa na hindi naloko ng mga ito, kaso nag-walk-out.

The Bribe To Be - Gabriella Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon