Prologue

4 0 0
                                    

"Mommy?" Tawag ng isang batang babae sa ginang, Nakaupo ito sa harap ng salamin at nakasuot ito ng stars scout uniform habang ang ginang naman ay nakasuot ng berdeng bistida.

"Yes, anak?" sagot ng ginang habang hinahaplos ang buhok nito.

"Totoo po ba ang mga superhero?" Inosenteng tanong ng bata.

"Oo naman anak, pero may ibat ibang klase ng superhero" nakatingin lang ang bata sa repleksiyon ng salamin. "Kasi diba ang super hero tagapagligtas? Dito sa mundo ng mga tao ang super hero ay yung mga tagaligtas ng mga tao tulad ng sundalo, doctor, pulis at mga taong dumadating sa oras ng pangangailang at tumutulong sa nangangailangan yung ang depenisyon ng superhero"

"Eh mommy namamatay po ba yung mga bad guys na kinakalaban nila?"

"Yung iba Oo, yung iba naman hindi kasi anak, hindi lahat ng superhero ay bad guys ang kalaban"

"Ano po yung kalaban nila mommy?" Interesadong tanong nga batang babae.

"Sakit anak, at iba pa"

"Anong klaseng sakit mommy?"

"Madami naman kasing sakit anak, yung iba napapagaling yung iba naman hindi" may kahulugang sagot nito.

Hindi na sumagot ang bata dahil biglang bumukas ang pintuan at inuluwal ang asawa ng ginang.

"Daddy! Daddy up, up" hiyaw ng bata sabay pakarga sa ama..

"Wow! Ang ganda ganda naman ng prinsesa ko" pagpupuri nito sa anak.

"Hmm bango bango ah...ready kana ba anak?"

"Opo daddy!" Masayang sambit ng bata.

"Halika na?"

"Yehey!"

---------------------------

"Daddy, matagal pa ba tayo?" Nakabusangot na tanong ni Ella.

Nakaupo Ito sa backseat ng sasakyan habang hawak ang manika na bigay ng mga magulang nito nung nakaraang birthday nito.

"Bakit anak, nababagot kana ba Jan?"

"Yes daddy, mommy pwede po bang Jan nalang ako?"

Nagkatinginan naman ang kanyang mga magulang.

"Ahm hindi pu-pwede anak eh baka madisgrasya tayo"

"Pero mommy, gusto ko po dyan! Please, please?"

"Hon, pagbigyan mo na, dadahan dahan lang ako sa pagmamaneho"

Lumaki naman ang mata ng bata dahil alam nyang papayagan na sya ng mga ito.

Napabuntong hininga ang ina nya at hinayaang syang kumandong dito, mabagal lang ang takbo ng sasakyan nila nag-iingat na wag nadisgrasya.

"Anak matulog ka kaya muna? Mahaba pa kasi ang byahe natin eh"

"Okey lang po ako mommy," sagot ng bata at humikab pa.

Sa mahabang byahe nakatulogan ng batang si Ella ang malamig na hangin na nanggagaling sa aircon ng sasakyan.

Habang natutulog tuloy ang pag-uusap ng kanyang mga magulang.

"Hon, Nakatanggap ako ng sulat galing Sta. Niño." Seryosong wika ni Eduard ang ama ni Ella.

Nakaramdam ng pagkabahala si Fatima ang ina ni Ella.

"A-anong sulat Eduard." Nag-aalala nitong tanong habang nakatingin sa asawa.

Sandaling sinulyapan ni Eduard si Fatima pati ang anak sa bisig into.

Kaibigan 1: KaramayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon